6

19.5K 287 7
                                    

Daniel's POV

Mall

Original photo from: @ itsdeejayeelle on instagram

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Original photo from: @ itsdeejayeelle on instagram

"Tangi! Anong bagay saakin? This one or this one?" Tinitigan ko ng mabuti ang dalawang maternity dress na hawak ni Kathryn. Halos wala namang pinagkaiba, meron lang dalawang guhit sa collar yung isa. "Mas gusto ko yung walang guhit, tangi." Pero parang ayaw niya pa ring maniwala saakin.

"I want this one more." Ibinalik niya sa rack ang dalawa niyang hawak tsaka kinuha yung ibang kulay na sabi niya kanina hindi niya type. Pero tinititigan niya pa rin yung dalawang ibinalik niya. Hay, baliw talaga ang tangi ko.

"Bilhin na lang natin etong tatlo, tangi." Ako na mismo kumuha nong tatlong mga damit para hindi na siya mahirapan pumili. Tsaka kanina pa kaya kami dito sa mall, lahat yata ng shop dito gustong bilhan ni Kathryn. Parang nag fi-fieldtrip tuloy kami dito. Kahit Ace Hardware hindi naka ligtas. dito. Pero, bawal umangal. Hindi pwede, hinding hindi.

"Thank you, tangi. Let's pay for it na." Kaya okay lang kahit mag over night kami dito sa mall eh, nakaka wala ng bagot yung mga pag ngiti niya.

Roaming around

"Tangi! KFC! KFC!" Actually kakatapos niya lang kumain ng hotdog at meron pa siyang hawak hawak na waffle sa kamay niya. Inutusan rin namin yung guard na naka escort saamin na bumili ng milktea sa 1st floor dahil biglang nag crave si Kath. Pero ngayon iba nanaman tinuturo niya. Ganito pala talaga tuwing buntis. Kaya siguro lumaki si mama ng ganon, apat ba naman kami eh, edi apat na beses rin siyang ganito diba.

"Baby, padala na lang tayo sa bahay or drive thru later. Ang daming tao eh." Baka naman kasi sumakit na ang tyan niya kakakain ng kung ano ano. "Hintay lang natin yung milktea mo tapos uwi na tayo?" Nakayuko lang siya habang kinakain pa rin waffle niya. Nagpapa cute nanaman 'to para mag stay pa kami. Kaso hirap na hirap na mag bitbit mga guards sa likod namin.

"Sige na hindi na muna tayo uuwi. Ano pa bang gusto mong bilhin?" Akala ko naman ngi-ngiti na siya pero naka sibangot pa rin mukha niya. "Why, tangi? What's the problem tangi ko?" Hindi niya pa rin ako hinaharap. Nagtatampo nanaman ata ang tangi ko ah.

"Eh kasi tangi eh," Sige ngumuso nguso ka pa, Kath. "... Mali yung nabili nating waffle." Eh halos maubos niya na nga yung kinakain niya tapos hindi pala yon yung gusto niya? Pero okay lang, I understand.

"Bili na lang ulit tayo, tangi. Pero bukas fruits and vegetables ha? Bawal tumanggi." Hindi naman kasi pwede na araw araw na lang matatamis o maaalat amg kinakain niya. Dapat mas tumitimbang pa din ang masusustansya para healthy sila ng baby namin. Pinag bigyan ko lang siya ngayon. Kahit palagi naman.

"Okay love," Ngayon naka ngiti na siya. My Kathryn is back. "But let's go there muna please!" Tinignan ko naman ang tinuro niya. Jusko kami na siguro mag sasara ng mall mamaya. Wala naman akong magawa nang hinila niya na ako papasok sa department store.

Ford's Residence

"So tangi, let's cook our food na. May corned beef doon sa bag ng mga binili natin earlier. Please cook it for me.." Right after we settled down at home, nasa pagkain na ulit ang atensyo niya. Nag inat inat ako habang nakaupo dahil ang sakit na ng likod at mga braso ko. Pag tapos ay tumayo naman ako agad at hinanap ang corned beef sa eco-bag na dala dala namin kanina.

"Mag rice ka ba tangi or bread lang?" I asked her. Para makapag saing na rin o makapag toast ng favorite niyang bread. Gusto ni Kathryn ako ang nagpe-prepare ng pagkain niya, at siya ang nagpe-prepare mg saakin.

"No! No! The corned beef is for these." Tinaas niya yung kamay niyang hawak hawak yung plastic ng, "Mangoes and corned beef for snack!" Masaya pa siyang nag sasasayaw sa tabi ng mesa.

Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito mga panlasa ng mga babae sa tuwing buntis sila. Ngayon niya lang gagawin 'to, ang isabay sa mangga ang corned beef.

"Tangi mukha lang 'tong alamang pero hindi. Gusto mo pabili na lang tayo kaysa dito sa corned beef?" Sigurado mamaya tatambay sa cr si Kathryn. Hindi matigil sa pagkain eh, nag halo halo na sa tyan niya lahat.

"No. I want that please." Tinuloy niya pa rin ang pag babalat ng mga mangga na hawak niya.

Itinigil ko ang ginagawa ko. "Love, hindi ba sumasakit tyan mo? Baka mamaya hindi ka maka tulog 'pag sumakit 'yan." Sabi ng OB niya, she needs to sleep early. Kailangan niyang i-lessen ang pagpupuyat at pag gamit masyado ng gadgets sa gabi. Sinisuguro ko rin na walang makaka istorbo sa tuwing gugustuhing mag pahinga ni Kathryn.

"Kainin mo na lang 'tong corned beef sa rice, tangi. Lagyan ko ng vegetables ha?" Ngumiti na lang siya saakin at tumango. Mabuti na lang talaga marunong siyang makinig, kahit minsan sobrang kulit niya. But she understands me. Naiintindihan niyang para rin naman sa kanya at sa anak namin ang lahat ng ito.

"Parang daddy na talaga ang tangi ko.." Narinig ko kahit bulong niya lang. Lalo tuloy akong na-excite sa pagiging 'daddy'. Hindi na ako makapag hintay na magkaroon ng sarili naming anak. Noon pa lang naman mahilig na ako sa mga bata, kaya sobrang saya ko nang malaman kong mabibiyaan kami ng para saaming dalawa. Pinag uusapan lang namin ito ni Kathryn noon, tungkol sa pagkakaroon ng pamilya. Pero ngayon nangyayari at magkakatotoo na. At siya pa rin ang kasama ko, siya pa rin ang magiging kasama ko. Hanggang sa huli.

Alam kong hindi magiging madali, pero alam ko rin naman na magagampanan namin ni Kathryn ang pagiging mga magulang ng maayos. Ang tagal kaya namin 'tong pinaghandaan no.

"Tangi why are you crying?" Binitawan ko yung hawak kong kutsilyo tsaka ko pinunasan ang pisngi ko.

"Eto kasing sibuyas eh, ang sakit sa mata." Ngumiti ako sa kanya, at ganoon din ang naging tugon niya.

Nakakahiya mang sabihin pero tears of joy to, pare. Hindi niyo naman ako masisisi diba? Sino namang magaakala na yung dating crush mo lang na napapanood sa T.V., ngayon kasama mo nang tumira sa isang bahay at bibigyan ka pa ng anak. Napakabait ng Diyos saakin. Dahil ipinaranas niya saakin ang mga bagay na naging dahilan upang lubos kong ipagpasalamat ang meron ako ngayon.

Master's Bedroom

"Tangi, close your eyes."

Kakatapos niya lang kumain nang kumain sa baba. Nag aya naman siya agad pag tapos naming mag ligpit. May naisipan nanaman siyang gawin sa akin. Make up-an niya daw ako, edi syempre ano pa nga bang magagawa ko diba?

"Bally, ang puti mukha akong bangkay." Tinignan ko sa salamin yung mukha ko, ang layo sa kulay sa leeg ko. "Hindi match sa skin tone ko ang shade ng foundation mo, babe." Hanep, sa kaka panood namin ni Kath ng make up tutorials, may nalalaman na ako sa mga tawag ng mga babae sa mga kung ano ano na tungkol sa pag me-make up.

"Sadya ko yan tangi kasi I'll make you white! Trust me na lang, okay?" Sabi niya lang habang bine-blend gamit ang blending sponge, na mukhang itlog.

"Gusto ko on fleek kilay ko ah, para parehas tayo." Hinila ko yung inuupuaan niya papalapit saakin. Bigla ko na lang siyang gustong yakapin. Minsan kasi sobrang dikit niya saakin, minsan naman ayaw niyang hahawakan ko siya. Iyon talaga mahirap, kahit gusto ko siyang lambingin hindi ko magawa. Kaya sinasamantala ko na lang sa tuwing nasa mood siya para lambingin din ako.

"Wag kang magulo! Eto na I'll make your kilay na nga eh." Abalang abala pa din kahit nag-papapansin na ako sa kanya.

INSTAGRAM
@ supremo_dp: What would you do for love?
Picture: Daniel with full face make up














lame.

Married Life Where stories live. Discover now