FIFTY THREE PT.2

1K 13 7
                                    

***for now, hindi ko po muna bibigyan ng POV si annika. Mas maganda kung si eevie or alexis or si dave muna.

Next chapter

eevie's POV

ambilis ng panahon, hindi ko akalain na nasira talaga ang relationship ni annika at alexis dahil sa bisugong sheena na yun. Anyway, hindi talaga ako naniniwala na may sakit siya so pinapaimbestigahan ko ang kaso niya. Akala niya pagkatapos namin magharap ganun ganun nalang? Sorry, hindi ako katulad ni annika na basta basta nalang sumusuko.

3 months, ganyan na katagal since nung huli naming pagkikita ni annika, malaki na din yung tiyan niya. Huminto na and nakatira kung san man na hindi siya makikita ni alexis. Ewan ko ba dun sa babaeng yun,loka koka ever.

3 months ko na rin minamatygan sila alexis at sheena, and sa nakikita namin hindi sila okay ni sheena. Mukha ngang napipilitan nalang si alexis sa kanya eh. Poor girl, kelangan pang magkasakit para balikan ng minamahal niyang gago.  Ngayon nga pala magrereport sakin ang tauhan ko na nagiimbestiga sakanya. Mayaman ako at makapangyarihan, kaya marami akong kakilala. Mali talaga ng kinalaban si sheena.

"mam, eto na po yung report namin." binigay sakin ni joe yung mga documents na pinapahanap ko.

Andito kami ngayon sa isang coffee shop. Hindi na kasi ako makapaghintay sa ibabalita niya sakin. Gustong gusto ko na durugin yung babaeng yun eh.

"thanks joe, so anong balita?"

"napagalaman po namin na isang doktor nga ang gumawa ng mga files niya, pero wala kaming nakuha na papers na naglalaman ng tungkol sa treatment niya. Yung mismong papers lang na confirmation na may sakit siya. Pero diagnose, treatments wala. Ibig sabihin po for show lang ang papers na ginawa nung doktor."

i took a sip of my coffee. Nagiinit ang dugo ko sa kasiyahan.

"sabi na eh, a very good actress but a very bad scammer. Good job joe, salamat sa lahat."

"wala po yun mam, anything para sa inyo."

i gave him a simple token of my appreciation.

"mam, wag na po. Hindi naman po kailangan eh."

"joe, kahit para nalang sa pamilya mo. Dont worry, maliit na bagay lang yan. Salamat kasi natulungan mo ako at ang kaibigan ko."

then tumayo na ko, i took out my phone and called dave.

"hey, nasan ka?"

"nandito sa bahay ni annika bakit?"

"confirmed."

"talaga?"

"yes, dont tell annika though. Ayoko siyang magpanic ng bongga, baka tumaas ang blood pressure niya."

"o sige, so kelan tayo magkikita?"

"tomorrow sa school nalang."

"should we tell alexis?"

"no. Gusto ko na mismo si sheena ang magsabi sa kanya."

natawa si dave. "nakakatakot ka pala eevs."

"naman, ayokong nasasaktan ang mga kaibigan ko. Kundi ako makakalaban nila, kamusta na si niks?"

"ayun tulog na siya, kain ng kain akala mo wala ng bukas."

"tama yan."

"tinatanong niya kelan ka daw magpapakita sa kanya. Namimiss ka na nung tao eh."

"sabi ko naman sakanya hindi ako magpapakita ng wala pa akong good news diba?"

LIFE WITH HIM <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon