CHAPTER SEVEN

41 4 0
                                    

Nagising siyang wala na sa tabi niya si Lin. Pinilit niyang tumayo. Mabuway pa rin ang mga tuhod niyang tinungo ang banyo ng silid ng binata. Hindi na siya nagtaka nang makita niya doon ang toothbrush niya. Nilipat marahil doon ng binata ang mga 'yon. Lumabas siya sa veranda matapos niyang mag-toothbrush at suklayin ang mahabang buhok niya. Lagi siyang namimintana doon sa tuwing maglilinis siya ng silid ni Lin. Mula kasi doon ay matatanaw ang malawak na hardin ng bahay na may munting gazeebo. Siya din ang nag-aalaga ng mga iba’t-ibang halamang naroroon.

Napangiti siya nang humaplos sa mukha niya ang sariwang hangin. Ngiting nahalinhan ng pagkagulat nang maramdaman niyang parang ahas na pumulupot sa baywang niya ang mga kamay ni Lin mula sa likuran niya.

       “ Good morning. How is my patient?” sabay nitong hinalikan ang buhok niya.

Napangiti si Amanda. Nagiging habit na yata nito ang halikan siya sa tuwing kakausapin siya o may sasabihin sa kanya. Hindi naman sa nagko-complain siya. She like the feeling of it, actually. Ginagap niya ang mga kamay nito at tinanggal sa pagkakayakap sa baywang niya at hinarap niya ang binata ng nakangiti.

      “ I’m better now. Thank you,” hindi niya alam kung bugso ng damdaming nagmamahal nang tumingkayad siya at gawaran ng manipis na halik sa labi si Lin.

Bilang tugon ay niyuko siya ng binata at madiing halik ang iginawad nito sa kanya. “ You’re welcome, honey,” pagkatapos ay kinabig siya at mahigpit na kinulong sa mga bisig nito.

Kusa ring yumakap ang mga kamay niya sa baywang ni Lin.

    “ Lin,” paungol niyang tawag sa binata.

    “ Hmmnnn…?” sagot nitong hindi pa rin siya binbitawan.

    “ About James. How---,”

    “ I heard someone telling Belle that James is actually not your son. So, since I want to make it sure, I sent someone in Philippines to investigate. Why did you use James on me?”

     “ I- I didn’t mean to use him. I just didn’t want to explain too much. So, you’ve been thinking that way, so be it,”

     “ With or without James, I still want to make you mine. Make you fall fo me. Now that I know who James really is, what other things you may want to use on me?”

Lalo niyang hinigpitan ang yakap sa binata. “ I’m scared,” bulong niya.

     “ Of what?”

     “ Of your mother. I swore in front of her that I won’t fall in love with her son,”

     “ But you already are, aren’t you?”

Hindi siya sumagot. Nahihiya siyang umamin sa harap ng binata.

     “ There’s one way that I know she could possibly agree with us,”

Lumikot ang mga mata niya. “ What?”

     “ Make one James of our own,” ang mabilis na sagot.

Mabilis niya ring itinulak palayo si Lin sa sobrang pagkamangha. Tinitigan ang binatang nag-e-enjoy sa reaksiyon niya. Natatawang muli siya nitong niyakap at kumilos itong tila nagsasayaw kahit walang tugtog.

     “ Don’t be scared. I’m here, honey,” bulong nito sa ibabaw ng ulo niya.

Yumakap din siya ng mahigpit sa binata. Gusto niyang damhin ang mga bisig nito habang sinisayaw siya sa may veranda. Maya-maya’y narinig niya pa itong humimig ng kanta.

       What can I do, to make you mine?

       Falling so hard, so fast, this time

       What did I say, what did you do?

HOW DID I FALL IN LOVE WITH YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon