12

12.7K 241 21
                                    

Third Person's POV

Nagising si Kathryn sa naririnig niyang lagaslas ng tubig mula sa banyo.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at napansin niyang sobrang gulo ng kwarto nila. May mga bote ng alak sa maliit nilang lamesa at sigurado naman siya kung sino ang uminom ng mga iyon.

Lalo pang lumaki ang ayaw nila kahapon, hanggang sa umabot nang gabi'y hindi pa din nila magawang mag pansinan.

"My gosh, Daniel! Bakit ka ba ganyan? Pati bata dinadamay mo sa problema mo!" She slammed the door before facing her husband inside their room.

Agad kumunot ang noo ni Daniel dahil sa pag bagsak ng pintuan. "Huwag mo 'kong pinagbabagsakan ng pintuan ha." His voice was low but the anger was present. "Tsaka ikaw lang naman 'tong nagpapalaki ng gulo!" He walked away and seated on the bed. Not facing his wife. He's trying to control but he was just so full. They were all so full and they badly need to burst out.

"Why is it me now? Ano bang ginawa ko ha? Stop blaming me!" Umupo si Kathryn sa kanilang walking couch sa tabi niya. Hinilot niya ang ulo na sumasakit sa sobrang galit.

"Bakit kasi ayaw mong sumunod? Ano bang mangyayari? Ha?" Sigaw ni Daniel.

"I'm a mother!" Agad niyang buwelta sa asawa. "I know what I'm doing!" She added. Kathryn stood up. "Naiintidihan ko sila, kaya believe me alam ko ginagawa ko." Lumakad siya papalayo at tuluyang lumabas mula sa kwarto. Iniwan niyang mag isa ang asawa niya.

Pinuntahan niya ang mga bote upang ligpitin. Akmang kukunin niya na ang mga ito pero narinig niyang bumukas ang pintuan ng kanilang banyo.

"Ako na yan." Sabi ni Daniel. Nagdalawang isip pa siya kung mag sasalita siya.

"Sige. Ligpitin mo na yan. Baka makuha pa ni Sam yan mamaya. Tsaka, baka mabasa yung floor, baka may madulas." Binitawan niya ang mga bote at pumasok sa banyo, na para bang walang dinaanan sa harap niya.

Pagpasok niya sa banyo'y agad niyang hinampas ang kaniyang ulo. She wants to hug him and greet him good morning but something is preventing her to do so. She's been swimming with her pride. Pero kagabi pa siya umiiyak dahil sa nangyari. At dahil namimiss niya na ang mga yakap at halik ng kanyang asawa bago sila matulog.

Pero sa isip isip niya, "Tama naman 'tong ginagawa ko diba? Tao lang din ako, nagagalit. Napupuno. But can I handle this? Kaya ko ba 'tong panagutan?" Gulong gulo na ang isip ni Kathryn.

Paglabas niya ng banyo ay nakita niya ang asawa niyang nagbibihis.

"Kath." Tawag ni Daniel.

Tuloy tuloy ang paglalakad ni Kathryn. Pero hindi niya maiwasan ang hindi masaktan dahil hindi siya sanay na tawagin siyang 'Kath'. Lalong lalo na kung si Daniel.

"Mahal." Tawag ulit ni Daniel pero tuluyan nang nakababa si Kathryn.

Sinalampak ni Daniel ang sarili sa kama. Hinampas hampas niya pa ito. "T*ng ina naman eh!" Wika niya.

Nagbihis siya at bumaba. Nakita niyang kumakain si Kathryn.

"Alis muna ako." Lumabas si Daniel ng bahay at sumakay sa kanyang kotse. Para bang hindi sila magkakilala. Ibang iba ang mga kinikilos nila.

"Shit." Di pa nakakalayo si Daniel ay may naalala siya. Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ang kanyang ina. Pero huli na yata.

-

"Hello, mama Karla?" Sagot ni Kath sa tumatawag sa kanyang telepono.

"Hello, anak. Kamusta si DJ?"

"Uhm, okay naman po." Sagot ni Kathryn. Hindi niya na nais pang palawakin pa.

"Tumawag kasi saakin yan kagabi."

"Why daw po?" Pagtatanong niya na para bang hindi niya alam ang dahilan kung bakit. At kung sino. "Mama, kwento niyo naman po please." Pagpupumilit niya.

"Sige. Basta, wag mo sasabihing kinwento ko ha?"

"Sige po, mama." Sabi ni Kath at tumatango tango pa.

"Tumawag saakin kagabi. Namimiss ka na daw niya. Nagtaka nga ako eh. Nung una. Kasi diba, araw araw kayong magkasama. Pero ang sabi niya, galit ka daw kasi sa kanya. Hindi nga yata yun nakatulog, hindi ka daw niya kayang tabihan. Kasi pag tumabi siya sayo, baka di niya mapigilan ang sarili niya, yakapin ka niya. Yung anak ko talaga." Kathryn knew it. Alam niyang kahit gaanong kalakas na sigawan pa ang ibato nila sa isa't isa, hinding hindi 'yon mapapantayan ng kung anong meron sila.

"Hanggang sa nagkwento na siya. Nagsimula siyang umiyak nung sinabi niyang hindi siya naging mabuting ama at asawa." Biglang nanakit ang puso ni Kathryn sa narinig. Naalala niya ang mga pinagsasabi nila kahapon. At alam naman niyang sumobra si Daniel at sumobra siya. Para bang ipinamukha niya na mas meron siyang alam kaysa sa kanya. "Naiyak na nga rin ako eh, dahil alam ko namang hindi totoo yun. Naging mabuting anak at kapatid si Daniel, kaya imposibleng hindi siya mabuting ama. Kaya di ko alam kung saan niya napulot iyon. Hindi niya binanggit kung bakit ka galit sa kanya. Basta ang sabi niya nagkulang daw siya sa mag iina niya." Biglang pumasok sa isip ni Kathryn ang lahat ng mga nagawa ni Daniel sa pamilya nila. Sa kanya, at sa mga anak nila. Para naman siyang kinakain ng konsensya niya.

"Sige na anak. Aalis na ako at tutulungan ko na si Magui. Ingat kayo anak. Hindi kita tinawagan para sabihin sa'yo na wag ka nang magalit kay Daniel. Normal lang naman ang magalit. Lalo na't makulit yang asawa mo. Napatawag lang talaga ako dahil baka nagbasag na ng bote yan diyan. Sige anak."

"Bye, mama. Thank you po." She smiled and ended the call.

Pumanik si Kathryn sa itaas at tinignan ang kanyang mga anak na tulog na tulog pa rin.
Pagkatapos non ay napagpasyahan niyang maligo.

"Tama ba 'tong ginagawa ko? Tama bang naparamdam ko sa kanya na hindi siya mabuting ama?" Naguguluhan na si Kathryn.

"Pwede po bang mag apply?" Sabi ni Daniel na kapapasok pa lamang ng pinto. Napakamot pa siya sa kanyang ulo matapos mag salita.

"Apply what?" Tanong ni Kathryn at agad pinuntahan ang napakalaking boquet ng pink tulips sa kama nila. Hindi niya na kaya, mas pipiliin niya pa rin ang asawa niya.

"Ama po ng mga anak niyo. Pwede po ba?" Sagot ni Daniel nang nakangiti.

"Meron na eh. Next time na lang." Kathryn replied, still checking on the flowers.

"Next time? May balak kang iwanan ako?" Gulat na tanong ni Daniel na umupo sa tabi ni Kathryn.

"Maybe." Sagot ni Kathryn na May malaking ngiti na.

"Akin na nga yang bulaklak ko!" He joked.

"Sige. But hindi ka tatabi mamaya saakin pagtulog. Yakapin mo yang flower mo." Tumalikod si Kathryn sa asawa.

"I'm so sorry. Naging insensitive ako. Sorry talaga ha. Promise, magiging mabuting ama na ako. At syempre mabuting asawa. Patawarin mo ako please. Hindi ko kasi kayang magpalipas ng gabi na galit ka saakin. Para akong pinapatay. Alam kong kasalanan ko 'to eh. Patawarin mo na ako, mahal. I love you so much. Mahal na mahal ko kayo." Sambit ni Daniel habang nakayakap kay Kathryn mula sa likod. Ito na ang pagkakataon kaya hindi niya na palalampasin pa.

"Ssh. Sorry. Nasabihan kita ng ganun. Siguro sobrang pagod lang ako that time. DJ, you're the most incredible person I've met. Kaya mong maging anak, kapatid, asawa at ama all at the same time. Hindi ka nagbago. Ikaw pa rin si Daniel ko. Pero ngayong parents na tayo, may mga bagay na di na natin pwedeng gawin katulad noong wala pa tayong mga anak. Obligation natin 'to, mahal. Ang palakihin sila ng maayos. Kagaya ng pagpapalaki ng mga parents natin saatin. Gets? I love you too. So much." Niyakap ni Kathryn ang asawa.









boring.

Married Life Where stories live. Discover now