21

9.3K 209 38
                                    

Kathryn's POV

"Kath, nauna ka atang magising saakin ngayon." I saw mama walking down the stairs.

Nandito na ako sa salas kasi I still have to talk to many people.

Ayoko naman sa kwarto kasi baka magising yung mga bata.

"Good morning, mama," Kinuha ko ulit yung sticky note sa cabinet na sinulatan ko kahapon. ".... yes, I have to contact many people pa eh. Para walang maging conflict." Bumalik ako sa kinauupuan ko nang makuha ko yung sticky notes.

"Kumain ka na?" Mama asked me as she heads to the our kitchen.

I haven't eaten breakfast yet, actually. Gusto ko talaga kasing tutukan 'to eh. Kasi nga, I want this to be perfect. Just like how perfect the birthday celebrant is.

"Mamaya na lang siguro, mama. Di pa naman ako gutom." Sagot ko habang nag tatype ng message sa phone ko.

"Anong sabi ko sa'yo kahapon?" Lumapit saakin si mama at tumayo sa harapan ko.

"Yes, mama. Eto na kakain na ako." I stood up and hinila si mama sa kitchen.

Sa sobrang excitement ko, nakakalimutan ko nanaman yung mga paalala ni mama pati ng asawa ko.

"Kathryn, ha. Kung hindi pa kita tatanungin hindi ka pa kakain." Sabi pa ni mama saakin.

Nakatayo lang siya habang pinapanood akong mag salin ng fresh milk na kinuha ko sa ref.

"Sorry na, mama. Ang dami ko kasing gagawin eh. Di na mauulit." I smiled at her while drinking my milk.

"Ikaw Kath, wag ka masyadong nag papagod," Naglakad si mama papunta sa oven na dala dala cheesecake na binili niya kahapon. "...... okay lang naman kahig simple ang party. Magugustuhan naman ni Daniel yan." She added.

"Eh mama, I want it to be special, maganda, masaya." Lumabas ako ng kitchen at tsaka umupo sa dining area namin.

"Baka nga, kahit ipagluto mo lang si Daniel ng simpleng pagkain, matuwa na yun eh. Alam mo namang basta ikaw, masaya na yang asawa mo." Tumabi saakin si mama.

Yes, saaming dalawa, Daniel is so simple. I-compare mo sa akin, we're very opposite. Totoo naman yung sinabi ni mama, Daniel appreciates even small efforts lalong lalo na kung ako yung nag effort.

That's my supremo.

"Mama, I can't believe it," Pinatong ko ang ulo ko sa table. ".... uuwi na talaga siya. Malapit na. Super excited na ako." Ngumiti ako sa harapan niya.

Hindi ko mapigilan yung kasabikan ko kay Daniel.

Excitment to see him, to hug him, to kiss him, to spend my time with him, hinding hindi mapapalitan ng kahit anumang luho.

"Masyado kang excited. Baka hindi matuloy si DJ." Tumayo si mama para kunin yung ininit niyang pagkain.

Sa lahat ng pwedeng isipin, yun ang hindi ko iniisip.

Ang hindi soya matuloy umuwi, na bigla pa lang matuloy yung cancelled nilang show, na baka maghihintay nanaman ako kung kailan siya babalik.

"Mama naman eh. Wag mong sabihin yan, baka hindi talaga matuloy si DJ."

Pagbalik ni mama may dala dla na siyang plates para saaming dalawa.

"Kamusta naman yung party mo? Ms. event planner." Mama asked me habang nag s-slice ng cheesecake.

"Medyo okay na, mama. Pero what do you think, mama? Should I go with black and white? or black and yellow? or black and blue? Para sa curtains and sa mga table cloth." I asked mama as I eat my cheesecake.

Married Life Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon