Chapter Six

128K 3.9K 346
                                    

CHAPTER SIX

PARANG noong isang araw lang ay pinoproblema niya kung paano sasabihin kay Geoff na nabuntis siya nito. Biglang, heto, si Lola Mina na nasabihan niya lang ng problema ay siyang susi sa alalahanin niya!

"Huwag kang mag-aalala, Zoey. Akong bahala sa'yo. Hindi puwedeng hindi ka panagutan ng apo ko," sabi ni Lola Mina kinagabihan.

Nasa mansyon pa rin siya ng mga Quintero at parang gusto na siyang ampunin ni Lola Mina. Hindi na siya pinapalabas, eh! Nagpahanda pa ito ng maraming pagkain na masustansiya daw para sa buntis.

Na-amaze naman si Zoey. Kaya kain lang siya ng kain.

"Lola, hindi ko naman po gustong pikutin si Geoff. Ang sa'kin lang po, malaman niya na buntis ako at nasa kanya na ang desisyon kung pananagutan ako. Wala pong pilitan. Walang basagan ng trip," aniya habang nilalantakan ang sweet corn na kasama sa mga nakahandang pagkain.

Umiling si Lola Mina at hinaplos ang buhok niya. "Hindi, hija. Walang ibang choice ang apo ko kundi ang panagutan ka. Hindi ako makapapayag na maging bastardo ang una kong apo sa tuhod! Kailangan niyo magpakasal at buuin ang pamilya niyo. Para sa bata."

Napangiti si Zoey. "Pero, Lola, mas maganda po kung pakakasalan ako ni Geoff na bukal sa loob niya."

"Pakakasalan ka ni Geoffrey, hija. Nang bukal sa loob niya."

"Paano niyo po nasabi?"

Umupo ito sa tabi niya at masuyo siyang nginitian. "He's a true man, Zoey. I'm not being biased here. But he's a very responsible and selfless man. He will take you and the baby."

Huhuhuhu. Sabi niya na nga ba, dreamboy talaga si Geoff! Kaso lang... 

"Hindi pa daw siya nakaka-move on sa ex niya, Lola."

"Ah, hayaan mo siya! Pasasaan ba't matututunan ka niyang mahalin. You're very lovable, Zoey. You bring joy to the people around you."

Hay... "Lola, isa po kayo sa pinaka-honest na taong nakilala ko. Love na love ko na po kayo. Hehe!"

Ngumiti ito at hinaplos naman ang pisngi niya. "Paano nga ba kami mamanhikan sa iyong pamilya? Bente y dos ka nga lang pala! Kailangan pa ng parental consent bago ka magpakasal."

"Uhh..." Paano nga ba? Eh, halos wala pa talagang kaalam-alam ang mga pinsan niya sa kalagayan niya!

"H-hindi pa po nila alam. Hindi ko pa po nasasabi na buntis ako. Ahm... kapag pumayag na lang po si Geoff at saka po natin sila kausapin."

"Mabuti pa nga upang diretsong mamanhikan agad kami. Pauuwiin ko ang anak ko at ang asawa niya mula Pransya. Kailangang nandito rin ang mga magulang ni Geoff para makilala ka nila."

Tumango-tango lang si Zoey sa mga sinasabi ni Lola Mina. Para namang tama ang lahat ng naiisip nito kaya hinahayaan niya na lang.

Nang inaantok na si Zoey ay nagpaalam na siyang uuwi. "Lola, uwi na po ako... May trabaho po kasi ako bukas."

"Dito ka na lang magpalipas ng gabi. Parating na si Geoff kasama ang asawa ko."

Nawala ang antok ni Zoey at parang may kung ano sa dugo niya ang biglang nagpabilis ng flow. Yay!

Uuwi si Geoff! Magkikita ulit sila!

Napapalakpak siya at napatalon. Excited din yata ang baby niya na makita ang daddy nito. Yipeee!

Indulgent Geoff (TTMT #3)Where stories live. Discover now