Chapter Twenty Five

2.9K 93 18
                                    



HUMAHANGOS ang babaeng nurse na dumating sa kuwarto ni Abby. Doon ko lang binitawan ang call box na pantawag ng nurse.

"Hindi na siya gumagalaw..." Nanginginig ang boses ko.

Mabilis na lumapit ang nurse, ibinaba nito sa end table ang dalang clipboard at pinulsuhan sa leeg si Abby.

"Boo!"

Napatili ang nurse at halos matumba nang mapaatras.

Napabungisngis si Abby.

Nilingon ako ng mangiyakngiyak na nurse. "Sir, hindi nakakatuwa."

Agad kong itinuro si Abby. "S'ya nakaisip."

Nakita kong napaismid ang nurse at agad na inabot ang kaninang dala at mabilis na nagmartsa palabas ng kuwarto.

Nang mawala ito ay doon ako tumawa nang malakas. Si Abby ay hindi na magawang makatawa kagaya nang dati. Hirap na siya.

Third day.

Iyon ang pangatlong araw ni Abby sa ospital. Gusto na niyang umuwi pero ayaw ng daddy niya. At ayon sa pagkakaalam ko mula sa mga doktor, nasa palliative care siya.

"I'm bored, Kei," sabi ni Abby. "Get me out of here."

"Gaga ka ba?" sagot ko habang pinaiikot-ikot ang wheel chair na sinasakyan ko sa malaking kuwarto. Nag-half day lang ako sa klase para madalaw siya. Hindi rin ako makapag-concentrate sa klase kapag wala ako sa kuwarto niya. Lagi siyang laman ng isip ko. "At saan mo naman balak pumunta, ha?"

"Anywhere but here," nababagot na sagot niya sa mahinang boses.

Hirap pa rin siya sa pagsasalita. Parang laging kinakapos ng paghinga. Minsan alam kong nagkukunwaring malakas lang siya, siguro ay upang hindi ako mag-alala.

"Alam mong dadalhin kita saan mo man hilingin," sabi ko. "Pero wala sa kalagayan mo, Abby." Ang totoo'y pinagsusuot ako ng face mask ng mga nurse sa tuwing dadalaw ako kay Abby. Baka raw kasi may madala akong virus o anumang sakit, bawal siyang ma-expose kahit na sa sipon. Madaling siyang makakapitan ng ibang sakit dahil mahina na ang immune system niya.

Pero pinahuhubad naman palagi sa akin ni Abby ang face mask. Hindi niya ako kinakausap hangga't suot ko iyon. Matigas din talaga ang ulo ng babaeng ito.

Hininto ko ang ginagawa ko at nilingon siya nang hindi siya sumagot.

Nakaharap siya sa bintana sa gilid ng kama niya. Malayo ang tingin sa labas.

Sa matagal na sandali ay nanatili siyang nakatingin sa malayo.

Ano kaya ang iniisip niya?

Hinugot ko sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone ko at lihim na kinuhanan ng picture si Abby. Nakapaling ang ulo niya at malayong nakatanaw sa bintana. Ang mukha niya'y hinahalikan ng sinag ng araw na tumatagos mula sa blinds.

"Jeff..."

Magaman mahina ang pagkasambit ni Abby ay malinaw kong narinig ang pangalan ng ex niya.

Naibaba ko ang cellphone ko Napatitig ako nang matagal sa kanya.

Napakapit ako nang mahigpit sa gulong ng wheelchair. Bumagsak ang tingin ko sa paanan ko. Nakatitig lang ako nang matagal sa nakalas na sintas ng sapatos ko.

Kailanman ay hindi ko naitanong iyon sa kanya... kung mahal pa ba niya ang ex niya?

Pero siguro nga.

"Parang hindi pa rin niya ako pinakawawalan. Parang nakakapit pa rin siya sa akin."

Bigla akong napaisip... na siguro ay hindi lang ako ang nangangailangan ng tulong noon. Na hindi lang ako ang kailangang mag-move on.

Kaunting nanlumo ako. Hindi ko matukoy kung nagseselos ba ako o ano. Napakapamilyar kasi nang nararamdaman ko. Kahawig ng damdamin ko noong una kong makita na may ibang kahawak ng kamay si Lindsey.

Para akong gago na napangiti. Mapait. Nakatatawang isipin na pinagseselosan ko ang isang patay na.

Pero ang totoo'y wala naman akong karapatang magselos.

Madalas kong tanungin ang sarili ko kung kahit kaunti kaya'y minahal din ako ni Abby? Kahit kaunti lang nang pagmamahal niya kay Jeffrey.

"Kei?"

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nakaharap siya sa akin. Hindi ko alam kung kanina pa ba niya ako pinagmamasdan.

Tumayo ako at nilapitan siya.

"Thank you, ha," sabi niya habang nakatingin siya nang diretso sa akin. Naglilikot ang mga mata niya na para bang may hinahap sa mukha ko.

"Hindi ba, dapat ako ang nagpapasalamat sa 'yo?"

Bahagya siyang ngumiti. "Isinisi ko sa sarili ko ang pagkamatay ni Jeffrey. Ang tingin ng lahat sa akin ang sama-sama kong tao," halos bulong na lang ang boses ni Abby. "Salamat dahil minahal mo 'ko."

"Because you are worth loving, Abby. Kung mamatay man ako at ipanganak uli sa mundo, ikaw lang ang gugustuhing kong mahalin uli."


Somewhere Between Moving On and YouWhere stories live. Discover now