Chapter Twenty One

3.6K 123 23
                                    


SIX O'CLOCK ang usapan namin ni Abby. Magse-seven na wala pa siya. Hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko. Nag-aalala tuloy ako.

Nilalamok na ako sa bench sa tapat ng college building namin. Mag-iisang oras na akong naghihintay.

Darating pa kaya siya?

Umuwi na lang kaya ako?

Napatingin ako sa relo ko. Napabuga ako ng hininga. Maghintay pa siguro ako ng ilang oras. O siguro dadaanan ko na lang siya sa kanila para makumusta siya.

Umabot na nang pasado alas siete at nakatatlong lamok na akong napapatay sa braso ko pero wala pa rin si Abby. Tumayo na ako at naisipan kong puntahan na lang siya sa kanila. Hindi ko maalis sa dibdib ko ang pag-aalala ko.

"Uy, sorry I'm late."

Napalingon ako sa humila ng laylayan ng polo ko sa likuran. Matik na gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang bumungad sa akin si Abby.

Hinawakan ko siya sa magkabilang mga balikat. Sobrang saya ko na makita ko siya.

"Nag-aalala na kaya ako sa iyo," concern na sabi ko. "Hindi ka kasi nagre-reply at sumasagot ng tawag ko."

"Sorry talaga." Napasimangot siya. "Nasa malayo na kami ng driver nang maalala ko na naiwan ko ang cellphone ko. Medyo na-traffic kasi kami."

"Ayos lang." Inakbayan ko siya at inakag palabas ng campus. "You are worth the wait naman." Pagkatapos inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at pabulong na kinanta sa kanya ang isang linya sa kanta. "I have died everyday waiting for you..."

"Kei, ha. Gumaganyan ka pa." Marahang hinampas niya ako sa dibdib. "Huwag mo ako paandaran niyang kabreezyhan mo."

"Nagsasabi lang ako ng totoo," seryosong sabi ko.

Sinulyapan niya ako habang naglalakad kami. Nginitian niya ako. "Alam mo? Napakasuwerte ng babaeng naghihintay sa 'yo."

Parang may kung anong mainit na hangin ang dumaan sa gitna ng dibdib ko sa sinabi niya. Parang humihiwa ang pakiramdam.

Sadyang ibinaling ko ang tingin ko sa mga post lamp para itago sa kanya ang sakit na naramdaman ko.

Ikaw lang ang gusto ko, Abby..

"Saan pala tayo pupunta?" tanong niya mayamaya.

"Sikreto muna." Nakangiting nilingon ko siya. Kahit sa loob ay parang nabasag ako. "Nag-dinner ka na ba?"

"Wala akong gana, Kei. Sa bahay na ako kakain."

Iyon ang napansin ko sa kanya kagabi. Hindi na siya malakas kumain tulad dati. Napupuna ko rin ang mabilis na pagpayat niya. Halos lubog na rin ang ilalim ng mga mata niya.

"ANONG gagawin natin dito?" manghang tanong ni Abby nang makababa kami sa taxi. Dinala ko siya sa Club Intramuros Golf Course.

"Sandali, dito ka muna." Hindi ko sinagot ang tanong niya at sandaling iniwan ko siya at tinakbo ang guardhouse ng golf course. Nandon ang inaasahan kong sekyu na kaagad kong inabutan ng pera.

"Boss, 'wag kayong magtatagal, a. Para hindi tayo magkaproblema," paalala nito.

"Sure, chief." Sinaluduhan ko ito bago ko balikan si Abby at abutin ang kamay niya.

"Kei, bakit tayo nandito?" tanong muli ni Abby nang dalhin ko siya sa gate na binubuksan ng sekyu para sa amin.

"Basta," sabi ko na dinala siya sa mismong golf course. Pagtapak pa lang namin sa damuhan ay nabuhay ang mga poste ng ilaw doon. Nagliwanag ang paligid at tumingkad pa ang berdeng damo.

Somewhere Between Moving On and YouWhere stories live. Discover now