8

15.7K 236 13
                                    

Third Person's POV

"Bal, si Sam umiiyak. Puntahan mo." He said, scratching his pair of eyes. He'd lost his sleep and this frequently happens. He's uncomfortable with it.

"Ikaw na please, I'm lazy to get up." Kathryn answered. Aside from she just finished doing the paper works for their upcoming restaurant, galing din siya sa ABS-CBN para sa taping ng isang T.V. show na isa siya sa mga bisita.

"Kaka bangon ko lang rin kani-kanina, tangi. Nandiyan naman milk niya sa may gilid eh." Inabot niya ang unan na nasa tabi niya at mahigpit itong niyakap. Itinaas niya rin ang makapal na comforter nila.

"Please, bal." She whispered.

"Sige na ako na." Tumayo si Daniel sa pagkakahiga at pumunta sa crib ng kanilang panganay. Sam has his own room already, pero ang gusto ng mag asawa'y dito muna siya sa kwarto nilang dalawa. He even sleeps at their center sometimes.

Tinignan ni Daniel ang kanilang orasan at, "T*ngina." Nang nakita niyang mag aalas tres pa lang ng umaga.

Later, same day

"Bal! Alis na ako! Nandun yung mga gatas ni Sam ah. Ikaw na lang magtimpla. And yung vitamins niya mamayang 10:00 am yun ah? Tsaka meron siyang something sunburn or what sa likod, paki pahidan ng ointment para gumaling na. Nagpaluto ako ng breakfast, kumain ka na." Pagpapaalala ni Kath sa asawa na naghehele ng kanilang anak. "Wag mo na akong sunduin, baka umiyak si Sam, amoy mo lang ang gusto niya. Sige alis na ako. Bye. Take care. I love you." Hinalikan ni Kathryn si Daniel sa labi ng mabilis at tumakbo sa kotse.

"I love you too!" Sigaw ni Daniel na naghehele pa rin ng anak.

"Ibababa muna kita anak ha? Gutom na ako eh." Binaba ni Daniel ang anak sa crib na nasa first floor. Dumiretso siya sa kusina tsaka sumandok ng champorado na inihanda ng kanilang katulong. Nilapag ni Daniel ang hawak na mangkok at umupo. Isusubo niya na sana ang pagkaing nasa kutsara niya ng tumunog ang cellphone niya.

"Hello, MJ."

"Hello, Dj. Attend ka ba ng playoffs next month?"

"Ay, next month na pala 'yon, no?" Nakalimutan niya na 'yon dahil sa sobrang niyang inaatupag. Everyone's waiting for his answer. Kung sasali ba siya o hindi. As much as he wants to, but he thinks there are more imports things to do than playing. Kahit miss na miss niya na ang mag laro.

"Oo eh. Nae-excite na ang lahat kung maglalaro ka.."

"Hindi ko pa alam, MJ eh. Kung wala sigurong masyadong gagawin. Sabihin ko na lang kung pwede ako ah? Pasensya na.." He answered with all honesty.

"Okay lang naman, J. Alam naman naming full-time daddy ka na. Sige, kamusta mo na lang ako kay Kath ah?"

"Sige, salamat. Saakin ka pa talaga tumawag ah." He giggled for w bit before ending the call.

He tapped on one his social media sites and scrolled through it. He even liked some tweets of their fans. Umingay naman agad ang lahat dahil sa mga ginawa niya.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Married Life Where stories live. Discover now