Epilogue

4.2K 128 44
                                    



"KEI, sandali."

Huminto ako nang hatakin niya ang laylayan ng polo ko sa likuran. Rinig ko siyang hinihingal sa tabi ko nang masabayan niya ako sa paglalakad.

"Ang bilis mo talagang maglakad."

Nilingon ko si Angeli sa tabi ko. Tatlong buwan na ang nakalilipas nang mamatay si Abby. At lubos nitong ibinilin sa akin noon si Angeli. Na huwag siyang pababayaan at na lagi ko siyang bibisitahin. Hindi lang pagbisita ang ginagawa ko dahil regular na rin ang pag-volunteer ko sa transient house. Katulad ng ginagawa noon ni Abby.

Marami ang nagsasabi na magkahawig silang dalawa. Mapagkakamalan silang magkapatid talaga. Madalas nga ay naaalala ko si Abby sa kanya. Pero malayong-malayo ang ugali nila. Para kasing lalaking kumilos minsan si Angeli. Tomboyish.

Masaya ako na papasok na sa college si Angeli sa susunod na pasukan. At scholar siya ng daddy ni Abby. Dahil noong nakaraang linggo ay idineklera na mga doktor niya na cancer free na siya. Walang kasing saya ako para kay Angeli dahil laman siya palagi ng panalangin ko.

At ngayon ay nangako ako sa kanya na iti-treat ko siya bilang selebrasyon. Ngayon lang din kasi ako nagkapera.

Binuksan ko ang pintuan para kay Angeli sa isang kilalang bakeshop sa Robinsons Manila.

"Kumusta nga pala 'yong kuwentong isinusulat mo?" tanong niya nang makaupo kami.

"Matatapos na. Ilang chapters na lang," nakangiting sagot ko. Tinawag ko ang waiter at inorder ko ang paborito niyang red velvet cake.

"Pabasa mo sa akin iyan, ha."

"Oo naman."

May ilang sandaling natahimik kami pareho. Pero mayamaya'y bigla siyang napa-'ay!'.

Binalingan ko siya ng tingin sa harap ko. Dinukot niya sa bulsa niya ang cellphone niya.

"May naalala ako," may pananabik na sabi niya na kaagad na may kinalikot sa cellphone niya. "Nagbubura kasi ako ng memory ng CP ko kagabi. Ang dami na kasing videos na laman. Akala ko no'n nabura ko na 'to kasi pinabura ni Abby 'to. Tas nandito pa pala."

Ipinadulas niya sa ibabaw ng mesa papunta sa akin ang cellphone niya. Inabot ko iyon at unang bumungad sa akin sa video ang naka-pause na mukha ni Abby.

"Ano 'to?" Naningkit ang mga mata ko kay Angeli.

"Kagagahan niya." Natawa siya. "Matagal na 'yan. Noong ano pa 'yan, e, basta noong sumunod na dalaw niya na hindi ka na niya kasama."

Pinindot ko ang play.

"'Wag mo i-close up, ha. Ang oily ng face ko ngayon," sabi ni Abby na ang kausap ay si Angeli na kumukuha ng video. Kuha iyon sa kuwarto ni Angeli sa transient house.

Napangiti ako bigla. May pamilyar na damdamin ang gumuhit sa dibdib ko habang nakikita ko ito sa video na nakangiti at buhay na buhay. Na-miss ko ang boses nito.

May hawak si Abby na supot ng pagkain.

Humugot muna ito ng hininga.

"Paano ko ba sasabihin 'to? E, kasi..." Napabuga itong muli ng hininga. "Sige na nga, 'eto na..."

Nag-focus ang tingin nito sa camera.

"Kei..."

Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang banggitin nito ang pangalan ko. Hindi ko mapigilan ang biglang panginginig ng kamay ko.

Somewhere Between Moving On and YouWhere stories live. Discover now