CHAPTER THREE

49 5 0
                                    

Bigla siyang nasamid ng sariling laway sa narinig. Natawa tuloy si Lin.

     “ Why?”

     “ Why does she want to meet me?” tanong niya sa pagitan ng pag-ubo.

Nanahimik si Lin. Tila walang tanong na narinig. O,mas tama sigurong isipin niya na hindi nito gustong sagutin ang tanong niya.

     “ I’ll cook dinner for us. You have to see properly how I do it. Because next time I will ask you to do it for me,” sa halip ay iyon ang sinabi.

Tumango siya.

So, marunong palang magluto ang mokong na ito? Sa isip niya lamang iyon. Nakinig na lamang siya sa musikang nanggagaling sa stereo ng sasakyan nang manahimik at hindi na magsalita si Lin. Ano na nga ba ang title ng kantang iyon ng Backstreet Boys? How did I fall in love with you? Narinig pa niyang mahina ang tinig na sumasabay sa pagkanta ang amo niya. And in fairness, hindi ito sintunado.

Lamb chop, green beans with lettuce, steamed chicken with green onion, fried fish with dark sweet soy sauce and vegetable soup. Lahat iyon ay tinandaan niya ang pangalan. At lahat ng mga iyon ay gamay na gamay lutuin ni Lin. Nandoon lamang siya sa tabi nito. Attentive sa mga bagay na dapat niyang tandaan at inuutos nitong gawin niya.

Alas-otso na nang dumating ang hinihintay. Nakahanda na ang lamesa at nakaligo na sila pareho.

Tulad ng inaasahan niya. Mrs. Ming was a well dressed woman with her aristocratic look.

    “ How are you son?” anitong humalik sa pisngi ng anak.

    “ I’m good, ma.” Iginiya ni Lin ang ina sa hinilang upuan para makapag-hapunan na.

    “ This is all nice!” for the first time ay nakita niyang ngumiti ang reyna ng mga Ming. She looks more younger when she smiles,aniya sa sarili habang nagmamasid lamang sa dalawa.

Actually, pinasya niyang tumayo lang sa may di kalayuan at maghintay ng utos mula kay Lin. After all, iyon naman talaga ang trabaho niya.

      “ So, where is the girl?” narinig niyang tanong ng ginang na siyang naghatid ng kaba sa dibdib niya.

At masakit yata sa pandinig niya ang tanong.

      “ Ma, she is Amanda,” sagot ni Lin na hindi maitago ang iritasyon sa tinig habang pinagsisilbihan ang ina sa pagkain.

      “ Oh,okay. So, where is this Amanda?”

Umiiling na pabagsak na naupo si Lin. Pagkatapos ay tinawag siya. Mabilis naman siyang lumapit.

     “ G-good evening, ma’m,” bahagya siyang ngumiti at yumukod tanda ng paggalang.

Kung kinakabog ang puso niya sa mga titig ni Lin ay mas higit ang rigodon ng puso niya sa mga titig ng ina. Lalo pa nang pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik.

      “ Hello there! Have a seat,” anitong di ngumingiti.

Saan ako uupo? Mabilis na tanong ng utak niya. Dalawang plato lang naman ang inihain niya.

      “ Sit beside me,” tila nabasa ni Lin ang tanong sa isip niya.

Kikilos na sana siya patungo kay Lin nang:

      “ Beside me better,” agap ng ginang.

      “ Ma…”

      “ Here Amanda,” anang ginang na tumitig ng matiim sa kanya.

Tila litong tinapunan niya ng tingin si Lin. Tahimik lamang itong tumango at pagkatapos ay tumayo ang binata at kumuha ng plato para sa kanya.

Buti na lamang at nakaupo na siya. Kung hindi ay nabuwal na siya sa panginginig ng mga tuhod niya. Kasama niya ngayon ang dalawang taong tila sanay na sanay magpasunod ng tao.

HOW DID I FALL IN LOVE WITH YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon