Chubby Ako - Entry #1

43.1K 417 90
                                    

 

 

ENTRY #1

Hi. Ako nga pala si Janella Salvador. High school student sa East High School. Mabait ako. Yung tipong kahit abusuhin mo ayos lang.

May itsura naman ako. Syempre, sino ba namang wala diba?

Pero hindi nga lang ako yung tipong "catchy". Hindi yung tipong "pansinin" ng mga lalaki. Alam niyo na...

Chubby kasi ako.

Yung tipong may itsura, pero favorite place ang kusina.

OO. MATABA AKO! Ayan, ako na ang nagsabi. Para 'wag na nila ipagduldulan.

Kaya nga, hanggang tingin na lang ako...

..kay Luke.

Ang aming campus heartthrob na hindi conscious na heartthrob siya.

Ano nga bang magagawa ko?

Langit siya, Earth lang ako.

Ano ba namang laban ko sa mga magaganda, sexy, at MALALANDING babaeng lumalandi sakanya? Talo ng malandi ang maganda at mabait diba? Tapos, ang chubby ko pa.

Friday, may practice ang Theater Club sa stage namin. May ipepresent kasi silang play. Love story. At ako, bilang mabait kahit inaabuso na, tinanggap ko naman ang favor nila na maging propsman for the day. Propsman na lang, wag naman alalay. Ang pangit naman ng term.

Ayun nga, ako ang tigadala ng mga chechebureche nila. Mga costumes, watergirl din. Akalain niyo yun? Kababae kong tao tapos ako yung hiningan ng favor na maging propsman?

Baliktad na nga pala ang mundo ngayon.

Pero ayos lang, kasi ang lead actor ay si Luke. At least libreng pasulyap-sulyap din. May mga times din na nahahawakan ko ang kamay niya kapag binibigay ko ang costume niya. Kapag naman katabi ko siya, at least isang hangin lang ang ini-inhale naming dalawa.

Pasensya na, pangarap ko kasi siya.

Tapos.. habang dala-dala ko yung mga props, may S, kasi ang daming props! Napadaan ako sa may place ni Drew. Babae yan, impakta nga lang. Hahaha. Sorry, ang arte primes niya kasi! Hindi ko naman siya inaano, pero inaano niya ako eh.

Kung may hate club ako. Siguro member siya, SIYA LANG.

Ewan ko sa babaeng yan. Kung makapanglait naman kasi diba? 

At eto na nga, madadaanan ko na siya. Nakita ko siya, inirapan niya ako.

Pinatay ko siya, sa isip ko lang naman.

Narinig ko pa ngang sinabi niya, "Kaya pala konti na lang yung stocks ng food, may baboy kasi." tumawa siya.

Pero hinayaan ko na lang. Kung dyan naman siya masaya eh. Preoccupied pa din ang isip ko kung paano ko siya i-mumurder (sa isip ko), kaya hindi ko nakita na may upuan pala sa dadaanan ko. 

At oo, natapilok ako, nagpagulong-gulong, nalaglag ang lahat ng mga dala ko. Pero ang pinakamasaklap sa lahat? Nakita ako ni Luke.

Watdahell lang diba? Kuha cutter, laslas pulso na lang siguro ako.

Kaya lang may tumulong sa akin.

Hulaan niyo kung sino...

Hindi si Luke. Asa naman ako.

"Hi. E-eh.. s-salamat ah! Amin na yan. Ako na lang." tinulungan niya akong makatayo tapos kinuha niya rin yung mga props na nahulog.

"Okay lang. Hindi.. ako na lang nito. Saan mo ba ilalagay 'to?"

Tinignan ko lang siya. Namangha ako. Kasi.. ang bait niya. At take note, hindi niya ako tinignan, yung tingin na "sayang, maganda sana kaso chubby." Matagal-tagal din yung tingin ko, gusto kong malaman kung meron siyang telepathy.

"Ahh.. oo! Ako nga pala si Kim..." nakipagshakehands siya. Nabigla ako. 

Baka bakla 'to?

Kaya tinignan ko na naman siya.

"U-hh.. wag kang mag-alala, lalaki ako. Hehe." tapos nagpeace sign siya.

Pero manly ang dating.

Phew! Buti naman. Sayang kasi ang kagwapuhan niya kung bakla siya.

"Nga pala Kim, ngayon lang kita nakita dito ah? Ano nga pala full name mo?"

"Ahh.. Kim Stefano Salvador.."

Ganun, ka-apelyido ko. Heneways. "Transferee ka? Ba't dito ka nag-aral?"

"Oo.. transferee ako. Nandito kasi yung girlfriend ko...

..si Drew."

 At tulad ng mga romance stories sa Wattpad, isa rin ako sa mga nangangarap na si Luke ang magiging leading man sa magiging love story ko-- Ay teka, kausap ko pala si Kim.

Chubby Ako. (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon