Chapter Eight

119K 3.3K 215
                                    

CHAPTER EIGHT

"LOOK, o!" Iwinagayway ni Zoey ang sonogram picture ng baby kay Geoff.

Kinuha nito iyon at pinakatitigan. Katatapos lang ng weekly check-up ni Zoey sa kanyang OB. Maganda naman ang kalagayan nila ng baby niya. And the baby is healthy! Unti-unti na itong kumokorte at lumalaki. Kita rin naman iyon sa sonogram picture.

"I'll keep this," anito saka tinago iyon sa wallet nito. There's an obvious hint of smile and happiness in Geoff's eyes. Kanina sinusupladuhan siya nito. Halos hindi siya kibuin. Pero nagbago ang timpla pagkakita sa sonogram.

"Ahm, you love babies?" tanong niya habang sumusunod rito palabas ng clinic.

"If it's mine, of course I do."

Napangiti siya. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse at sumakay siya roon.

"Geoff, I have a question. Is this whole baby thing overwhelms you still? Somehow, naisip mo ba na... it totally marked the end of your bachelor life?" tanong ni Zoey pagkasakay nito sa driver's seat.

Sumulyap ito sa kanya bago ini-start ang makina ng kotse. "Yes. The moment grandma called, I knew I had to take responsibility. It's more than overwhelming, Zoey. Nasaan ang prescription ng doktora? Anong mga kailangan nating gawin?" pag-iiba nito ng topic.

Inabot niya ang papel, flyers, at calling cards na binigay sa kanila ng OB-GYN kanina. Nakalagay lahat doon ang mga dos and don'ts sa pagbubuntis.

May puwede pa silang puntahan na mga trainings and workshops para maging ready parents. May mga scheduled seminars din para sa mga buntis. Wow! May mga ganoon pala!

She's going to be really, really busy for the baby! Pati rin si Geoff. Nadagdag pa sila sa busy na mundo nito. But anyway, willing naman ang lalaki. He loves their child!

Kinuha ni Geoff ang mga inabot niya rito at nilagay nito sa loob ng laptop bag nito. Pagkuwa'y binalik nito ang bag sa likod. Tuloy na tuloy ang pagbalik nito ng Manila mamaya. But for now, they are going on a date!

Yes, yes, yes! May picnic date sila sa isang sikat na parke sa Isabela kung saan natatanaw ang napakagandang view ng bulubundukin ng Sierra Madre.

Nang malaman ni Lola Mina na may plano silang mag-date ni Geoff ay sinabi nitong mag-picnic date daw sila. Nagpahanda ito ng mga kakailanganin sa isang picnic basket. Nandoon na daw ang lahat ng kailangan nila.

Nang makarating sila sa park ay wala masyadong tao. Halos solo nilang dalawa ang park!

 Nataas ni Zoey ang dalawang kamay at napatili sa saya. She could have jumped and jumped, kung puwede lang.

The green grass, the trees, the cool wind, and the mountain range made her feel like she's on a paradise! Hindi lang mga dalampasigan at farm ang mukhang paradise sa Isabela.

Binuhat ni Geoff ang picnic basket na may katamtaman ang laki. "Where do you want us to settle?"

Tinuro niya ang hindi kataasang burol kung saan may malaking puno sa taas niyon. "There!" excited niyang sabi at saka parang batang mabilis na umakyat doon.

"Careful, Zoey," Geoff reminded her with a bit of authority in his voice.

Nagdahan-dahan naman siya sa paglalakad. Nang nasa taas na siya, hindi man lang siya hiningal!

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon