10

17.3K 248 22
                                    

Third Person's POV

After 2 years...

Fords' Residence

"Ano, bal? Let's go na po?" Tanong ni Daniel sa asawang nagsusuklay ng buhok sa harapan ng salamin sa kwarto nila.

"Eto na, okay lang ba yung dress ko?" Umikot si Kathryn para ipakita ang suot niyang puting dress. ".... di ba panget dahil sa baby bump ko?" Tanong pa niya.

It's been 3 months when they found out that Kathryn is pregnant. Sobrang saya nilang dalawa dahil madadagdagan nanaman ang pamilya nila.

Ngumiti si Daniel at sinabing, "Perfect, mahal." Tsaka soya kumindat sa asawa.

"Thank you," Ngumiti si Kathryn. "... Suklayin ko ulit 'tong hair ko." Dagdag pa niya.

Pinagmasdan lang ni Daniel si Kathryn na sinusuklay lang ang kanyang buhok.

Lagi niyang pinagmamasdan ang mukha ng asawa niya, at lagi din siyang namamangha sa lalo pang gumaganda nitong mukha at kalooban. Dahil sa tagal nilang magkasama marami silang natutunan sa isa't isa na nakapag pahubog pa lalo ng kanilang mabuting pagkatao.

"Hey, bal. I'm okay na. Saan na ba si Sam?" Tanong ni Kathryn kay Daniel.

Inabot ni Daniel ang kamay ng asawa at hinawakan ito ng maigi.

"Nasa baba na po, tara na't baka hinahanap na tayo doon." Sagot ni Daniel at tsaka sila naglakad palabas ng kanilang kwarto.

"Tara na, kuya Sam." Bungad ni Daniel nang madatnan nilang nanonood ng cartoons ang panganay nila.

Pinatay naman agad ni Sam ang telebisyon at pinagpag ang damit na may maliliit na butil pa ng tinapay na kinain niya kanina lang.

"Ate, paki lock ho ang pinto ha? May susi naman kaming dala eh. Siguraduhing lock lahat ha? Pati yung ilaw siguraduhing patay lahat. Pati yung gate ha? Alis na kami. Ingat kayo dito." Lumabas na sila ng bahay pag tapos mag bilin ni Daniel sa kanilang katulong.

Naglalakad sila papunta sa garahe kung nasaan ang kotse nila nang biglang tumigil sa paglalakad si Kathryn.

"Bakit, bal?" Tanong ni Daniel.

"Gusto ko yung kinakain ni Sam. Kuha mo ako." Kathryn even pouted at DJ para lang ma-convince niya ito.

"Ikaw talaga, kung ano talagang makita mo." Pinisil ni Daniel ang ilong ni Kathryn bago siya pumasok ulit sa loob.

"Ate, meron pa ba nung kinakain ni Sam kanina?" Tanong niya sa katulong nila. ".... gusto rin kasi ni Kath eh. Lahat na lang gusto." Dagdag pa niya.

Tumingin ang katulong nila sa cabinet kung saan nakalagay ang mga snacks ng anak nila.

"Wala na po, sir. Naubos na rin ni Sam." Sagot naman ng katulong nila.

"Sige, ate. Alis na kami. Yung bilin ko ah?" Sabi ulit ni DJ bago lumabas ng pinto at puntahan ang mag ina niya.

"Where na?" Tanong agad ni Kathryn nang makita niyang palabas ang asawa.

"Wala, bal eh. Bibili na lang ulit tayo bukas. Tara na, alis na tayo." Hinawakan ulit ni Daniel ang kamay ng asawa.

"Bal, bili tayo nun. Gusto ko nun eh. Please." Yumakap si Kathryn sa likod ni Daniel na para bang pinipilit ang daddy niyang bilhan siya ng manikang nadaan nila sa mall.

Wala namang magawa si Daniel kung hindi sumunod sa gusto ng asawa. Ika niya, What the wife wants, what the wife gets.

"Sige na, sige na. Bibili tayo bago tayo pumunta." Sabi ni Daniel habang binubuksan ang pinto ng kotse sa likod.

Married Life Where stories live. Discover now