Chapter One

246K 4.3K 158
                                    

Disclaimer:

A specific mental disorder has been used and is not intended as a complete reference for the said disorder in the story. If so, the reader may consult a specialist in matters relating to any mental health issue and particularly with respect to any symptoms that may require diagnosis or medical attention.

This book is a work of fiction.

***

CHAPTER ONE

Many years later...

Makati, Philippines.

MAINGAY ang buong paligid dahil sa malakas na tugtugan sa loob ng bar. The crowd was getting wild while dancing with different drinks on their hands. May naghihiyawan at nagtatawanan. Padilim na rin nang padilim at tanging iba't ibang kulay na lang ng probe lights ang nakikita sa paligid.

The music was switched into a sexier beat. The crowd cheered. Kanya-kanyang hilahan na ng partner, and the temperature shoots up with dirty dancing couples all over.

Wow, wow, wow!This is her kind of place tonight! Hoooo!She's going to party with this wild energetic crowd! Yeah!

Nagtatatalon si Zoey habang humahalo sa mga tao. Agad namang may nakipagsayaw sa kanya na grupo ng mga lalaki't babae.

Bumalik ang tugtugan sa mas masaya at maingay na beat. Nakisigaw siya sa mga tao at inangat pa ang dalawang kamay. She started dancing again.

Dancing and dancing and dancing... Oh, this is life!

"Oh, yeah! Party, people!" hiyaw niya at saka nagtatatalon na naman habang nagsasayaw. She threw her hands up in the air and rocked her body.

Hindi niya na alam kung kani-kanino siya nakipagsayaw. Basta ay tuloy-tuloy lang siya na parang walang kapaguran.

May kasayaw na siyang isang lalaki nang bigla siyang huminto. "I'm thirsty," aniya at saka iniwan ang kasayaw na mag-isa. But the guy didn't mind at all. Hindi pa siya nakalalayo sa dance floor ay may iba na agad itong kasayaw.

Habang naglalakad siya papunta sa bar counter ay sumusunod pa rin sa beat ng music ang ulo niya. Pinunasan niya ang pawis nang maramdaman ang init sa buong bar. Hindi na tumalab ang malamig na air-conditioning dahil sa crowd.

Patalon-talon si Zoey habang naglalakad papunta sa bar counter na medyo may kalayuan sa mga nagsasayawan. May ilang tao ang nandoon at tahimik na umiinom lang.

Bakit kaya pumupunta ang mga ito sa isang party bar pagkatapos ay hindi nakikisaya at tahimik lang na umiinom? Hindi ba na-a-out of place ang mga ito?

Nagkibit-balikat lang siya at saka kinawayan ang bartender. "Hi! One bloody mary, please!" masiglang order niya at nginitian ang babaeng bartender.

Napalakas yata ang pagkakasabi niya dahil nilingon siya ng mga tahimik na taong umiinom. Nabulabog niya yata. Hihi. Sorry about that.

Inangat niya ang kamay na naka-"peace" sign at matamis na nginitian ang mga ito. Umupo na siya sa isang high stool na katapat ng counter. Saktong inilapag ng bartender ang inumin niya.

"The people here are so KJ naman. Bakit hindi sila sumali sa mga people sa dancefloor? Pumunta pa sila ng bar to what? Silently drink? Eh 'di sana sa house na lang sila uminom," bulong niya sa sarili. Pagkuwa'y bumaling siya sa katabi niyang lalaki na tahimik na umiinom.

"Hi! Bakit ang tahimik mo?" walang hiya-hiyang tanong ni Zoey rito.

Hindi umimik ang lalaki at nakatitig lang sa scotch nito.

Indulgent Geoff (TTMT #3)Where stories live. Discover now