CHAPTER NINE

38 4 2
                                    

LINGGO NOON..

Ginulat siya ng bumubusinang sasakyan sa may gate. Mula sa pagdidilig na mga halaman sa hardin ay nagmamadali niyang binuksan ang nakapinid pa ring gate at nilapitan ang Mercedez na kulay itim.

Automatikong bumukas ang bintana ng kotse nang makita siyang papalapit. Muntik pa siyang mapa-wow! nang makalapit sa lalaki sa loob ng sasakyan. Ang guapo kasi nito sa suot na puting longsleeve.

" Hi!" bati ng lalaki at ngumiti. Tumabad sa kanya ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin.

" Good morning, sir. How may I help you?" magalang niyang tanong.

" Oh. Yeah! Is Lin around?" kailangan bang pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik?

Nakaramdam man siya ng pagkailang ay sinikap niyang hindi mahalata ng estranghero.

" Y-Yes,sir! Please come in,"

" Thank you," muli nitong pinaandar ang sasakyan papasok ng garahe.

Hindi pa man nakakababa ang bisita mula sa sasakyan ay nagulat na siya sa tila excited na tinig ni Lin sa may bukana ng pintuan ng bahay.

" Lei, ni hao?" masayang bati ni Lin sa bagong dating at patakbong sinalubong ang lalaki.

" Lin Koko! Wo hao! Wo hao! Xie,xie ni!" Masaya ding sagot ng bisita at yumakap kay Lin na animo'y matagal na hindi nagkita.

Koko? Ang alam niya ay iyon ang tawag ng mga Chinese sa nakakatandang kapatid na lalaki.

So, Lin Koko ang narinig niyang tawag ng bisita sa amo niya. Ibig sabihin ay magkapatid ang mga ito? At mas matanda si Lin kay Lei?

" Amanda! Two coffee, please. In veranda," baling sa kanya ni Lin na hindi man lang nag-abalang ipakilala siya sa kapatid.

Tumango lamang siya at mabilis na tinungo ang kusina.

Naiwan ang dalawang nakasunod ang paningin sa likuran ni Amanda.

" Who is she?" pilyong nakangiti si Lei sa kapatid.

" Her name is Amanda," sagot ni Lin na nangingislap ang mga matang iginiya papasok ng bahay si Lei at umakyat sa veranda sa silid nito.

" How's Paris? And Andrea?" simula ni Lin nang makaupo na sila kapwa.

" Paris is so beautiful, Koko! Andy enjoyed being there!" tuwang-tuwang sagot ng tinanong na nakitaan ng kakaibang ningning ang mga mata sa pagbigkas ng pangalan ng asawa. " We just came back last night. I was excited to see you because mama told me that you're staying for good! Is that true?"

Natawa si Lin.

" Whoa! You came this early just to ask me if I'm really staying for good or not?"

" Of course, lah! We have a lot of things to catch up, you know? We've been separated for so many years and I miss you a lot, Koko!"

" Hey! You are a married man, now! Stop acting like a kid, okay?" natatawang sagot ni Lin.

Siya namang paglapit ni Amanda na may dalang dalawang tasa ng kape sa tray. Pakalapag ng kape ay nagmamadali ng lumayo si Amanda. At binalikan ang hindi pa natatapos na trabaho sa may hardin.

" Tha xi shei?" ( Who is she?) si Lei ulit na sinundan ng tingin ang papalayong si Amanda.

" Well, I told you, her name is Amanda. She's one of my workers in the department store from eight to five. My housemaid from five onwards. My driver sometimes," sumimsim ito ng umuusok pang kape.

" Why I can feel a sense of ownership there?" pilyong tanong nito.

" Do you?" tumatawang balik-tanong ni Lin.

HOW DID I FALL IN LOVE WITH YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon