CHAPTER SIX

42 4 0
                                    

Isang Toyota Vios na puti ang nadatnan niya sa garahe ng bahay nang makauwi sila. She knows that he bought it as brand new. Naroon pa kasi ang mga plastic sa upuan ng sasakyan.

Hindi siya makapag-salita pagkakita sa bagong sasakyan. Natutuyuan siya ng lalamunan. Nanlalamig ang buong katawan subalit pinagpapawisan siya.

Ano ba ang dapat niyang sabihin?

Matutuwa ba siya?

Maiinis?

Wala sa dalawa ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Blangko ang utak niya. Ang alam niya ay nanlalamig siya pero bakit ga-munngo ang pawis sa noo niya?

     “ Okay. That’s your car. I put it under your name. Everything’s okay. The key is with you. You can try it on the road if you want,” simpleng wika nito na parang wala lang. Para lamang siyang binilhan ng lolly pop sa tindahan.

Ganito ba talaga ang mayayaman?

     “ Are you buying me?” hindi iyon ang gusto niyang sabihin subalit hindi niya maintindihan kung bakit iyon ang nanulas sa bibig niya.

Napalingon si Lin sa mga mata niya na noon ay pababa na sana ng kotse. Kulurot ang mga mata nitong hinarap siya.

     “ Am I buying you?”  ulit nito. Tila naiinis.

     “ Why are you doing this to me?”  nangilid ang luha sa mga mata niya kasabay ng pag-garalgal ng tinig niya.

     “ I’m not used of repeating words I’ve already said, Amanda. I’ve been making myself clear to you everyday we meet. That’s all I care. And you’re asking me now if I’m buying you? Can I buy you, Amanda?”

     “ No!” madiin niyang sagot.

     “ I know. And I’ll be very happy if I could just buy you. I can give up all my wealth just to make you mine!” madidiin din ang mga katagang binitawan nito na para bang pilit na tinatatak sa utak niya.

Naninikip ang dibdib niya sa sariling emosyon. Bigla ay napipi siya sa mga sinasabi ni Lin. Sa kawalan ng masasabi ay nagmamadali na lamang siya bumaba ng sasakyan at tumakbo papasok ng bahay at dumiretso sa silid niya. Doon niya ibinuhos ang luhang kanina pa gustong makalaya sa mga mata niya. Matapos lamang ang mga utang niya’y magpapaalam talaga siya sa binata.

Alas-kuatro pa lamang ng madaling araw ay inabala na siya ng sama ng pakiramdam. Bumabaligtad ang sikmura niya na may kasamang pananakit ng ulo at kasu-kasuan. Marahil ay gawa ng pagod at stress nitong mga nakaraang araw. Lagi na ay pinapatawag siya ni Lin para ipag-maneho sa mga dadaluhan nitong mga meeting. Minsan ay malalim na ang gabi sila nakakauwi.

Mula nang araw na huli silang mag-usap ni Lin tungkol sa nararamdaman nito sa kanya’y hindi na ito nangulit pa. Normal kapwa ang mga kilos nila. Isa pa’y kitang-kita din naman niyang abala ito sa kumpanya. Lagi na’y nakatutok ito sa mga papeles. Halos maghapon ang paroon at parito nito sa mga meeting. Minsan ay nakakaramdam siya ng disappointment. Para lang kasi siyang ordinaryong manggagawa para kay Lin. Tatawagin kung kailangan. Minsan ay parang hindi siya nito nakikita. Lagi nga silang magkasabay sa hapag-kainan, diyaryo o papeles naman ang laging hawak nito.

Hmmmnnn… mabuti na nga marahil ang ganoon, aniya sa sarili. Pero bakit nakakaramdam siya ng emptiness?

Kasalukuyan siyang nasa banyo ng sarili niyang silid nang makarinig siya ng sunud-sunod na katok sa pinto.

     “ Amanda!” tawag ni Lin kasabay ng mga katok.

Nagmamadali siyang nagmumog ng tubig upang mawala ang amoy suka sa bibig niya at mabilis na tinungo ang pintuan. Bago pa niya tuluyang buksan iyon ay inayos muna niya sa sarili. Ayaw niyang malaman ni Lin na hindi maganda ang pakiramdam niya. Iinom na lamang siya ng gamot mamaya para makapag-trabaho kahit papano.

HOW DID I FALL IN LOVE WITH YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon