Chapter Twenty

118K 3.1K 372
                                    

CHAPTER TWENTY

PARANG nakalutang ang mga paa ni Zoey at tila naglalakad siya sa cloud nine dahil sa sinabi kahapon ni Geoff. May automatic-replay yata iyon sa utak niya!

"I'm falling in love with you, darling."

Napatingin siya sa nobyo na seryoso habang may kinukuhanang litrato sa phone nito. Napangiti si Zoey.

"I'm falling in love with you, darling."

May pinipindot-pindot na si Geoff sa cellphone nito ngayon gamit ang isa nitong kamay. Habang nandoon ang atensyon nito ay hinawakan nito ang kamay niya at naglakad na ulit sila.

Nag-auto-replay na naman.

"I'm falling in love with you, darling."

Hindi niya na napigilang mapatili sa kilig. Napapitlag tuloy si Geoff at napatingin agad sa kanya.

"What's the matter with you?" gulat na tanong nito.

"Ehh! Kinikilig pa rin kasi ako hanggang ngayon. Hindi ako maka-move on sa sayawan kahapon!"

Napapikit siya habang pinipigilan ang kilig. Hinampas-hampas niya ito sa braso. "You naman kasi, Daddy Geoff! Bigla kang nagsasabi na you're falling for me, already!" Nahaplos niya ang tiyan. "Ang saya-saya namin ni baby Zofiya talaga!"

Napailing-iling ito. "Calm down, Zoey. I'm just starting to fall. It's still in the process."

"Kahit na! You're falling. At sa'kin lang ang bagsak mo!" Napatili na naman siya sa kilig at hinawakan ang isang pisngi. "My dreams are coming true. Happiness overload!" Damang-dama niya na sa susunod, "I love you" na ang maririnig niya rito.

Push!

Geoff chuckled. "Walk properly, Zoey. After another round, babalik na tayo sa mansyon."

Sinasamahan kasi siya nito para sa morning walk niya na naging exercise niya tuwing umaga.

She swayed their clasped hands. Dinama niya naman ang malaking tiyan na lalong bumigat kaysa kahapon. Nararamdaman niya rin ang marahang paggalaw ng baby sa loob ng tiyan niya.

Baby Zofiya is very much active! Napatigil siya sa paglalakad nang sumipa ang baby.

Napasinghap siya nang malakas at nataranta si Geoff.

"What happened now?" nag-aalalang tanong nito sabay sapo rin nito ng tiyan niya. "Are you alright?"

Nakakita sila ng kawayang upuan sa ilalim ng isang malaking puno. Inalalayan siya ni Geoff paupo roon.

Napaigik siya nang sumipa ulit nang malakas si Zofiya. "Na-e-excite yata si baby Zofiya..." Huminga siya nang malalim at sumandal sa katawan ng puno. "Ang lakas niyang sumipa!"

"Really?" Nanlaki ang mga mata nito at dalawang kamay na nito ang nasa tiyan niya.

"Here, o..." Kinuha niya ang kamay nito at nilapat sa may gilid ng tiyan niya. Saktong sumipa ulit nang malakas ang baby. Sabay pa silang napasinghap ni Geoff at nagkatinginan.

"T-That's the baby?" di-makapaniwalang wika nito.

Napadaing na naman siya nang sumipa ulit nang malakas si Zofiya. "Hehe! Ang likot niya..."

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon