Chapter Seven

139K 3.5K 230
                                    

CHAPTER SEVEN

UNANG pagmulat pa lang ng mga mata ni Zoey ay napangiti na siya.

Nag-inat siya, tinaas ang kamay at napatingin sa labas ng bintana.

Ohhh! All things bright and beautiful naman talaga!

Hinaplos niya ang tiyan. "Good morning, baby! Ang sarap ng tulog natin, right?" She jumped off the bed and went in her bathroom.

Pagkatapos maghilamos, magsepilyo, at magsuklay ay malapad ang mga ngiting bumaba siya sa hapag.

"Good morning, Jona!" bati niya sa kasambahay na naghahanda na ng breakfast niya. Walang kamatis sa lamesa kaya lalo siyang napangiti. "Wow, wow, wow! Ang sarap naman ng food namin ni baby!"

Agad siyang umupo at kumuha ng buttered rice, sunny side-up egg, at sliced bananas.

"Mukhang maganda ang gising natin, ah?" anito habang sinasalinan ng fresh milk ang baso niya. "Walang morning sickness?"

"Wala pa!" nakangiti niyang sabi. "Baka mamaya pa o sana huwag na lang." Magana niyang inumpisahan ang pagkain. Unang subo pa lang, ganadong-ganado na siya. "Mmm! Sarap! Ang galing mo talaga magluto, Jona!"

Natawa ito. "Pritong itlog lang 'yan, Zoey. Ikaw naman." Nilagay nito ang tatlong magkakaibang vitamins sa tabi ng pinggan niya. Kailangan niya iyon inumin pagkatapos kumain.

"Ang sarap pa rin! The best sunny side up ever!" Hindi masyado luto ang gitna ngunit hindi malansa kapag kinain. Hinalo-halo niya iyon sa buttered rice. "Kain ka na rin bago ka pumasok sa school."

Napasubo ulit siya ng pagkain. Yum, yum, yum! Delicioso!

Napapalakpak pa siya dahil mas naging ganado siya sa pagkain. May papikit-pikit pa siya ng mga mata. Daig niya pa ang nakakain ng mahal na pagkain. Ganado rin siguro ang baby niya.

Umupo ito sa gilid niya at kumain. "Alam mo, Zoey, wala talagang umaga na hindi ka masaya, ano? Matutulog at gigising ka na punung-puno ng energy." Napailing-iling ito. "Sabagay, hindi kita masisisi. Sa lahat naman ng buntis ikaw ang handang panagutan ng lalake dahil back-up mo ang buong pamilya niya."

Napahagikgik siya. "Well," nagkibit-balikat siya. "Mabait talaga sina Lola Mina. Saka mabait din talaga si Geoff. Sabi ko nga, dalawin ako dito para makilala mo. Ang guwapo niya sobra, Jona! Parang feeling ko kapag kini-kiss niya 'ko pati baby namin, kinikilig! Hihihi."

Naiiling na natawa ito. "Ikaw na talaga, Zoey! Eh, kailan mo sasabihin sa mga kamag-anak mo sa Maynila? Kailan mamanhikan sina Geoff?"

"Geoff and I will get married after I gave birth. Magde-develop muna kami ng love!"

"Develop talaga, ha?"

"It's the best way! Para rin fair. He'll have time to move on with his ex. Pero makaka-move on talaga iyon kapag isang Zoe Yelena Gregorio ang kasama!" proud niyang saad at saka tinaas ang kamao. "I'll win his heart whatever it takes!"

Pumalakpak si Jona. "Inggit talaga ako sa fighting spirit mo, Zoey. Go for the gold!"

"Siyempre! I have a feeling that we will be a happy family!"

Positibong-positibo talaga si Zoey sa mga susunod na mangyayari sa kanila ng hot French daddy ng kanyang baby!

Attracted sila ni Geoff sa isa't isa. Halatang-halata naman. At minsan, ang landian nauuwi sa totoong pagmamahalan.

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon