CHAPTER EIGHT

40 4 0
                                    

  "You’ve been killing yourself this past few days,” untag ni Lin sa pananahimik niya habang nagda-drive. Sinundo niya ito sa airport galing Kuala Lumpur.

She forced a smile on her face. “ You’ve been away for a week. How did you know what I’ve been doing?”

    “ I have Jazz. I have Belle, don’t you forget,” sagot nitong patuloy sa pagbabasa ng magazine sa kandungan.

Ang secretary at supervisor nito ang tinutukoy.

Sa sobrang kagustuhan niyang makatakas sa maraming isipin niya’y nakalimutan talaga niya ang mga taong binanggit ng nobyo. Kahit nga sila Sam at Melai ay hindi niya na napagbigyan sa mga request na lumabas kahit saglit man lang after work.

     “ What was that for?” patuloy ni Lin nang hindi siya sumagot.

     “ W-Which one?” takang tanong niya.

     “ Working overtime. Not taking an off day,” sagot ng tinanaong. Di pa rin siya binabalingan ng tingin.

      “ You know I have to work hard,” malumanay niyang sagot kahit medyo naiinis na siya. Ayaw niyang magpadala sa sama ng loob niya.

Narinig niyang bumuntong-hininga si Lin. Pagkatapos ay isinara ang binabasang magazine. “ Okay. That’s good, then,”  sarcastic ang tinig nito.

Hindi niya iyon pinansin.

     “ I don’t want to go home,”  si Lin ulit.

Sa gilid ng mga mata niya’y ramdam niyang matalim ang tinging nakatuon sa kanya.

      “ It’s already late in the evening. Where do you want to go?”

      “ Empire Hotel,”

      “ For what?”

      “ I want to rest,”

      “ You can rest at home,”

      “ I want you to rest,” diniinan nito ang salitang “you”.

      “ I’m not tired. I’m good,”

      “ We need to talk, Amanda!”

      “ About what?”

      “ What you’ve been doing with yourself! And most of all why were you avoiding all my phone calls!” mataas na ang tinig nito.

      “ M-My mobile is broken!”

       “ You’re a terrible liar, Amanda!” mabilis ang mga kilos ni Lin. Mula sa loob ng coat nito ay nilabas ang sariling cellphone. Tumipa ng ilang beses. Maya-maya’y pumailanlang ang musika mula sa cellphone niya.

Napahawak siya ng nahigpit sa manibela ng kotse. Pakiramdam niya ay tuluyan ng sumulak ang dugo niya sa ulo. Kaya minabuti niyang ihinto ang kotse sa isang tabi. Pagkatapos ay hinarap ang binata.

     “ Now you can see I’m lying! Can’t you understand why I’m doing this to you? I don’t want you in my life!” palahaw niya sa binata. Iyong palahaw na ngayon lamang niya nagawa sa tanang buhay niya. Marahil ay dahil ngayon lamang siya nakaranas ng matinding sakit sa dibdib.

Nakita niyang tumiim ang bibig ni Lin. Rumehistro ang galit sa mga mata nito na siyang sinamantala niya.

      “ I just don’t have a choice, Lin. I have to stay with you because I owed you so much,” umiwas siya ng tingin kay Lin habang malumanay na ang pagsasalita niya. Ayaw niyang makita nito ang nagsisimula ng sumungaw na mga luha sa gilid ng mga mata niya.

HOW DID I FALL IN LOVE WITH YOU?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon