Chapter Ten

3.5K 105 18
                                    


TAPOS na kaming makapaghapunan ni Abby nang makabalik ang nanay ko. Isang bahay lang ang pagitan ng bahay namin at ni Aling Tasing pero lagpas trienta minutos na nawala ito. Paniguradong may kapit-bahay na naman kaming dumudugo ang bibig na tiyak napagkuwentuhan na naman nito at ni Aling Tasing.

Nag-aabang kami ni Abby sa mahabang sofa sa ibabalita nito.

"Bukas pa raw ng madaling araw ang balik ni Orly galing ng presinto," ang masaklap na balita ni Nanay.

Nagkatinginan kami ni Abby. Nakita ko ang pagkabahala sa mukha niya.

"Kei," si Tatay na umupo sa sofa. "Bakit hindi na lang siya magpalipas ng gabi rito?"

Nagkatinginan kami uli Abby na nagbuntong-hininga.

"Kung gusto mo, Abby, ako na ang tatawag sa mga magulang mo," suhestyon ni Tatay.

"Huwag na po. Ako na lang po," si Abby.

"Okay lang ba sa iyo?" paniniguro ko sa kanya.

"Wala naman tayong choice," medyo sumimangot siya at dinukot sa bulsa ang cellphone at nag-text.

"Saan nga pala kayo matutulog?"

Napatingin kami pareho kay Nanay sa tanong nitong iyon.

"Do'n na kayo sa kwarto mo, Kei," si Tatay ang agad na sumagot. "Maliit lang 'tong salas natin at mahirap nang daan-daanan ko pa kayo kapag nagbanyo ako mamayang madaling araw."

Tiningnan ko ang reaction ni Abby. Hindi ko mabasa dahil abala siya pagte-text niya.

"'Wag kayong magla-lock ng kwarto, ha," mabilis na dugtong ng nanay ko. "Nagpasabi ako kay Orly na katukin tayo bago umuwi sa kanila."

PANAY ang buntong hininga ko. Nakaupo kami pareho ni Abby sa paanan ng kama ko. Maliit lang iyon pero kasya naman ang dalawang tao.

"Pasensya ka na kung magulo 'yong kwarto ko."

Hindi agad nakasagot si Abby na nililibot ang tingin sa maliit kong kwarto. Tumigil ang tingin niya sa malaking poster ni Bob Marley sa likuran ng pinto. "Hindi naman magulo."

"Ano nga pala sabi ng parents mo? Mabuti at pumayag."

"Si Papa hindi pa nagre-reply. Si Mama naman tulog na 'yo nang ganitong oras. Pero nagbilin ako sa kapatid ko."

"Inaantok ka na ba?"

Nilingon niya ako. "Medyo. Hindi kasi ako sanay magpuyat."

Tumayo ako at umalalay si Abby para hindi mahatak ang kamay niya. Inayos ko ang mga unan. Naglagay din ako unan sa gitna namin pareho.

Una akong sumampa ng kama at pumwesto sa kabilang dulo. Sumunod naman si Abby. Tumunog ang kahoy na kama ko. Parang nagre-reklamo.

Nang makahiga na kami pareho ay bigla kaming natahimik. Parehong nakatitig sa puting kisame. Magkadikit ang kamay namin sa isa't isa.

Ang weird na ewan. Parang ang awkward.

"Alam mo ba?" Nilingon ko si Abby. "Ikaw ang kauna-unahang babae na dinala ko rito sa kwarto ko."

Nakita ko ang pagkunot ng mga noo niya habang nakatitig pa rin sa kisame. "Seryoso ka? Kahit mga naging girlfriend mo hindi pa nadadala sa kwarto mo?"

"Seryoso." Tumango ako. "Kasi sa motel ko sila dinadala. Bawal dito. Mapapatay ako ng nanay ko."

Natawa si Abby. "Ang gago mo."

"O bakit?"

"Nag-sex na kayo ni Lindsey?" biglang tanong niya. At hindi ko iyon inaasahan.

"Uy, ano ba?" Umabot ako ng unan at hinampas ko sa kanya. "Private 'yon!"

Lumakas ang tawa nito.

"Siguro gago akong tao pero hindi ako kiss-and-tell."

"'Oo' o 'hindi' lang ang sagot. Pareho naman tayong adulto." Kinabig ako ni Abby ng siko. "Ano? Nag-sex na nga ba kayo?"

Tinalikuran ko siya.

"Matutulog na 'ko!" seryosong sabi ko. "Goodnight."

"Good night, my fake boyfriend na pa-virgin."

KINAGAWIAN ko na iyon sa tuwing umaga pagkagising ko. Ang magkamot ng itlog. Pero iba ang umagang ito. At bago ko pa tuluyang maisip na nakaposas sa kamay ko ang kamay ni Abby sa tabi ko ay huli na. Nakapasok na ang kamay ko sa pantalon ko.

Kasabay no'n ay ang iglap kong paglingon kay Abby. Na nagising lang rin at napatingin sa kung saan ko dinala ang kamay niya. Nanlalaki ang mga matang nagtama ang tingin namin bago kami sabay na napasigaw.

Mabilis na hinugot ko ang kamay ko kasabay nang paghampas ng palad ni Abby sa noo ko. Mabilis akong tumagilid patalikod sa kanya at nagtakip ng unan sa mukha sa labis na kahihiyan. Nawala ang lahat ng hibla ng antok ko at ramdam ko ang pag-init ng noo ko na iniwan ng hampas ni Abby.

No'ng umagang iyon ay kinatok kami ni Nanay. Dumaan si Mang Orly sa bahay bago mag-alas sais ng umaga. Sa wakas ay natanggal ang posas.

Hindi kami nagkikibuan ni Abby at halos hindi rin magtinginan. Hanggang sa ihatid ko siya sa kanto at itawag ng taxi ay wala kaming imik sa isa't isa.

Isang tipid na 'salamat' lang ang sinabi niya nang makasakay ng taxi.

Nang mawala ang taxi at maglakad na ako pauwi ay nahampas ko ang noo ko. Tiyak na nahawakan ni Abby ang hindi niya dapat mahawakan. At ang matindi pa ro'n ay umagang-umaga kung saan nauuna pang mag-inat sa akin si junior.

Medyo napangiti ako nang maalala ko uli ang reaction ni Abby kanina habang nasa loob ng pantalon ko ang kamay niya. Kulang na lang ay mag-hysteria siya.

Pero biglang nag-alala rin ako dahil baka iniisip niya na sinadya ko iyon at ang manyak ko. Baka mailang na siya sa akin.

Tinext ko no'ng araw na iyon si Abby at nag-sorry ako sa kanya. Hindi ko talaga sinasadya. Tanghali nang mag-text ako pero gabi na nang mag-reply siya.

No worries. Wala naman akong nahawakan.

Bagaman hindi ako naniniwala sa kanya ay hindi na ako nag-reply pa. Gusto kong kalimutan na namin ang nangyari.

Tatlong araw na hindi siya nagpakita sa akin.


Somewhere Between Moving On and YouWhere stories live. Discover now