Chapter Twenty-Six

105K 3.2K 220
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

ZOEY woke up lying on the floor. Tanging napakanipis na kumot ang hinihigaan. Hilung-hilo pa siya ngunit pinilit niyang makabangon.

                  "Ahh..." mahinang daing niya nang maramdaman ang higpit ng tali sa mga paa at mga kamay niya.

Nakagat niya ang mga labi... pinigilan niya ang maiyak.

                  "Finally, you're awake!"

                  Napatingin siya sa pinto kung saan pumasok ang madrasta. Hindi na ito naka-uniporme na pang-nurse. She's wearing a long-sleeved black dress with her long hair down.

                  Hinila nito ang isang upuan sa gilid at itinapat iyon sa harap niya. "Ang tagal nating hindi nagkita, Zoey, ano?" Umupo ito sa upuan. "I missed you. Let's have a chat."

                  Tiningala niya ito. Hindi niya alam kung makakaramdam ba ng galit o takot. But she's shaking.

"L-Lucille, w-why not just k-kill me now?"

                  "Hindi naman ako pumapatay ng tao katulad mo, Zoey... katulad niyo ng Mama mo." She smirked and crossed her legs. "Although, gustung-gusto kong nakikitang naghihirap ka. It gives me thrill. I love seeing you suffer. You look like your mother.  Parang pinahihirapan ko na rin si Zia."

                  Naguluhan siya. "My mother? A-Anong kinalaman niya rito? She's been long gone! Namatay siyang hindi ko nakilala!"

                  Napailing ito. "Of course, your father didn't tell you. Pero sa tingin mo, saan mo namana ang kakayahan mo para pumatay ng tao?"

                  "Hindi ko sinasadyang patayin si Cameron! And the bastards that I killed tried to rape me! Because of you!" sigaw niya. "Hindi ako basta pumapatay! I just defended myself!"

                  She laughed. "Now, now, calm down. Justify all you want, you're still a killer. A murderer! Like your mother."

                  "Ano bang ginawa ni Mama?!" naguguluhang wika niya.

Wala siyang memorya ng ina dahil namatay na ito pagkapanganak sa kanya. She only relied to her father's stories.

Her mother's jolly and cheerful like her. Her mother's sweet and kind. Her mother's also diagnosed with bipolar disorder.

                  Nagtagis ang mga bagang ng madrasta at nanlisik ang mga mata. "Zia killed my daughter! She killed my baby!" she shouted on her face.

Hinablot nito ang kanyang magkabilang pisngi. "You know my two-year old child was killed by your mother! Baliw! Mga baliw kayo! Pamilya kayo ng mga baliw!"

                  "Hindi iyan totoo!"

                  Natigilan si Zoey nang makitang nangilid ang mga luha sa mata nito.

"Alam mo ba ang pakiramdam na pinapatay sa harap mo ang anak mo? At wala kang magawa? Na imbes kampihan ka ng mga tao, sasabihin lang sa'yo, intindihin ko na lang si Zia dahil sa sakit niya?! Na kung normal siya, hindi naman niya gagawin iyon?! Alam mo ba ang pakiramdam na ikaw na ang nawalan ng anak, ikaw pa ang kailangang umintindi?!"

                  Tinulak siya nito nang malakas at tumama ang likod niya sa matigas na pader.

                  "H-hindi ko alam iyan..." napailing-iling siya. "H-Hindi ko alam na ginawa ng Mama ko iyan..."

Indulgent Geoff (TTMT #3)Where stories live. Discover now