Chapter Fifteen

3.6K 127 19
                                    



KAHIT gaano ka pa katapang na tao, tatablan ka ng takot kapag nagmahal ka. Ito 'yong uri ng takot na mawala sa 'yo ang taong mahal mo.

Iyon ang nararamdaman ko habang kaharap ko si Abby. Ramdam ko ang malakas na kabog sa dibdib ko dahil sa kaba. Nakalapat pa rin sa tainga ko ang cellphone ko habang nakatitig lang ako sa kanya.

Alam kong alam na niya.

Gusto kong matawa sa sarili ko. Natatandaan ko pa na kampante kong sinabi sa kanya noon na hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya dahil hindi naman siya ang tipo ko.

Paano bang nahulog ako sa kanya? Paanong nahulog ako sa weirdong babae na gusto kong sapakin no'ng una naming pagkikita? Paanong nangyari na sa pagnanais kong mahalin at ako na lang ang piliin ni Lindsey ay nangibabaw ang ganito katinding feelings ko para sa kanya?

Bakit bukod tanging sa kanya lang ako natotorpe nang ganito?

Parang may sasabog sa dibdib ko.

Kasi paano kung wala pala siyang feelings sa akin? Paano kung may magbago sa amin? Paano kung lumayo siya sa akin?

Tinipon ko ang lakas ng loob ko. Ibinulsa ko ang cellphone ko at saka ko nilapitan si Abby.

Sasabihin ko na sa kanya.

Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay ko, hindi ko maintindihan kung bakit ngayon ay natotyope ako kay Abby. Hindi ko alam kung masasabi ko ba nang deretso sa kanya na gusto ko siya at hulog na hulog na ako sa kanya.

Pakshet. Siguradong pagtatawanan niya ako. Pero sige, ayos lang. Kung hindi man niya ako gusto... ayos lang din. Mailabas ko lang sa dibdib ko ang lahat ng ito. Kahit na magmukha akong tanga sa kanya. Sanay naman na ako.

Napakunot-noo ako nang biglang pahirin ni Abby ng likuran ng palad niya ang ilalim ng ilong niya.

Nagulat ako sa nakita ko. May bahid ng dugo.

Nagsalubong ang tingin namin ni Abby nang kaagad ko siyang lapitan. Napansin ko ang biglang pamumutla niya.

"Kei," nanghihinang sabi niya na kaagad na napakapit nang mahigpit sa braso ko. Pero naramdaman ko na bigla siyang nawalan ng lakas.

Kaagad ko siyang nasalo sa mga bisig ko nang mawalan siya ng malay. Bumagsak sa sahig ang nabitawan niyang cellphone niya.

Nakuha ang atensyon ng mga naroon sa nangyari. Kaagad na dinaluhan kami ng mga nakadilaw na T-shirt na may burdang purple na ribbon at ng isang madre na nagpapasok sa akin kanina sa auditorium.

"Abby?" Marahang tinapik ko siya sa pisngi. "Abby?"

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ng madre.

Maingat na binuhat ko si Abby. "Nagdugo ang ilong niya tapos bigla na lang siyang hinimatay," sabi ko na bahagyang nakaramdam ng panic.

Kaagad naming dinala si Abby sa ospital. Ang driver niya ang nag-drive sa amin sa St. Lukes. Tinawagan din kaagad ng driver ang daddy ni Abby at ito mismo ang nagsabi na sa ospital na iyon siya dalhin.

HINDI pa rin nagkakamalay si Abby hanggang sa maipasok siya sa E.R. Hindi ako pinayagan na tumuloy doon. Sa hallway na lamang ako naghintay. Nakatayo lang ako sa tapat ng E.R. at nakasandal sa dingding.

Hindi ko na rin nabantayan ang oras kung gaano na ako katagal doon. Panay ang pagpapakawala ko ng malalalim na paghinga. Inaalala ko kung kumusta si Abby.

Ang sabi ng madre na nagdala sa akin sa sasakyan ni Abby ay baka raw fatigue ang dahilan kung bakit siya hinimatay. Baka raw sa labis na preparation niya sa performance niya kanina sa concert.

Somewhere Between Moving On and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon