Chapter Twenty-Three

113K 3.8K 516
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

"PEOPLE'S idea about love cannot be compared to God's love, darling." Napabuntong-hininga si Geoff. "Okay, sometimes I don't really get it. But I just trust. That's why it's called faith anyway."

                  Napalabi siya. "I don't question God's existence. Pero sa mga nangyari sa'kin in the past, mapapatanong ka na lang kung nandyan ba Siya talaga. May favoritism ba siya? Bakit kayo normal? Ako, hindi?"

May isang lalaking tumabi kay Zoey. Nang mapalingon siya rito ay agad siyang nginitian ng lalaki. "Sorry to eavesdrop."

"It's alright. May sagot ka ba sa mga tanong ko?" kausap niya sa stranger na moreno at may mala-tsokolateng kulay ang mga mata.

"Walang favoritism ang Diyos. We are all created for a purpose."

So, what's her purpose? Maging punching bag ni Auntie Lucille? Ginawa ba siya para may kukutyain ang mga tao?

Ginawa ba siya para kainisan dahil hindi niya kayang maging normal? "I'm a bipolar. What's my purpose, then?" she bluntly said.

"Zoey," saway sa kanya ni Geoff.

"What?" she innocently asked. "I just want to know my purpose."

Tumikhim ang lalaki. "Maybe, you were made for an extraordinary mission. Lahat ng pinagdaanan mo bilang may bipolar disorder, imposibleng walang rason. Ginawa ka ng Diyos na naaayon sa purpose mo. Hindi nagkakamali ang Diyos na gawin ka bilang ikaw. Kahit sa tingin mo wala kang kuwenta, hindi iyan totoo. Also, you're not bipolar, Zoey. You have a bipolar disorder. Magkaiba iyon. Your condition doesn't define who you are."

Humalukipkip ang lalaki at tumingin nang mataman sa kanya. "Siguro ang pagkakamali lang natin sa pag-intindi ng 'ginawa tayo ng may rason' ay iniisip natin kung anong impact ang magagawa o maiiwan natin sa mundong 'to. Somehow, that's true. Pero minsan ang purpose talaga natin ay hindi nasusukat sa kung anong nagawa natin. Sa simpleng existence pa lang natin, may impact na agad sa mga taong nakapaligid sa'tin."

"Wait, what?"

"We are created for a purpose to fill someone else's purpose, too," anito. "Maybe, you have a bipolar disorder and everybody's looking at you like a trash or a hopeless case, but for somebody else, your existence can inspire them that although you are flawed inside, you can still stand up straight and face the world with a smile. We don't really know what our purpose is until we came to know why God created us."

Napakurap siya. "Why did He... create me?"

"Because He loves you, Zoey. He loves the people that will need you. He loves the people who will be inspired by you. Our purpose is not for selfish motives, we exist for selfless causes. You, having a bipolar disorder, got to help someone to be able to understand deeply, to extend their patience longly, and to learn to love truly. Hindi lang natin madalas nakikita, pero malaki ang impact at halaga natin sa mga taong nakapaligid sa'tin. Halimbawa, ang purpose ng isang tao na matutong makaintindi ng mga espesyal na taong kagaya mo ay nangyayari dahil nabubuhay ka."

Lumagpas ang tingin nito sa kanya. "Right, Geoff?"

"You always got the point, Terrence."

                  Napayuko si Zoey. "Kailangan ko pa bang maging ganito para lang makatulong sa iba? Bakit ako?"

                  "Bakit hindi?"

                  "Why do I have to go through great pains? Mahirap na nga kontrolin ang sakit ko, bakit may mga taong sinaktan pa rin ako?"

Indulgent Geoff (TTMT #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon