CHAPTER ONE

116 6 1
                                    

Alam ni Amanda na ito ang susunod na mangyayari matapos silang mahuli sa aktong hahalikan siya ni Jake sa may bodega ng malaking Department Srore na kasalukuyan nilang pinapasukan.

Hmmnnn…

Paano niya ba ipapaliwanag ang lahat?

What he saw just now was exactly what he saw.

Black and white.

And at this time of her life, she don’t give a damn whatever people might think of her!

Oh? Hindi ba?

Kahit nangangahulugan pang ma-deport siya sa Pilipinas?

Life’s so funny and annoying at the same time.

Ha! Ha! Ha! ( Sarcastic! )

     “ I can see that you were the one who entered your lover’s working area?!” boses iyon ng bagong namamahala ng kumpanyang pinaglilingkuran niya. Nila ni Jake. Ang boyfriend niya for nearly six months now mula nang palarin siyang makalipad patungong Brunei.

     “ What exactly were you two trying to do inside my business premisses?” dagdag tanong nito. Halata sa tinig ang pigil na galit.

    “ S-Sir, it was not what you think. We..we were having an argument-,” sagot niyang di makatingin ng diretso sa bagong amo.

    “ Oh,oh,oh! What a oh, so sweet argument,then! You were kissing him,” anitong sumandal sa swivel chair at may sarcasm sa mga ngiti.

Apologetic ang mga matang tumingin siya sa batang amo.

    “ I- It’s the other way around,sir,” aniya at muling yumuko.

    “ Did my mom made it clear with all of you here that this company won’t allow any staff to paw or flirt during business hours? Or should I add in our business premisses?”

    “ S-She did. I’m sorry,” iyon ang tanging kaya niyang sabihin. Kahit ano na lang ang isipin nito ay okay lang. Gusto niya niya ng matapos ang litanya nito. Marami pa siyang dapat isipin at problemang dapat ayusin.

Natahimik ang batang amo.

Tila nag-iisip.

Naroon lang siya.

Hopefully waiting for him to dismiss her.

Ayaw niya ng magsalita ng kahit ano.

Ganuon din naman.

Ganuon din naman at hindi mababago ng explanation niya ang tingin ng mga Chinese sa mga Pinay sa Brunei.

     “ I want to hear it,” iyon ang gumulat sa kanya at biglang nagpa-angat ng mukha at tumingin sa mga mata ng amo.

     “ W-What do you want to hear,sir?” utal niyang tanong.

     “ The sweetest argument I’ve ever seen,” anitong sinayaw-sayaw ang swivel chair nito. Ang kaninang galit na tinig ay nahalinhan ng sarkasmo.

Mabilis siyang umiling. “ N-no need to know,sir. It’s personal,”

      “ Start talking now otherwise I’ll think that you’ve been doing it everytime you have a chance to do it,”

      “ It’s none of your business,okay?” hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob niya para sabihin iyon. Ang alam niya lang ay hinihingal siya sa sobrang tensiyon at galit. Mabilis siyang tumayo na lamang at tinungo ang pinto.

     “ Amanda!” nagulat pa siya sa timbre ng tinig nito.

Huminto siya. Pero hindi niya nilingon ang amo. Naghahabulan ang kabog sa dibdib niya.

HOW DID I FALL IN LOVE WITH YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon