Chubby Ako - Entry #42

12.6K 184 172
                                    

ENTRY #42 (Part Two)

A/N: A big shoutout to @AqohCiiKhuletz! This chapter was supposed to be dedicated to you but since hindi ko madedicate (Siguro kasi di ka naka-fan), shoutout na lang. :))

**

Janella's POV

"Nagawa mo na ba, Luke?" narinig kong sabi ni Drew kay Luke. Nanatili lang ako sa likod ng pinto. Tahimik na nakikinig at kinakabahan sa mga malalaman ko ngayon.

"Gagawin ko na. She'll be here any minute." rinig kong sagot ni Luke.

"Oh please Luke. Ang tagal na nito! Before the mock defense, nagkausap tayo. You told me na gagawin mo na yung deal. But you didn't. Don't tell me--?"

"Pwede ba Drew!? Pinagsisisihan ko na, na nag-agree pa ako dyan sa mga kalokohan mo. This is wrong."

I heard her smirk. "Pero nasimulan mo na, better finish it. Let me remind you, the deal was to make her fall in love with you then--"

"Then break her heart. Hindi ko nakakalimutan yun. But you broke the deal. Sabi mo, once na mag-agree ako, wala ka nang gagawing masama sa kanya. Pero nung party mo, ano yun? Nawala lang ako saglit tapos may nangyari na kay Janella."

"That wasn't my plan! Friends ko ang gumawa nun, not me!"

"Tss. Lie harder, Drew. Sa tingin mo hindi kita kilala?"

"Whatever!" nakita kong tumingin siya sa phone niya. "Where the heck is that pig?! Bakit ang tagal niya?!"

"Wag mo nga siyang tinatawag na--" magsasalita pa sana si Luke kaso napigilan siya ni Drew.

"Why are you protecting her? Don't tell me na inlove ka na sa kanya?! Oh please Luke!"

"Paano kung oo? May magagawa ka?" nagtss siya. "Know what, wag na lang nating ituloy. I don't care kung magplano ka na naman ng masama kay Janella, ako ang makakalaban mo, Drew."

"Really? Are you threatening me? Because I am not threatened. I can tell her right away na pinaglaruan mo lang siya. You did all of this because of our freaking deal and that's all. Tignan lang natin kung sino ang talo."

Please do play the video link>>

Then break her heart.

Paulit-ulit sa utak ko ang boses niya nang sinabi niya ang mga salitang yan. Then break her heart? Kung ganon, plano niya lang talagang kilalanin ako para ma-inlove ako sa kanya pagkatapos.. sasaktan niya ako?

I was dumbfounded. Naramdaman ko na may tumulo na namang mga luha mula sa mga mata ko. Pinahid ko ang mga yun tsaka huminga ng malalim. Hindi ako galit, nasasaktan ako. Eto na ba yung sinasabi nilang karma? I broke his heart but I didn't know that he has already planned on how to break mine.

Huminga ako ng malalim dahil ayokong.. ayokong matalo na naman ako nga mga emosyon ko. Binitawan ko yung pagkakahawak ko sa knob at tinalikuran yung pinto. Iniwan ko yun na bukas at pinilit kong humakbang ng isa palayo sa pintuang yun. May mga bagay na sinasabi kahit hindi totoo, pero may mga bagay din na kahit totoo, dapat hindi na lang sinasabi. Sana pala hindi na lang ako pumunta.

Naglakad na ako ng isa.. dalawa.. tatlong hakbang, pero natigilan ako. Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang mga paa ko na naglalakad ulit pabalik sa pintuan. Pinihit ko na yung knob at naglakad papalapit sa kanilang dalawa. Nakita nila ako at nang tumingin ako kay Luke, alam kong nabigla siya.

"Janella.." sabi ni Luke sa akin. Hinawakan niya yung kanang kamay ko. Tumingin ako kay Drew tsaka tumingin sa kanya ulit.

"Oh Luke, bakit mo ako pinapunta dito? May kelangan ba akong malaman?" sagot ko sa kanya. Oo, nagkunwari ako na hindi ko narinig ang lahat. Nagkunwari ako na hindi ko alam na pinaglaruan lang pala nila ako. Nagkunwari ako.

Chubby Ako. (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon