Chapter Six

4.2K 128 5
                                    



HINDI ko alam kung matutuwa ako sa reflection ko sa salamin sa C.R. habang inaayos ko ang kuwelyo ng pulang Lacoste polo shirt na suot ko. Nagkasya ang lahat ng dinala ni Abby liban sa sapatos na may kasikipan pero mapagtitiyagaan naman.

Branded ang lahat. No'n lamang ako nakapagsuot ng orig na Lacoste. Ang pantalon ko naman ay itim na Levis jeans. Napapaisip tuloy ako na hindi kaya mayaman ang pamilya ni Abby? Pero bakit kinailangan niyang magtrabaho sa coffe shop?

Parang hindi ako ang nasa harap ko. Nagmukha akong good boy. Inabot ko ang bagpack ko na nakasabit sa dulo ng pinto ng cubicle at lumabas ng C.R.

Hindi ko alam kung maa-amuse ako sa mga tinging ipinupukol sa akin ng mga tao sa corridor. Isa sa minion ni Lindsey ang napahinto pa nang makasalubong ako.

Paglabas ko ng building ay natanaw ko na mula sa malayo si Abby na nakupo sa gazebo. Napakunot-noo agad siya pagkakita sa akin. Ngumuso na parang may itinuturo.

Napahinto ako at nilingon ang likuran ko. Pinagtitinginan ako ng marami. Ang iba'y nahuli kong tumatawa. Ano ba ang itinuturo ng babaeng ito?

Naguguluhang hinarap ko si Abby na itinuro na ako ng daliri.

Nang magyuko ako ng tingin ay do'n ko napuna na baliktad ang suot ko. Ay pucha. Kaya naman pala hirap akong ayusin ang kwelyo ko kanina. At kaya naman pala ako pinagtitinginan.

Hinubad ko ro'n mismo ang polo shirt ko at nakarinig ako na may napasinghap. Binaliktad ko ang damit habang nagdalalakad palapit kay Abby at sa gazebo ko tinuloy na isuot iyon.

Nakatingala lang sa akin si Abby. Hindi ako sigurado kung pagkamangha ang nakabakas sa mukha niya. Matapos ang ilang sandali ay tumayo siya at inayos ang kwelyo ko.

"Bagay sa 'yo," mahinang sabi niya.

Itinago ko ang ngiti ko nang mapansin kong hindi siya makatingin ng derecho sa mga mata ko. "Bakit nanginginig ang mga kamay mo?"

"Baka pasmado lang." Do'n lang siya nag-angat ng tingin sa akin. "Huwag kang lilingon sa kaliwa mo," aniya habang patuloy sa pag-aayos ng kwelyo ko.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Ha?"

"Si Lindsey nasa kabilang gazebo lang," mahinang tugon niya. "Nakatingin siya rito."

May kumislot sa dibdib ko nang banggitin niya ang pangalan ni Lindsey. "Anong gagawin ko?"

Umangat ang kamay ni Abby at sinuklay pataas ng mga daliri ang buhok ko. Inayos ang ilang strands. Nginitian niya ako nang pagkatamis-tamis.

"Hindi tayo pwede magtagal dito kasi may pupuntahan tayo, babe." Inabot niya ang kamay ko at hinila ako paalis.

"KASAMA ba niya kanina 'yong boyfriend niya?" naitanong ko kay Abby nang makasakay kami ng taxi.

Napalingon sa akin si Abby. "Boyfriend na niya?"

Tumango lang ako.

"Hindi ko napansin. Parang puro babae lang sila kanina," paliwanag niya.

Napangisi ako. "Baka nang makita ako kumaripas nang takbo. Sa tingin mo ba napansin ako ni Lindsey?"

Natawa si Abby. "Sino ba'ng hindi makakapansin sa iyo kanina. Lalo na no'ng bigla kang naghubad sa gitna ng lahat. Seems like you've gained a lot of fans. I didn't know you have a nice bod."

Humugot muna ako ng buntong hininga bago muli nagsalita. Hindi ko pinansin ang compliment sa sinabi niya. "Huwag na kaya nating ituloy ito? Bakit pa kung sila na pala."

Somewhere Between Moving On and YouOnde histórias criam vida. Descubra agora