Chapter 15

238K 2.5K 205
                                    

Nakasuot ako ng kulay royal blue dress na hanggang tuhod ko lang, at kasalukuyang naghinihintay kay Kris sa terrace. Naglaro muna ako sa phone ko habang hinihintay na dumating sya.

Maya-maya lang din ay narinig ko na ang sasakyan sa labas. Agad akong lumabas at nakita ang sasakyan ni Kris. Binusinahan pa ako ng loko.

Lumapit ako at binuksan ang pinto. I saw him wearing a black long sleeve button-down and dark blue jeans.

Diretso lang syang nakatingin kahit na alam nyang pumasok ako. Tahimik syang nagdrive. Gusto ko sanang banggitin yung kanina.

"Ahhm, Kris. Yung kanina nga pala.. si Leila yung pinuntahan ko." Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag eh, bakit nga ba?

"Alam ko." Sagot lang nya. Ha? Anong alam nya?

"Ha? Bakit?" Tanong ko.

Umubo syang bigla at pinagpatuloy ang sinasabi. "Nakita kita." Nagulat ako sa sinabi nya. Nakita nya ako? Saan?! "Nakita kitang may kasamang babae. I don't know kung sya ang tinutukoy mong 'kaibigan' mo, but at least, she's a girl." Mahinang sabi nya.

Napangiti ako. Sinundan nya ba ako? Ang assuming ko na naman.

"Wag kang ngumiti dyan." Biglang sabi nya na hindi parin makatingin saakin. "Hindi kita sinundan."

Bakit ba ang defensive nya? Kailangan pa bang ipamukha pa talaga saakin. Siguro hindi nya na nakitang dumating si Mark kanina, buti naman kung hindi nga.

Tahimik na lang syang nagdrive hanggang sa marating namin ang isang malaking Bahay.

"Kaninong bahay to Kris?" Napatulala ako sa kagandahan ng bahay.

"Dad's." Sabi lang nya at tinigil ang sasakyan.

"Oh, so dito ka din nakatira?" Tanong ko habang nakatingin parin sa kabuuan ng bahay.

"No, don't be stupid. May sariling akong bahay." Naiirita atang sabi nya. Tinignan ko sya at may halong pagkairita nga. Bakit ba sobrang moody ng lalaking to? Hindi ko malaman kung anong mood nya eh. Tss!

Pumasok kami ng bahay at hindi nga ako nagkamali, puro teenagers. Yung iba nag-iinuman, yung iba naguusap lang. Karamihan nasa kabilang side at hindi ko alam ang pinagkakaabalahan.

"Hi ate Mae!!" Rinig kong sigaw ni Lyn at iniwan ang mga kausap nya kanina at niyakap ako. Nakakatuwa naman sya, ang sweet nya eh.

"Happy birthday." Masayang bati ko sa kanya. Pagtingin ko naman kay Kris nakatingin sya kung saan at parang nao-op saamin ni Lyn. "Sorry wala akong dalang regalo--"

"No! It's okay! Hindi ko naman kailangan eh, basta pumunta ka lang. Hihi." Tapos ngumiti sya ng sobrang sweet. May naalala ako.

"Ay teka-- si Kris, may regalo sya sayo." Tumingin ako kay Kris, sinamaan nya ako ng tingin. Hala? Bakit? "Hindi mo ba nadala?" Tanong ko.

"Eh! Si kuya may gift saakin?" Nabaling naman ang tingin nya kay Kris at kinulit na ilabas na daw nito ang gift para sa kanya.

"Hi miss-- Oh? Steph!" Biglang umakbay saakin ang isang lalaki. Pagharap ko, Si ETHAN?!

Sinamaan ko sya ng Tingin. "How dare you." Bulong ko lang. Ayoko namang mag-eskandalo dito. Tinanggal nya ang pagkakaakbay saakin at ngitian ako.

"Sorry, masyado ka kasing obvious eh, atleast ngayon alam mo nang gusto mo si Kri--"

Hindi nya napagpatuloy ang sinasabi nya dahil bigla syang napatingin sa babaeng dumaan.

Kumindat sya saakin. "See you later." Tapos nagmadaling naglakad sya, Teka-- sinundan nya ba yung babaeng dumaan kanina? Talaga naman oh. Tsk. Tsk.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon