CHAPTER TEN

84 5 0
                                    

     “ W-Why only me? I don’t want to go,”

     “ Because she want you to be there with me,”

     “ If I don’t want to go?”

     “ I’ll force you to go,”

     “ L-lin---,”

     “ Don’t be scared. I will never leave your side. I promise,”

Nanahimik siya ng ilang sandali.

    “ So strange,” halos pabulong niyang bulalas.

    “ Why?”

    “ Why does she want me there?”

    “ She want to introduce you to some people,”

    “ Who are they?”

Nagkibit-balikat lamang si Lin. “ Anyway, I’m starving. Can you find a restaurant for us?” nice way of avoiding the subject? 

hmmmnnn....

Akala niya ba ay ayaw sa kanya ni Mrs. Ming? Bakit pa siya…

    “ Hey! What are you thinking?” tinig ni Lin ang gumulat sa kanya.

Napatingin siya sa lalaki na noon ay abalang ayusin ang pagkaing in-order nila. Dinulot pa nito sa harapan niya ang pagkain niya. Pati kutsara’t-tinidor. Pati ang tissue at juice niya. Pagkatapos ay tsaka lang inasikaso ang sariling pagkain.

      “ Lin, your mother doesn’t like me, right?”

      “ Maybe,” maikling sagot nito sa pagitan ng pagsubo.

      “ So, it’s okay if I don’t go,right?”

Napahinto sa pagsubo si Lin at tumitig sa kanya.

      “ I’m sure that your wife also will be there,too. Of course you have to escort her all night long. You know, I told you already, I don’t want to be like some other woman,” malumanay niyang pangungumbinsi sa lalaki.

Natawa itong nagdaan sa ilong. “ You’re thinking too much, honey. You won’t be my mistress. And you definitely can’t be my mistress. So, please go?

    “ I’m not used to parties, you know?” one more try. Baka sakali lang namang makumbinsi niya ang lalaki. 

    “ I can see that,”

    “ So, I don’t know what to wear,” try again.

    “ Leave that thing to me, okay?”

    “ Can I just stay home?” she asked desperately with her puppy dog eyes. But still...

    “ No,” was his immediate answer.

    “ Please?”

    “ No! your food is getting cold,” anitong may finality sa tinig at pinagpatuloy ang pagkain.

Samantalang siya’y nakasimangot at tila nagdadabog na kumain. Sa kaabalahan ng pag-iisip sa nalalapit na party ng ina ni Lin ay hindi niya na napansin ang mga pigil na ngiting pilit na sumisilay sa mga labi ni Lin, habang pinagmamasdan ang sambakol niyang mukha.

Nakakapagod, nasambit niya sa sarili. Nahahapo ang isip niya at katawan. Sa tuwinang pumapasok sa isipan niya si Lin. Ang pamilya nito. Ang asawa at anak nito. maraming mga tanong ang naiipon sa utak niya. Kung susuriin niyang mabuti ay parang may mga bagay na salungat sa mga inaasahan niyang mangyari. Tulad ng imbitasyon ni Mrs. Ming sa nalalapit nitong kaarawan. Di nga ba ay ayaw nitong umibig siya kay Lin? Ibig sabihin ay ayaw nito sa kanya. Bakit pa siya nito gustong makita sa mismong kaarawan pa nito na kung tutuusin ay pam-pamilyang salu-salo lamang o di kaya’y malalapit lamang na mga kaibigan? Hindi kaya ay may pina-plano itong hindi maganda nang sa gayon ay tuluyan niya ng layuan ang anak nito?

HOW DID I FALL IN LOVE WITH YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon