Chapter 44

142K 2.7K 763
                                    

 Chapter 44

(Julia)

Bumalik na kami sa RoyalAcademy gamit ang 2 helicopter ni Sophia..

”Hay namiss ko ang Academy!!” Sabi ni Lia at sobrang laki ng ngiti niya. Hay, buti naman at nakakangiti na siya ng ganyan Napatingin ako kay Timothy..

”Tim, are you ok?” Tanong ko. Sobrang tahimik kasi niya..

”Yeah. I’m fine..” Tapos umalis siya. Ano bang problema niya? Kahapon pa siya ganyan. Hayaan ko na nga muna siya..

 Napansin kong nakamasid lang sa amin si Sophia. May kinalaman kaya siya kaya ganun si Timothy. Wala naman siguro..

 Napansin ko din na panay ang parit-parito ng mga guards. Anong meron? Mabuti pa pagtuunan ko na ng pansin ang pag-aasikaso sa Royal Grad.

”Julia, kung may maitutulong ako sayo para sa preparation sa Royal Grad, sabihin mo lang sa akin..” Nagulat ako ng biglang lumitaw sa tabi ko si Lia.. Napangiti naman ako sa sinabi niya. She’s  really caring..

 ”Oo naman. Pero alam mo naman na ikaw ang magiging in-charge sa magiging design ng buong lugar.” Sabi ko. Tuwing may party na mangyayari siya ang gumagawa ng design kung saan dapat ilagay ang mga tables etc.

 ”Of course. Expert kaya ako dun! Yah! May naisip na ako!!” Tapos tumakbo siya papunta sa loob. Hala! Tumakbo siya. 

“Hoy Lia! Wag kang tumakbo!!” Sigaw ni Daniel. Tapos sinundan niya si Lia. Napailing na lang ako, ang cute nilang tignan..

(CLARISSA)

Agad akong pumunta sa opisina ni Sophia para makausap ko siya. Pagtapat ko sa pintuan, lumabas si Sebastian..

“Young Mistress Clarissa, kamusta po kayo?” Ngumiti ako.. 

”Ayos lang naman. Ahm. Pwede ko ba siyang makausap?”Tumango si Sebastian..

 ”Opo, wala naman po siyang ginagawa.. Pumasok na po kayo..” Tumango ako at pumasok na. Nakita ko siyang nakaupo sa office table niya at nakatingala, parang ang lalim ng iniisip niya.. Hindi nga niya ako napansing pumasok.

 “Sophia..” Agad namang bumaba ang tingin niya sa akin. Tinignan ko muna siyang maigi, may pagkahawig talaga sila ni Yves..

”What?” Malamig na tanong ni Sophia sa akin..

 ”Gusto kitang makausap…” Mahinahon kong sabi..

”Kinakausap mo na ako..” Huminga ako ng malalim..

”The Royal Council has decided, Sophia. They want you out..” Tumaas ang kilay niya..

 “Ibinalik ko na ang Ramos Group, ano pa ba ang gusto nilang mangyari?”Tanong niya.

“It’s because of Madam Diane...” Pinagmamasdan ko lang ang reaksyon ni Sophia.. Pero parang wala lang sa kanya.

 ”Ano naman ang kinalaman niya?” Tanong niya.

 ”She’s missing for about 2 months now.. And—“ Hindi na niya pinatapos ang sinasabi ko.. 

“And they think that i’m the one responsible for it, right?” Tumango lang ako. Napangisi siya.

An Angel Turned Into  Devil (Published Under LiB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon