Chapter Eleven

118K 3.2K 198
                                    

CHAPTER ELEVEN

KUMPORTABLE ang suot ni Zoey na white off-shoulder maternity dress. Hanggang tuhod ang haba at sa laylayan ay may disenyo ng iba't ibang strokes ng color red, orange, yellow, green, blue, indigo, at violet.

ROYGBIV...

Pasalubong sa kanya ni Geoff ang damit galing pang France.

Hindi pa naman masyado halata ang umbok ng tiyan pero napayuhan nga siya ng OB na magsimula nang magsuot nang maluluwag na damit.

Katatapos niya lang maligo. Nakalugay pa ang lagpas balikat niyang buhok. Geoff told her to put it up on a ponytail. Mas maaliwalas daw siyang tignan. 

Nang hindi siya kumilos ay ito pa mismo ang lumapit sa kanya at nagtali ng buhok niya.

Nakaupo siya sa harap ng dresser. "Bakit marunong kang magtali ng buhok?" nagtatakang tanong niya

"I used to have a long hair when I was a teenager. Uso sa France. I used to bun my hair."

She imagined Geoff having a man bun. Bagay rin dito kung pinanatili nitong mahaba ang buhok.

"Why did you cut your hair?" she curiously asked again. Gusto niyang pasiglahin ang tinig ngunit dead tone lang talaga ang boses niya.

Nagkibit-balikat lang ito. "Got tired of it. Okay, there you go." Natapos nito ang pagtali sa buhok niya. Pagtingin niya sa salamin ay maayos iyon. Tama lang ang higpit sa buhok niya.

Napatingin na rin siya sa sariling repleksyon. Some freckles in her face was showing. Magang-maga rin ang mga mata sa pag-iyak kahapon. Hindi ganoon kaganda ang tangos ng ilong niya kung hindi ico-contour ng maayos. Hindi din siya nagpahid ng lip gloss sa mga labi. Her lips looked dry.

Nagsalubong ang mga kilay niya. She hated her own face.

"I'm ugly," she echoed a voice inside her head. That voice was her stepmom's. 

For the last years, she would tell it to her over and over.

Tinitigan siya ni Geoff mula sa salamin. Kumunot ang noo nito. "You're not."

"You're only saying that to uplift my mood. Kahapon mo pa 'ko nilalambing-lambing at inuutu-uto. Pero kapag masaya ako, pinagsusupladuhan mo ako. You're flirting with me, yes. But if I won't flirt, you would not flirt back. Ako pa lagi kailangang mag-initiate!" bigla na lang siya nagalit. Frustrated of having a dose of reality.

He cares because she's carrying his child. "If I'm not pregnant with our child, I will be just a normal girl to you, a fucking buddy perhaps!"

"What the hell are you saying?" Salubong na salubong ang mga kilay nito. "Ganyan ang tingin mo? Flirting back when you flirt? Get offended when you flirt and I won't even glance at you. I'm giving this relationship a try, Zoey."

"Because of the baby!"

Napabuga ito ng hangin. "Why are you bringing this all up suddenly? Why are you mad now?"

"Because I'm ugly!"

He stared at her. "But you're beautiful in my eyes. If you were not, I won't even dance with you in the bar."

"Nakulitan ka lang sa'kin noon."

Nagkibit-balikat ito. "And so? If you're not attractive, I won't even break my principle not to indulge on a one night stand."

"Nagsisisi ka ba?"

Hindi ito nakasagot agad.

Naiyak si Zoey. "Nagsisisi ka na ngayon, nakita mo na that I'm ugly!" Napasubsob siya sa dresser at humagulgol.

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon