FIFTY EIGHT

1.1K 12 9
                                    

Fifty eight

Sa wakas. Natapos na daw niya yung nursery na ginagawa niya. Its  About time naman na kasi anong petsa na diba. Almost  1 month niya na ginagawa yun. Never akong sumilip dun kaya hinahayaan ko nalang siya magkwento kung anong meron sa loob. Yes, were on good terms na, pero hindi yung tipo na tulad dati na sobrang close. Maybe we cant go back that easily kasi sadyang malaking lamat na samin yun, but I can see naman na talagang binabalik niya yun. Im happy na open siya sakin. Dito narin pala siya umuuwi sa bahay ko pero magkaibaa ng kwarto. I guess kahit may feelings parin ako sa kanya im still on guard. Mahirap masaktan ulit.

May lunch date DAW kami ngayon kaya kailangan daw magbihis ako. Sabi rin ni alexis kailangan ko na makalanghap ng sariwang hangin dahil namumutla na daw ako and nakakasama daw yun sa baby NAMIN. Kapal ng fez pero nakakakilig naman pero syempre hindi ko pinapakita na kinikilig ako. Nagsuot lang ako ng simpleng white dress then naka doll shoes lang ako. Hayst, antaba taba ko na, anlaki na kasi ng tiyan ko ee, parang kumain ako ng 100 kanin tapos hindi nilalabas. 8 months na pala ang baby namin, 1 month to go and our baby girl will meet the world na.

*bebebebebe kooo**bebebebebe koooo**pick up the phone please!!!**

Yes ring tone ko yan. Bagong gawa niya, feeling close siya nung kinuha niya bigla yung phone ko last month and nilagay niya yan. Hindi namin pinaguusapan yung nararamdaman naming, parang para sakanya, actions speak nalang.

“bakit?” naiirita kong sagot.

“nakabihis ka na ba?”

“hindi nakahubad pa. malamang nakabihis nako, kanina mo pa ko kinukulit magbihis eh.”

“hehe sorry naman. Andito na ko sa subd. See you later.” Bigla nalang binaba, may pagkabastos parin talaga tong lalaking toh, hayst.

Pasalamat siya…

Mahal ko parin siya.

Pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng may bumungad sakin na boquet of roses.

“ano toh?” tanong ko sakanya.

“bulaklak.” He answered innocently. Aba pilosopohan pala gusto niya aa

“hindi, hindi ko alam na bulaklak yan. I mean, para san yan?”

“bakit bawal ba kita bigyan ng bulaklak kung gusto ko?”  then he smiled that sweet smiled that captured my heart a long time ago.

I felt my cheeks turn red. “andami mong alam, tara na nga.” Then he guided me sa kotse niya. “teka san ba tayo pupunta?”  sabi ko habang inaayos ang seatbelt ng upuan ko.

“you’ll see.”

“ee san nga??”

“be patient.” Then he turned towards me then smiled.

Hindi ko alam pero I felt my heart skipped a beat.

“mag drive ka na nga, baka abutin pa tayo dito ng pasko.”  I don’t know kung bakit parang biglang ang sungit ko sa kanya, siguro dahil ayokong mapansin niya na talagang mahal ko pa sya. Hayst naman annika.

“your wish is my command” simple niyang sinabi habang inii-start na ang makina ng kotse.

Medyo matagal din ang nagging byahe, mga 2 hours ata yun. Takteng lunch date yan oh, mag aala una na wala pa kami sa destinasyon. Siguro nasa dulo na kami ng Luzon hindi parin kami nakakarating. Hindi naman naging awkward ang byahe, once in awhile naguusap kami, asaran, bangyan yung tipong kulang nalang magaway na kami. Pero pag nararamdaman ko na magaaway kami, bigla nalang siyang tatawa at mapapasali nako sa tawa niya. Sobrang ibang alexis na siya, nag matured kumbaga, kasi dati ambilis uminit ng ulo niyan, kapag napikon na ko sasabayan nadin niya ng init ng ulo niya. Pero ngayon hindi, kahit asar na asar na ako bigla nalang siyang magssmile tapos titingin sakin tas tatawa. I don’t know pero nawawala init at asar ko pag ganun siya kaya pati ako natatawa nalang din.

“alam mo…”panimula ko.

“ano na naman yun?”  kanina ko pa kasi siya kinukulit, im getting used ulit sa pagsasama naming and im happy about it.

“sa totoo lang ayoko ng roses.”

“bakit naman? Lahat ng babae mahilig sa rose.”

“that’s exactly my point, hindi naman ako tulad nila na ganun.”

“dahil di ka babae?” abay watda*^%

“sira! I mean, im not one of those girls na mahilig sa roses, unique ang taste ko.” Paliwanag ko. Medyo slow kasi toh si alexis ee, sarap iuntog sa manibela ng sasakyan

“so meaning dahil unique ka gusto mo sampaguita?” then he arched an eyebrow at me, parang nagtataka na nangaasar. Well more on nangaasar talaga siya.

“eh kung alayan kaya kita ng sampaguita sa nitso mo?”

“joke lang! ano ba kasi favorite mo na flower?”

Napaisip ako dun ah. Ano nga ba ang gusto ko??

“hmmmmm. Gusto ko ng sunflower.”

“sunflower? Bakit sunflower?”

“kasi malaki siya, color yellow maganda, unique.”  Tama ba explanation ko?

“sunflower? Unique?”

Nagulat ako ng bigla niyang hininto ung kotse.

“dito ka lang ah.” Akala ko pa naman andito na kami.

Hindi naman siya nagtagal, siguro mga 15-20 minutes siyang nawala. Nasa tapat kami ng isang flower shop, hehe siguro bibigyan ako neto ng sunflower. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung bakit nagustuhan ko yun, all I know is sa unang pagkakita ko nun gandang ganda na ko kaya nung 18th birthday ko hindi roses ang binigay sakin ni kuya athan kundi sunflower. Angas nu?

“san ka nagpunta?” may dala dala siyang supot. Akala ko pa naman sunflower na bibigay niya sakin.

“oh eto!” at may inabot siya sakin.

LINCHAK! Sunflower nga…… buto ng sunflower!

Tinignan ko siya ng masama. Aba ginagago ata ako neto ee.

“eh kasi diba unique ka, tska yan binili ko para sa garden natin magtatanim tayo ng madaming sunflower. Ayoko naman na bibigyan kita ng ilang piraso tapos malalanta lang kaya ayan binili ko.”

Napatingin ako ulit sa hawak ko then sa kanya. Medyo kinakabahan pa siya kasi hindi siya makatingin sakin ng direcho.

“sorry.” Yun lang nasabi niya. Akala ata niya hindi ko nagustuhan.

“salamat!” then I kissed him sa cheeks.

Nagulat siya sa ginawa ko kasi bigla siyan nanigas at napatitig sakin, nagsmile lang ako in response at nagsmile nalang din siya.

“annika? gising na.” Paggising ko medyo madilim na and wala na ko sa sasakyan, nasa kama na ko.

“asan ba tayo?” sabi ko habang nagkukusot ng mata at naguunat.

“jan lang sa tabi tabi. Baba ka na, naka ready na yung pagkain.”  Tumayo na siya at lumabas ng kwarto.

Teka bakit parang familiar sakin yung place?

O-M-G.

Nandito kami kung san kami naghoney moon.

Ano bang balak niya bakit niya ko dinala dito?

Don’t tell me……

LIFE WITH HIM <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon