Chapter Five

120K 3.9K 424
                                    

CHAPTER FIVE

FOR THE first time in forever ay tinamaan si Zoey ng hiya.

Nahihiya siyang sabihin sa mga pinsan ang kalagayan niya. Although, she knew na magagalit ang mga ito, alam niyang hindi naman siya pababayaan ng mga ito.

Nahihiya rin siyang magsabi kay Geoff na buntis siya. Paano niya ba kasi iyon sasabihin?

"Your baby is healthy, Miss Gregorio. Seven weeks ka nang buntis. Tama lang from the day you said that you had your last intercourse," sabi ng OB na pinuntahan niya sa bayan.

"Pakinggan mo. Malakas ang tibok ng puso ng baby mo..."

Napangiti si Zoey at nanatiling nakatingin sa monitor kung saan hindi pa kumukorte ang baby pero nakikita niya na ang nagsisimulang buhay sa loob niya.

Parang may kung ano ang bumabalot sa puso ni Zoey. Nangilid ang luha sa mga mata niya. Kapag nagka-baby na siya, aalagan niyang mabuti.

She'll survive from delivery. Para hindi lalaking walang Mommy ang baby niya. Hindi pa nga sure kung magkakaroon ito ng Daddy, eh.

"Miss Gregorio, may iba ka bang health condition na kailangan kong i-consider bago ako magreseta ng gamot? Do you have a heart condition?"

Umiling siya.

Sinulat nito iyon. "Any mental condition?"

Hindi agad nakasagot si Zoey. Piniga-piga niya ang kamay.

Nag-angat ng tingin sa kanya ang doktora. "Miss Gregorio?"

Napalunok siya. "W-Wala po..."

"Are you sure?" kumpirma pa ng OB. "If ever, I have to communicate with a psychiatrist. Iba kasi ang treatment sa mga buntis na may mental conditions."

Unconsciously, nakurut-kurot niya na ang hita. She smiled at the doctor. "Don't worry po. I'm perfectly fine, mentally..." Oh no no no, Zoey. We're not a good liar.

Ngunit naniwala naman ang doktora at nagsimula na itong mag-reseta ng mga vitamins na kailangan niyang inumin.

Agad niyang binili ang mga iyon. Okay naman ang mga gamot. Puro vitamins lang. Bumili na rin siya ng gatas. Maganda daw ang gatas sa buntis.

"Ang dami mo namang gatas na pinamili, hija," pansin ni Mang Joel nang pauwi na sila pagkatapos niyang mag-grocery.

"Ah, eh... bagong favorite drink ko na po ang gatas!" palusot niya saka tumawa.

Hindi pa rin alam ni Mang Joel ang kalagayan niya. Baka kasi magsumbong ito sa mga pinsan niya. Jona promised not to tell her pregnancy to anyone, kahit sa ama nito.

Kahit sa Zoey's ay wala pa ring nakahahalata na buntis siya. Well, hindi pa naman kasi lumalaki ang tiyan niya.

Pagkadating niya ng bahay ay agad siyang sinalubong ni Jona at binitbit ang mga pinamili niyang gatas. Ini-stock nila iyon sa personal refrigerator niya sa kuwarto.

"Nakausap mo na ba ang daddy ng baby mo?" maingat na tanong ni Jona habang inaayos naman nito ang lalagyanan ng vitamins niya.

Napaupo sa kama si Zoey. "Ahm, hindi pa, eh." Kinuha niya ang cellphone at saka napabuntong-hininga. "Paano ko ba kasi sasabihin?"

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon