Chapter Twenty

3.4K 124 14
                                    


NOONG araw na iyon bago ang gala namin ay inihatid ko muna si Abby sa kanila upang makapagpahinga muna siya. Nagkita na lang kami nang alas singko ng hapon sa Star City.

"Alam mo ba? I'm not really into theme parks. Ewan ko, hindi ko lang masakyan 'yong ideas ng mga thrilling rides. Hello? Bakit gugustuhin kong sumakay sa isang ride para lang pakabahin ang sarili ko, 'di ba? Torture ang tawag do'n."

Kanina pa daldal nang daldal si Abby simula nang pumila kami sa horror house. Iyon ang pinanghuli namin. Hindi ko alam kung kabado o excited siya.

Napahawak siya sa kamay ko nang kami na ang nasa unahan ng pila. Naramdaman kong malamig ang kamay niya. "Now I have to knock this off my bucket list."

"Seryoso? Never ka pang nakapasok sa horror house?"

Sunud-sunod ang naging pagtango niya habang ang buong pansin niya ay nakatuon sa mga lumalabas sa horror house. Natawa ako nang makita kong umiiyak ang dalawang babae na huling lumabas.

"Matatakutin ako, Kei. Hindi ako mahilig sa mga horror movies o sa kahit anong nakakatakot. Minsan lang ako nakapanood ng horror movie pero halos isang linggo kong napanaginipan. But I always wonder what it's like inside the horror house. Feeling ko kasi ngayon kaya ko na. Kasi I've got nothing to lose naman," tapang-tapangan niyang sabi.

"Wala ka bang sakit sa puso? O baka ma-stress ka nang sobra at makasama sa 'yo," pag-aalala ko.

"And what is the worst thing that can happen?" Nilingon niya ako. "Baka makasama sa akin at mamatay ako? Gano'n?" pairap niyang sabi.

"Concern lang naman ako."

"Salamat. Pero h'wag mo ako alalahanin dahil feeling ko nare-restrict ako."

"Fine." Napataas ang mga kamay ko bilang surrender sa kanya.

Napabuga siya nang hininga nang angatin ng attendant ang pulang strap sa unahan namin. Napahigpit ang hawak ni Abby sa kamay ko.

Nang makapasok kami sa horror house ay nagpaulan ng 'oh, my god' si Abby. Madilim sa loob at tanging ang luminous sticker sa sahig ang magtuturo kung saan kami dadaan. Pumapailanlang sa buong paligid ang pag-uwa ng sanggol at pagtangis ng isang babae.

Nakakailang hakbang pa lang kami nang biglang sumigaw si Abby. Dahil mula sa kung saan ay may lumitaw sa harap namin na white lady.

Napayakap sa akin si Abby.

Napangiti ako.

Ang totoo'y wala naman talagang bagay na nakakatakot sa loob ng horror house. Kahit gulat ay walang impact sa akin mula sa mga biglang sumusulpot na mga babaeng nakaputi o babaeng nakaitim. Kahit maging sa mga ataul na biglang bumubukas at may umaangat na bangkay.

"Oh, my god, Kei, ayoko na." Hindi bumibitiw si Abby sa pagkakayakap sa akin. "Lumabas na tayo rito please."

Wala pa yata kaming apat na minuto na nagtagal sa horror house. Natawa ako nang makita kong mangiyak-ngiyak si Abby nang makalabas kami.

"Para kang gaga. Bakit umiiyak ka?" Inabutan ko siya ng panyo.

"E, kasi..." Iyak-tawang sagot lang niya habang tinutuyo ng panyo ang gilid ng mga mata.

Wala akong masabing nakakatakot sa horror house. Pero hindi ko gustong sirain ang trip niya.

"At grabe ka ring makayakap sa akin," sabi ko. "Nakarami ka."

Hinampas niya sa dibdib ko ang panyo ko. "At sinamantala mo naman ang kahinaan ko." Paismid na tinalikuran niya ako at naglakad siya.

"Grabe siya, o." Ipinasok ko pabalik sa bulsa ko ang panyo ko. "Nagugutom ka ba?" tanong ko nang sundan ko siya.

Somewhere Between Moving On and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon