CHAPTER FOUR

46 6 2
                                    

“ Mandy,lunch na tayo,” bulong ni Sam sa kanya.

Nginitian niya ang kaibigan. “ Saan si Melai?”

     “ Nasa washroom na. Alam mo naman ‘yun. Lagi na lang excited sa pagkain,” sagot ni Sam na sinisikap na hindi mapalakas ang boses.

      “ Sige,itatabi ko lamang ang mga ‘to,” nagmamadali siyang kumilos upang ayusin ang mga dapat ayusin sa estante.

Maya-maya ay sunud-sunod na sila sa pag-i-insert ng ng log out card. May isang oras silang break para mag-lunch. Iyon din ang oras nila para mag-check ng mga cellphone nila o mag-retouch ng make up. Gumala ng ilang minuto. Or bahala sila kung saan nila gustong ubusin ang isang oras.

     “ Wow, Mandy! Ang sarap naman ng mga ito. Sinong nagluto? Si Sir ba?” naglalantak na tanong ni Melai.

    “ Opo. Dahan-dahan, Melai,” tumatawang sagot ni Amanda.

    “ Okay ka lang ba duon, Mandy? Balita ko’y pamilya ng masusungit at matatapobre ang mga Ming,” si Sam iyon habang patuloy lamang sa maganang pagkain.

Ngumiti siya. “ Di ko na pinapansin iyon, Sam. Basta ba ginagawa ko ‘yung lahat ng obligasyon ko, e, okay lang na magsungit sila,”  sagot niya habang sinasabayan ang mga ito sa pagkain.

     “ Mandy,” maya-maya’y anas ni Melai sa kanya. “ Alam mo bang pinag-uusapan ang pagtira mo sa bahay ng amo natin? Naririnig ko nga ay palabas niyo lang daw iyon. Pero ang totoo’y may relasyon kayo ni Sir,”

Napa-angat si Amanda sa kinauupuan. “ Huh?” ang tangi niyang nasambit at gulat na gulat.

      “ Naniwala ka naman?” nakalabing salag ni Sam. “ Kung totoong may relasyon sila, e, bakit pahihirapan pa ni sir si Mandy sa pagtatrabaho? Kita mong pagtapos ng duty niya dito ,dakilang muchacha naman siya sa bahay ni sir,” mahabang litanya ni Sam.

Nangiti si Mandy. “ Hayaan niyo na nga mga tsismosa sa paligid. Basta, kapag natapos ko na ang mga utang ko, wala na ko dito,” sagot niyang nagmamalaki.

    “ IIwan mo kami?!” si Melai ulit.

    “ Aba’y ayoko namang pagpiyestahan ako ng mga tsismosa dito,’no?!” sagot niyang natatawa. Nakitawa na rin ang dalawang kaibigan niya.

Tawang naudlot nang may marinig silang kumatok sa may pinto. Halos sabay-sabay silang napalingon. Para lang kapwa magitla nang iluwa ng pintuan ang masungit nilang supervisor. Si Belle. Tulad ng dati, hindi pa rin ito marunong ngumiti. Hindi maikakaila ang kasungitan ng aura sa ilalim ng makapal nitong salamin.

     “ Ma’m B-Belle?” nasa mukha niya ang pagtataka. Bakit ito nandito? Sobra na ba sila sa oras?

    “ Amanda, pinatatawag ka ni Sir Lin sa office niya,” anitong tutok ang paningin sa pagkaing nakahain sa mesa nila.

     “ Ahmm… Ma’m Belle, ka-kain po tayo,” tsaka lang naalalang yayain ito ni Sam.

     “ Next time, I’m always available at twelve o’clock, okay?”  anitong bahagyang ngumiti.

Natawa silang tatlo. First time kasi nila itong nakitang ngumiti.

    “ Mandy,” baling ni Belle sa kanya.

Gulantang siyang kumilos. “ A…oo, nga pala. Sam, Mel, Ma’m, mauna na po ako,” magalang na paalam niya at bitbit ang maliit na bag na kinuha niya kanina sa locker niya.

Nagtataka man habang daan ay tinungo niya ang opisina ni Lin gamit ang elevator. Nasa top floor kasi ang office nito sa building na iyon. Minsan na siyang pinatawag doon kaya hindi na siya naligaw kung aling pinto ang papasukin niya.

HOW DID I FALL IN LOVE WITH YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon