Chapter Three

147K 4K 488
                                    

CHAPTER THREE

NAGISING si Zoey na masakit ang buong katawan. Napaungol siya dahil sa pakiramdam niya ay nabanat lahat ng buto niya. Kumirot-kirot pa ang gitna ng kanyang mga hita—oh, shit!

Impit siyang napatili nang nalaglag siya mula sa sofa na kinahihigahan. "Aww..." mahinang daing niya at saka bumangon mula sa sahig.

Binalot niya ng kumot ang hubad na katawan at saka napasinghap nang makitang natutulog pa pala si Geoff sa sofa rin! Wow! Kasya sila doon!

Padapang nakahiga ito at nakatalikod mula sa kanya. Dahil nasa kanya ang kumot, walang tabing na maski ano ang katawan nito. Nanlaki ang mga mata niya habang sinusuri ang likuran nito.

Malapad ang balikat, halatang toned ang musles kahit likod lang ang nakikita niya...hmm, naramdaman niya naman kahapon ang tigas ng dibdib nito at hmm... may abs ba ito? Hindi niya maalala! O hindi niya nakita dahil masyado siyang focused sa sarap nitong humalik? Hihihihi.

Bumaba pa ng bumaba ang tingin niya hanggang sa dumako ang paningin niya sa pang-upo nito...whoa! This French guy has a sexy ass!

Napasipol na lang si Zoey hanggang sa makita niya kung gaano ka-sturdy ang legs nito at malalaki ang paa nito..

.Ah, kaya rin pala malaki ang ano...

Ano na naman, Zoey? Umayos ka na nga! Umalis ka na! Mag-uumaga na! Umuwi ka na bago ka pa mabukong tumakas ka kagabi. Lagot ka talaga sa Ate Trisha mo!

Napangiwi si Zoey nang makitang alas-singko na nga ng madaling araw. Kailangan niya nang umuwi.

 Alas-siyete bumabangon ang buong pamilya ng pinsan niya. Malilintikan talaga siya kapag nakitang wala siya sa kuwarto niya. At ngayon rin pala ang flight niya papuntang Isabela! Argh!

Mabilis siyang bumangon kahit makirot-kirot pa ang ilang bahagi ng katawan. 

Grabe pala si Geoff. Hindi lang sobrang guwapo at masarap humalik ito. He's freakin' hot and wild in bed!

He literally rocked her world! Kung kumilos ito, mabilis at sagad na sagad!

'Tapos kinukumusta pa siya nito kung nasasaktan siya o ano. Kapag um-oo siya, he'll start to do it gently, slowly, and softly. He'll be patient until she can finally reach her orgasm without getting hurt. 

Concern si Geoff sa katalik. Hindi selfish.

He must be a good guy.

Huhuhu. Neseye ne eng lehet...

Sayang. One night stand lang sila. 

"Ba-bye, Geoff!" mahinang paalam niya pa rito pagkatapos niyang maayos ang sarili.

Sinilip niya sa huling pagkakataon ang guwapo nitong mukha. Himbing na himbing pa ang pagtulog nito. Nagnakaw siya ng mabilis na halik sa mapula nitong mga labi. Tutal, mukhang 'di na sila magkikita, lulubusin niya na.

Kumuha siya ng business card sa wallet nito.

Geoffrey Lucas Q. Martin, General Manager.

Le Vin de Martin. Champagne, France.

Wooooow! Nasa France pa ang kompanya nito!

Nilagay niya sa sariling wallet ang calling card nito. Hindi naman niya ito kukulitin o ano kaya niya kinuha iyon. Para remembrance lang na sobrang guwapo lang talaga nang nakauna sa kanya.

Haayyy... sana magkita pa rin sila ni Geoff kahit 'yung aksidente lang na pagkikita.

Pero 'di siya masyado aasa para hindi siya ma-disappoint. Napakalaki ng Metro Manila at pupunta na siya ng Isabela para doon talaga tumira.

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon