kabanata i

79 5 2
                                    

By the way, meet Severus.
•••

Wala pang alas sais ay naglalakad na ako papunta sa Clover High. Hindi ito kalayuan sa apartment na inuupahan ko, kung tutuusin ay isang kanto lang ang pagitan ng dalawa.

I love mornings but I'm not really a morning person. Mga ganitong klase ng umaga lang ang gusto ko. 'Yong tipong tahimik at payapa kasi nakakapag-isip ako ng maayos. Tulad ngayon, na ang tanging maririnig mo lamang ay ang sigaw ng mga nagtitinda ng pandesal at dyaryo, masarap maglakad at manigarilyo. Kaya kumuha ako ng isang stick ng Marlboro mula sa kaha na nasa bulsa ko saka ito sinindihan.

Nang malapit na ako sa eskwelahan ay tinapon ko na ang upos nito at tinapak-tapakan saka dumirediretso na papasok. Hindi na ako pinansin o sinita ng mga guard, nasanay na sila na ako ang pinakamaagang studyante rito. Nang makapasok na ako ay ang Music Room agad ang pinuntahan ko.

Aside from mornings, I also love music. Actually, ito na nga lang siguro ang dahilan kung bakit pa ako pumapasok kahit ayaw ko na. Music is my life, at kahit na siya ang nagturo sa akin kung paano tumugtog, I will never stop.

Kinuha ko ang isang gitara at nagstrum... hanggang sa nakatulog ako.











NAGISING AKO SA ingay at ilang tapik ng malalaking kamay. Umungot lang ako at tinabig ang mga ito.

"Hay naku, Severus Bernardo, you never fail to anger Mrs. Dimacutan!" Sigaw ng lalaki na nasa bandang kanan ko at ang pinakamalapit na rin sa akin.

Dahil sa ingay, minulat ko nalang ang mga mata ko saka binalingan si Mark --'yong sumigaw kanina. "Anong oras na?"

Tumingin siya sa relo niya, "10:07, bro."

Tumawa naman si Geo habang inaayos ang drums niya. "Galit na galit na naman sa 'yo si Dimacutan, Sev! Huwag ka talagang magpapakita sa kanya mamaya!"

"Yeah, yeah," sabi ko saka tumayo at kinuha ang gitarang ginamit ko kaninang umaga. "Why are you here, by the way?"

"Practice for the Night Festival, remember?" Paalala ni Hiro.

"Tutugtog tayo?" Tinaas ko ang kilay ko. "Akala ko ba hindi na pwede?"

"They love Kraderis Ed, y'know," Geo added, "especially you."

They all laughed again. Kumunot ang noo ko dahil parang may mali. I thought we're banned? sa isip-isip ko, o baka pinagtitripan na naman ako ng mga 'to!

"Assholes!" Sigaw ko saka ngumisi. "Kung gano'n, let's warm up, guys."

Kraderis Ed is our band. Geo is the drummer and second vocalist, Hiro is the guitarist, Mark is the bass (sometimes sa piano siya) and I am the lead. Trip-trip lang naman 'to noong una but the crowd loved us kaya itinuloy na lang namin. We actually do gigs at bars sometimes.

Nang matapos ang warm up namin, I asked again, "So what's the real catch?"

"I told you, we are going to play," Hiro answered coolly.

Kumunot muli ang noo ko saka ako tumayo at pumunta sa harapan para magkakaharap na kaming apat.

"There's something weird," sabi ko kaya mas lumalim ang kunot sa noo ko. "Something smells shit."

Unang umiwas ng tingin si Geo, sunod ay ang natatawang si Mark at pasimpleng tumingin lang sa labas si Hiro. Hindi ako natinag, tinitigan ko lang silang tatlo hanggang sa tuluyan nang sumuko si Hiro at humalakhak naman si Mark habang nanatili pa ring umiiwas ng tingin si Geo.

"Oh no!" bulalas ni Mark nang sinadya niyang mapatingin sa kanyang relo. Ipinakita niya iyon sa amin saka sumigaw, "I have to fetch my girl, baka sapakin na naman ako no'n!" At saka siya umalis habang nakangisi pa rin.

Tinignan ko naman sina Hiro at Geo. Umiling si Hiro saka kinuha ang sariling gitara at bag sa likod ng Music Room.

"Wala akong alam, si Geo nalang ang tanungin mo," sabi niya saka umalis na rin.

"So what's the real catch, Geo?" I asked again nang tuluyan nang mawala si Hiro sa paningin ko.

"Well..." he fake a cough before continuing, "may nakilala kasi akong babae, at miyembro siya ng Student Council and she asked me a favor --na tumugtog tayo sa Night Fest."

Eventhough we're banned? sa isip-isip ko. "So you like this girl? No, you like this girl. Okay, kaya ka pumayag kasi may gusto ka sa kanya. So who is she?"

"Student Council Vice President, Lanie Aracillo, bro."

SeverusWhere stories live. Discover now