May sasabihin ang author

16K 352 38
                                    


Uy, hi! Kung nandito ka para magbasa dahil sa kung anumang kadahilanan, I love you! Muah. :3 Salamat sa time mo. <3 Buti ka pa may time sa akin. Hehehe. Salamat sa pagsama mo sa akin sa first time na gagawin ko. Sa tagal ko nang nagsusulat ngayon ko lang susubukan ang ganitong kwento. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsusulat ako ng nobela na ang buong story ay POV ng lalaki. Kaya sana hindi malimitihan ang mga reader ko. Dahil wala namang gender na pinipili ang heartache. Madalas kasi sa mga nababasa natin at napapanood na movies, puro lagi na lang si girl ang bidang nasaktan, si girl ang iniwan. Gusto kong masilip naman ng mga readers 'yong hindi n'yo madalas na nakikitang pinagdadaanan minsan ng mga lalaki kapag nasaktan sila. Na minsan ay itinatago rin nila sa mga tropa nila.

Pasintabi sa mga batang reader. >__< May mga chapters at dialogue na hindi pambata at usapang panglalaki. You've been warned, ha.

Gusto ko rin sabihin na ang kwentong ito ay hindi 'manual' o 'how to' ng pagmo-move on. Ito ay pagsilip sa pinagdaanan ng isang nasaktan at pagod na. Pero malay mo makatulong kung pareho kayo ng pinagdadaanan ng bida ko. Buo na halos ang kwento kaya hindi ko kayo bibitinin. Kumbaga sa isang painting naghihintay na lang na maipinta ng mga salita para maipa-frame na. I really hope you guys will enjoy reading Kei's story. Kasi I'm planning to write another novel na POV naman ni Abby. But I have to stop right here bago ma-spoil ang story. :)

Sorry kung may mga typos kayo na mae-encouter. I'd appreciate it if you guys would leave a comment, kahit na ano, mungkahi, o kung anong napansin n'yo na baka pwedeng maisama kapag na-edit na ang buong kwento bago mai-publish sa libro.

Enjoy reading and see you per chapter!

:"> JP


"There are all kinds of love in this world but never the same love twice." ― F. Scott Fitzgerald. 









Somewhere Between Moving On and YouWhere stories live. Discover now