Chapter Nine

14.6K 595 9
                                    

"CHIKUNGUNYA?" ang excitement ni Ayesha sa masayang balita para sa kaibigang si Mayette ay biglang nalambungan ng disappointment.

"Hassle nga, best, eh. Pagkakataon ko na sana para makapagliwaliw sa ibang lugar, napurnada pa. Peste naman 'tong sakit na 'to. Sa dami ng pagkakataon, kuu..."

"Oo nga," puno ng panghihinayang siyang napabuntong-hininga.

"Good luck na lang."

"Good luck? Hindi kaya mas akmang sabihin mo sa akin ay 'have a safe trip' kaysa 'good luck'."

Napabungisngis ang kaibigan niya sa kabilang linya. "Kailangan mo 'yon, best. Hindi sa nagdududa ako sa karisma mo, ha? Pero balitang mailap pa sa palos 'yang si Boris Javier. E, ganyang may pagkakataon ka ng masolo siya ay samantalahin mo na."

"Baliw!"

Tawa nang tawa ang kaibigan niya. Nang tumigil ito ay seryoso na itong nagsalita. "Mag-iingat ka. Anuman ang maging problema mo ay tawagan mo lang ako. Kahit nasaaang parte ka pa sa mapa ng Pilipinas ay pupuntahan kita."

"Alam ko 'yon. Salamat."

"At, best, isang paalala lang."

"Ano 'yon?"

"Huwag mong isusuko ang Bataan nang wala kang suot na singsing."

"Sira ka talaga!" mabilis na nag-init ang mga pisngi niya.

"Kung makikita mo lang sana kung gaano siya ka-guwapo, maiintindihan mo rin ako."

"Nakita mo na siya nang personal? E, di ba't—"

"Hep-hep, nag-research lang ako tungkol sa kanya. Alam mo naman si Google, reliable."

Na-curious siya. Bagaman parang nai-imagine niya na ang hitsura ni Boris ay nais niya pa ring humingi ng personal input ni Mayette. "A-anong hitsura niya?"

"Matangkad—above six feet, matipuno, very male, kakulay ni Papa Piolo—moreno, matangos ang ilong, medyo tsinito at mataman kung tumingin na parang nangangako ng glorya."

"Provided din ba ni Google ang ganyang mga descriptions?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Provided din ba ni Google ang ganyang mga descriptions?"

"Siyempre'y sarili ko ng interpretasyon 'yon base sa picture niya," bumubungisngis na sabi nito.

"Ahm, may nabangggit ba tungkol sa g-girlfriend niya?"

"A, oo. He was once engaged to be married with the woman named Princess Faith Arboleda. Ang gandang babae, best. Kung natatandaan mo 'yong Colombian actress na madalas itambal kay Mario Cimarro, gano'n na gano'n."

Hindi siya kaagad nakapagsalita.

"Iniisip mo sigurong wala kang panama sa kanya, ano?"

"Hindi. Bakit ko naman iisipin 'yon? Masaya ako at tatanawin kong isang napakalaking utang na loob itong tulong na ginagawa niya para sa akin. Pero ang umasa nang higit pa ro'n ay isang malaking ilusyon na 'yon, best."

"Ayesha."

"Sige, magpahinga ka na."

***

"SHOPPING?" napangiti si Boris sa reaksyon ni Ayesha.

"Yes, you heard me. C'mon, raise your butt."

"Pero—" ang tangkang pagpo-protesta nito ay pinutol niya sa pamamagitan ng paghila sa kamay nito.

"Plano ko lang sanang bisitahin si Mama. Pero dahil sinabi ng doctor na makabubuti sa'yo ang sariwang hangin at mga pagkain, I decided to extend our visit."

"P-pupunta tayo sa Mama mo?" bumadha ang pag-aalala sa mukha nito.

"Huwag kang mag-alala, tulad ko ay hindi rin nangangagat si Mama."

Alanganin ang naging ngiti nito.

"Stop frowning. Pumapangit ka," biro niya rito.

Napalabi ito. "Pangit talaga ako."

"Says who?"

Hindi ito sumagot at sa halip ay muli lamang nanulis ang mga labi. Hindi niya napaglabanan ang impulse na hagkan ito. Banayad niyang inangkin ang mga labi nito. Boluntaryong pumikit ang mga mata nito.

Sa buong panahon ng pagiging magkasintahan nila ni Princess ay hindi pa niya naranasan ang ganoon kasidhing emosyon na halos magpatupok sa kanya. Tuwina'y kalkulado niya ang kanyang mga ginagawa. Parati niyang iniisip ang magiging reaksyon nito.

"You are very pretty," aniya nang maghiwalay ang kanilang mga labi at masuyong ikuwadro sa dalawang palad ang mukha nito.

Maputi ito at mestisahin. At gustung-gusto niya itong titigan kapag ganoong namumula ang mga pisngi nito. Para iyong kulay ng manibalang na makopa. Katamtaman ang tangos ng ilong nito, maganda ang mga mata at makinis ang balat. Matangkad din ito kumpara sa average na height ng isang Filipina. At bagaman simple lang ito kung manamit, ang katawan nito ang tipong madaling bagayan anuman ang isuot.

"Let's go. Kakailanganin mo ng mga damit-pampaligo."

"P-puwede naman ako sa shorts at t-shirt lang. Siguro naman ay walang dress code sa beach.

Natawa siya sa sinabi nito. He let her wear her dark sunglasses but he didn't allow her to bring her walking stick. "I promised that I'll take good care of you. So from now on, I will be your walking stick."

Boris Javier (Forever and Always)Where stories live. Discover now