Chapter Sixteen

14.1K 574 7
                                    

"LET'S get married after the operation."

Hindi malaman ni Ayesha kung matatawa o mao-overwhelm sa karakang marriage proposal ni Boris. Nauunawaan niyang 'in high spirit' pa ito sa pagkakatuklas na buhay si Victor. At bagaman ang unang impulse niya ay tanggapin ang proposal nito ay minabuti niya pa ring huwag maging padalus-dalos ng desisyon.

"Inaalala mo ba ang magiging resulta ng operasyon?"

"Yes and no."

"Which is it?"

"Puwes, oo. Naroroon 'yong takot ko na baka hindi maging successful ang operasyon sa kabila ng assurance ni Dr. Benson. Pero hindi ko tinatanggihan ang marriage proposal mo—or at least hindi ako tumatanggi dahil doon. Ang inaalala ko ay..." kusa niyang hindi tinapos ang sinasabi.

"Baka spur of the moment lang ang proposal ko?"

Kagat-labi, marahan siyang tumango.

"Sa pagkakatanda ko ay nasabi ko na kay Mama na pananagutan mo ako, right?" pilyong sabi nito.

"Err—sumagot ba ako?"

"Uhm, oo naman."

Napangiti siya dahil obvious na nagsisinungaling ito.

"So, ano? Yes or yes?"

Napahalakhak siya.

"I'm one hundred percent positive about your operation. All the same, I want to marry you anuman ang maging resulta."

"S-sigurado ka?"

"Kasing-sigurado ng paglubog ng araw mamaya at pagsikat ng araw bukas."

Natatawa-naluluhang ipinulupot niya ang mga braso sa leeg nito.

"So, is that a yes?"

"Yes and yes."

Kaagad nitong sinelyuhan ang kanyang mga labi na para bang nag-aalala itong magbago pa siya ng isip.

***

ILANG araw bago ang nakatakdang araw ng operasyon ni Ayesha ay bumalik na sila ni Boris ng Maynila. Marami kaagad ang nakapuna sa malaking pagbabago ng binata. Mas naging approachable na raw ito. At kataka-takang ang parating pormal at seryosong casino owner ay madalas ng nakangiti.

Mula sa buong staff ng Polaris hanggang kina Luke at Alex ay iyon ang mga komentong naririnig niya.

True to his word ay kaagad siyang ibinili ni Boris ng singsing. 

Nang makita iyon ng kaibigan niyang si Mayette ay halos magtumalon ito sa kagalakan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang makita iyon ng kaibigan niyang si Mayette ay halos magtumalon ito sa kagalakan. Nang mahulasan ito sa excitement ay pabulong nitong naitanong: "Isinuko mo na ba ang Bataan?"

"Hindi lang ang Bataan. Kasama na ang Luzon, Visayas at Mindanao."

Ang lakas ng halakhak nito.

Boris Javier (Forever and Always)Where stories live. Discover now