28

10.3K 190 38
                                    

Kathryn's POV

"Mama," I immediately hugged mama pag pasok namin ng bahay. ".... Dito muna kami please." I said.

Kasama ko lahat ng mga anak namin.

Sinama ko ang yaya ni Sab dahil alam kong hindi madali ang alagaan silang tatlo.

"Paakyat mo muna ang mga bata. Kailangan nating mag usap." Sabi ni mama saakin.

Pinaakyat ko na sa mga katulong namin yung mga bata at yung mga gamit namin.

"Mag kwento ka Kathryn Chandria." Umupo kami sa sofa sa sala.

Hindi pa ako nagsisimula, pero yung mga luha ko bumagsak na.

Bumalik lahat ng nangyari kanina, bumalik lahat ng sakit kanina nung mag kausap kaming dalawa.

Ang hirap hirap pa ring tanggapin.

"Mama." Wala na akong sinabi pang iba, niyakap ko lang si mama.

Kailangan ko ng yakap ngayon.

"Kathryn, mag kwento ka." Sabi ni mama saakin.

I let go of the hug.

Let go.

"Mama, si DJ kasi eh," Sinampa ko ang paa ko sa sofa at niyakap ko ang tuhod ko. ".... ang landi landi niya." Dagdag ko pa.

"Bakit naman naging malandi si DJ?" Tinanong ako ni mama.

"Mama, may iba siya. Hindi lang pala ako. Di na ako importante sa kanya." Nakatingin lang ako sa kawalan habang nagsasalita ako.

"Kathryn, sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Tanong saakin ni mama.

Sigurado naman akong may iba siya eh.

Sigurado nga ba ako?

"Kung may iba siya, Kathryn, bakit inuwian ka pa rin niya? Kung pwedeng matulog siya kasama nung babaeng 'yon? Kasi importante ka kay Daniel," Napatingin ako kay mama dahil sa mga sinabi niya. ".... Ngayon, anong sinasabi mong hindi ka importante?" Sabi pa ni mama.

"May hinalikan siyang iba, mama. Tapos muntikan pang ano, eh mama ako yung asawa dapat saakin lang siya ganun. Ako lang dapat ang gagawa sa kanya nun eh." I looked down on my knees and my tears continued to fall.

"Kathryn, iba ang hinalikan sa nahalikan. Iba yung hinalikan ni Daniel yung babae. Ibig sabihin, gusto ni Daniel. Iba naman yung nahalikan si Daniel ng babae. Pwedeng, yung babae yung may gusto, pwede ring hindi sinasadyang halik." Pagpapaliwanag saakin ni mama.

Tinignan ko ulit si mama. "Eh mama, parehas lang naman yun diba? Halik pa rin bandang huli." Sabi ko sa kanya.

"Kath, magka iba yun. Magkaibang magkaiba. Ano bang sabi ni Daniel? Siya ang humalik o yung babae?" Tanong saakin ni mama.

Napaisip ako sa tanong na ibinigay niya.

I don't know.

Hindi ko alam yung isasagot ko kasi hindi ko talaga alam kung sino ba talaga.

"Hindi ko alam, mama. Hindi ko alam." Umiling iling pa ako habang nagsasalita.

"Oh, hindi mo naman pala alam tapos galit galit ka agad diyan. Akala ko matured na rim ang utak mo katulad ni Daniel, meron pa rin pala talagang natitirang pagka isip bata." Sabi pa saakin ni mama.

Nadala talaga ako ng galit ko ng malaman kong may ibang labing dumampi sa labi na dapat ako lang ang hahalik.

My property will always be my property.

Married Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon