CHAPTER TWO

60 5 0
                                    

Actually, para siyang papel na nililipad ng hangin. Magulo ang utak niya. Sabihin mang hawak niya na ang perang magliligtas sa tatlong taong gulang niyang bunsong kapatid. Si James. May butas ang puso nito at kailangan ng maselang operasyo sa lalong madaling panahon.

Tatlo silang magkakapatid.Siya ang panganay. Si Iger ang sumunod na dalawang taon ang agwat sa edad niyang beinte-kuatro. At si James na masasabing menopause baby, ang bunso nila.

Baby pa lamang ito ay nakitaan na ng kahinaan sa katawan. So, baby pa lamang ay puro na gamot ang katawan nito. Mabuti na lamang at regular ang trabaho ng tatay niya sa munisipyo. Nasusuportahan kahit papano ang mga gamot ni James. Noon na rin nakapag-isip si Iger na mag-working student para makatulong kahit kaunti lang sa gastusin sa bahay.

Kaso’y ayon sa nanay niya’y nitong mga huling araw ay madalas itong sumpungin kaya minabuting isugod na ito sa hospital. Ayon sa doctor ay malaki ang tsansa nito kung isasagawa ang operasyon sa lalong madaling panahon.

Mula nang magtrabaho siya sa Brunei ay nagawa niyang mag-ipon kahit paunti-unti lang. Lahat ay nailabas niya na mula pa nang araw na ipinasok si James sa hospital. Marahil ay sobrang desperado na siya’y pati si Jake na boyfriend niya’y nagawa niyang lapitan. Para lamang isampal sa mukha niya ang tunay na estado nito sa buhay.

Natatandaan pa niya ang mga sinabi sa kanya ni Jake.

     “ Pasensiya ka na. kailangan din ng mga anak ko ang perang puede ko sanang ipahiram sa ‘yo. Isa pa’y mino-monitor ni Misis ang bank account ko sa Pinas,”

At para pa ring punyal sa dibdib niya ang sumunod na sinabi nito sa kanya.

     “ Pero may mahihiraman ako. Ipangako mo lang na papayag kang magsama na tayo,”

Noon na nagpanting ang taynga niya at lumipad ang palad niya sa pisngi ni Jake.

    “ Niloko mo ‘ko?” sigaw niya.

Noon siya puersahang kinabig ni Jake at tila galit nag alit na susugurin siya ng halik. “ Kung umasta ka ay parang ang linis-linis mo! Kung hindi ko pa alam na si James ay hindi mo kapatid at anak mo sa pagkakasala!” mariing bulong nito sa kanya habang pinagsisikapan nitong siilin siya ng halik sa leeg.

Iyon ang nadatnan ng masungit na supervisor na si Belle kasama si Lin na ilang lingo pa lamang namamahala ng kumpanya.

     “ Have a descent room to do that next time!” iyon ang gumulat kay Jake at tila napasong binitawan siya.

Kitang-kita niya ang galit sa mukha ni Lin habang titig na titig kay Jake. Ganun din ang nag-aapoy na mga mata ni Belle sa kanya.

Sa sobrang kahihiyan ay napatakbo na lamang siya palabas ng store room.

Hindi na siya nagulat nang bigla’y lapitan siya ng masungit na si Belle at sabihang pinapatawag siya sa opisina ni Mr. Ming.

And now, here she is.

Sitting beside Lin in his car. Suddenly ay magiging utility girl. Eight to five as a saleslady, five to… whenever ay housemaid ni Lin. And in the future, could be his driver whenever he wish.

Pero kahit ano pa yan. Kahit ano pa ang gusting gawin nito sa kanya’y hindi siya papalag. Mabayaran lamang niya ang perang kanina pa niya hawak.

    “ There’s a bank inside this mall. You can send your money now. I believe that your baby need them by tomorrow?” iyon ang tinig na bumasag sa katahimikang namamagitan sa kanila mula pa kaninang umalis  sila sa premises ng supermarket.

Napatuwid siya ng upo at tila nahihiyang napatingin kay Lin.

Tumango lang si Lin sabay sabing: “ Go! Don’t waste your time and my time. I’ll wait you here,”

HOW DID I FALL IN LOVE WITH YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon