Chapter 17

235K 2.4K 143
                                    

"Okay naman na si kuya Jhae. Sanay na naman yun mabugbog. Alam mo na, chickboy kasi eh." Natatawang paliwanag saakin ni Lyn. Naguusap kami sa terrace at kumakain ng breakfast. Tulog parin si Kris sa itaas. Ang tagal nga ng tulog nya eh, 9:00 am na.

Buti sana kung chickboy lang, I dont think he should ever drink again and force himself to girls.

"Ah, ganun ba.." I just smiled. Buti naman ayos lang sya. Kahit na hinalikan nya ako kagabi, hindi naman ako ganun kagalit sa kanya. Hindi naman sya masama, maybe he's just too drunk.

"Eh ate, ano ba kasing nangyari? Ano talaga yung exact scene na nakita ni kuya?" Tanong nya. Titig na titig ang mga mata nya saakin habang naghihintay ng sagot.

"A-ano.. nakita nya kaming naghahalikan ni Jhaeron.. si Jhaeron kasi, lasing.." Sabi ko na lang. Kanina nya pa ako kinukulit eh.

"Oh? Kaya pala ganun nalang nya binugbog si kuya Jhae eh! HAHA!" Natatawang sabi nya tapos ininom yung nakahandang milk sa kanya.

"Ha? Wala naman yun eh. Maybe.. he just cares.." Tss. Care? Hindi 'yun yon. Pero, alangan naman sabihin kong pagmamay-ari kasi ako ni Kris?

"Sus! Ate, pa-humble pa ih!" Kinikilig na sabi nya. Bakit ba kung mag-isip sya kakaiba? Wala naman talagang meron eh. Hanggang kama lang.

"Kailan ka pala aalis?" Tanong ko na lang para maiba yung usapan.

"Alis agad? Hehe. Sa isang araw pa. Sama ka sa paghatid sakin ah? Mamimiss kita Ate!"

Natawa na lang ako sa reaksyon nya. Ang cute talaga nya. Kung si Kris, devil-like, si Lyn naman, angel-like.

"Bakit nandito ka?"

Napatingin kami ni Lyn sa bumababa sa hagdan. Gising na pala ang demonyo. Ang gulo pa ng buhok nya. Tapos.. 'yung labi nya.. ang pula.

"Eh kuyaaa! You're so mean!" Nakapout na sabi ni Lyn.

Hindi na nagsalita si Kris at nagtuloy tuloy sa refrigerator. Sumimangot naman si Lyn, hindi kasi sya pinansin ni Kris.

"Kainis.." Bulong lang ni Lyn. "Kuya! Aalis nga pala kami ni ate Mae!"

"Aalis?" Takang tanong ko.

"Yep!" Nakangiting tugon nya.

"Hindi pwede." Normal na sabi ni Kris. Para bang alam na nya na tatanungin na iyon ni Lyn at hindi na sya nagtaka pa. Umupo sya sa kabilang sofa at uminom ng Chuckie.

"Ano ka siga? Aalis kami kung gusto namin!" Ewan ko ba sa magkapatid na 'to. Si Lyn parang iniinis lang si Kris eh. Haha! Pero mukhang si Lyn pa ang maiinis.

"Whatever, umalis ka kung gusto mo. You're not taking Steph with you." Parang walang pakialam na sabi ni Kris. Sa totoo lang, ang ganyang reaction nya ang nakakainis talaga. At alam kong naiinis na si Lyn.

"Bakit ba?! Si ate Mae ka ba?! Nakakainis ka! Hindi naman ikaw yung inaaya eh!" Naiinis na talaga si Lyn. Teary eyed na nga sya eh.

Tinignan sya ni Kris tapos natawa. Natawa yata dahil nakita si Lyn? Nakitang paiyak na.

"Okay, bahala kayo." 'Yun lang ang sinabi ni Kris tapos pumunta na ulit sa itaas.

Seriously?! Yun lang yon? Himala ata at pinayagan nya akong lumabas?

Napatingin ako kay Lyn na naka sibangot.

"Kahit na pumayag sya, nakakainis sya! Bakit ba lagi na lang sya ang nasusunod?!" Umiyak sya na parang bata. Natawa na lang ako at pumasok sa kwarto namin para makaligo.

Pagpasok ko ng kwarto, nakita ko si Kris na may tinitignan sa bag nya. Tapos bigla nyang tinago nung nakita nya akong pumasok. Hindi ko nga nakita yung hawak nya.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon