Chapter Thirteen

3.6K 98 19
                                    


NAROON pa rin ang kaunting kaba ko hanggang sa matapos ko ang pagkanta at magpalakpakan ang mga naroon. Pinasalamatan ako ng MC nang bumababa ako ng stage at iniabot ko rito ang mic.

Isang matandang lalaki ang umakyat sa stage. Muling tumugtog ang quartet at kumanta ang matandang lalaki ng isang old English song—The Way You Look Tonight.

Pinuntahan ko si Abby na naroon pa rin sa kaninang pwesto niya sa gilid ng pool. Pinalakpakan niya ako nang makalapit ako sa kanya.

"Ayos lang ba?" tanong ko at pinahid ng likuran ng palad ko ang mga namuong malamig na pawis sa noo ko.

"Anong ayos lang? You were great!" nasisiyahang sagot ni Abby. At wala sa hitsura niya na inistir niya ako.

Nagulat ako nang bigla niyang abutin ang kamay ko upang hilain ako palapit sa kanya. Ipinatong niya ang kamay ko sa ibabaw ng balikat niya.

"Isayaw mo ako dali," utos niya sa tonong wala akong karapatang tumanggi.

"Hindi ako marunong sumayaw," may pagkailang na sabi ko.

Napalingon ako sa paligid. Ang halos lahat ng naroon sa lugar namin na magkakapereha ay nagsimula ring magsayaw saliw sa awitin.

"Slow dance lang ito, Kei. 'Wag kang mag-panic," natatawang sabi niya. Hinawakan niya ako sa gilid ng balikat ko. Pagkatapos ay inilapit niya ang mukha sa gilid ng mukha ko at may ibinulong. "Kasi kapag hindi mo ako isinayaw, isasayaw ako ng iba. Lalo na 'yong mga matatanda rito. Mahirap pa naman silang tanggihan."

Sinabayan ko ang galaw niya. Naiilang pa rin ako. Hindi ko nga alam kung naiilang ba ako o natataranta dahil kumakabog na naman nang malakas ang dibdib ko. Lalo pa't nararamdaman ko ang init ng hininga ni Abby na tumatama sa leeg ko.

Panay ang lunok ko.

"Sayang, 'no?" sabi niya,

Napayuko ako sa kanya upang salubungin ang tingin niya.

"Bakit?"

Pero hindi ko siya matingnan nang derecho.

Pucha ano 'tong nangyayari sa akin?

Nagkibit-balikat si Abby saka sumagot. "Sana noon pa tayo nagkakilala."

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ako kailanman nagkaroon ng malapit na kaibigang babae. At natutuwa akong nakilala ko si Abby.

"Oo nga pala," sabi ko nang may maalala ako. "Bakit kinailangan mo pang magtrabaho ro'n sa coffee shop, e, mayaman ka naman?"

Ayan na naman siya sa mahaba niyang 'hmmm'.

"Paano ko ba ipaliliwanag?" Napanguso siya. "Nagawa ko na kasi yata ang halos lahat. Bata pa lang ako nalibot ko na ang mundo. My mom loves to travel. Lagi akong bitbit. Wala akong gusto na hindi ko nakukuha. I partied a lot. Well, I think 'a lot' is an understatement. Then I started to get bored with my life. Kasi paulit-ulit na lang ang lahat. Bigla kong naalala 'yong classmate ko na nagpa-part time job sa Starbucks. Hindi ko alam kung bakit parang nainggit ako sa kanya. Parang may goal kasi siya sa buhay. May direction ang buhay niya. Ako, nasanay na ang direction ng buhay ko ay to the malls."

"Rich kid problems." Hinawakan ko siya sa bewang. "Ano nga pala 'yong ibig sabihin no'ng sinabi mo na 'humopia'?" Kanina ko pa talaga 'yon gustong itanong sa kanya pero hindi lang ako magka-chance.

Marahang natawa siya. "Humopia... 'hoping'."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Hoping na?"

Tinapik niya ako sa balikat. "Ano ka ba? Joke lang naman kasi 'yong kanina, 'no. Na baka hoping kang may gusto ako sa iyo."

Somewhere Between Moving On and YouWhere stories live. Discover now