Prologue

40.2K 725 24
                                    

POLARIS Resort and Casino.

May tipid na ngiting kumabit sa mga labi ni Boris habang pinagmamasdan ang maliwanag at tila nagmamalaking signage ng Polaris. Kaparis ng pangalan nito, tila ito ang pinakamaningning na tala sa kulumpon ng mga establisiyementong nakalatag sa harapan ng Manila Bay. Namumukod. Makatawag-pansin. Mistula itong nagliliwanag na lampara na umaakit ng mga gamu-gamo. 

At tulad sa proverbial moth, ang sinumang pumasok sa Polaris Casino ay tila gamu-gamong natutupok sa apoy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

At tulad sa proverbial moth, ang sinumang pumasok sa Polaris Casino ay tila gamu-gamong natutupok sa apoy. Umuuwing bigo. Talunan. Some even went bankrupt and worst...humahantong sa pagpapatiwakal. Bagay na ipinagkikibit-balikat na lamang niya.

Matagal ng natutunan ni Boris na patahimikin ang kanyang kunsensya sa mga ganoong bagay. Because first and foremost, isa siyang negosyante. Kung walang manunugal na papasok sa kanyang casino ay mawawalan siya ng negosyo.

"Sir, naghihintay na ho sa villa si Miss Princess."

Naputol ang malalim na pagmumuni-muni ni Boris sa tinig ng bodyguard na si Pilo. Bigla niyang naalala ang isang espesyal na okasyon sa gabing iyon. Balak na niyang alukin ng kasal ang kasintahang si Princess.

 Balak na niyang alukin ng kasal ang kasintahang si Princess

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Susunod na ako. Sabihin mo kay Chef Eppie na ihanda na ang lahat ayon sa napag-usapan naming preparations last week."

"Yes, Sir."

Muli ay pahapyaw niyang hinayon ang kabuuan ng Polaris mula sa roof deck. Sa nakalipas na dalawang taon ay parati itong nasa top five bilang isa sa pinakamagandang gambling destination sa Asya. Kung dati ay nangunguna ang Macau at Singapore sa mga itinuturing na gambling hotspots, sa kasalukuyan ay kayang-kaya na ring makipagsabayan ng Polaris.

Ang Polaris Resort ay maraming guest's suites at private villas. Bawat villa ay may luxurious amenities. Ang mga guests dito ay may access sa bente-kuwatro oras na butler service, sariling pool at Jacuzzi, an in-house spa facilities, a home theater, their own private chef—provided by the resort's management, of course—as well as fifteen dining options.

Samantala, ang casino ay may kabuuang dalawampung libong metro kuwadrado. Mayroon itong mahigit sa tatlundaang gaming tables para sa pontoon, money wheel, roulette, craps, blackjacks at baccarats. Meron ding isang libo at limandaang slot machines at private gaming salon para sa mga VIP.

Walang sinuman ang mag-aakala na isang araw ay mapapasakanya ang lahat ng iyon. Siya na dati ay hinahamak at pinangingilagan sapagkat anak siya ng isang drug lord at retiradang belyas turned Mama San. Siya na may tatak ng pagiging delingkwente. Siya na itinuturing na bangungot ng bawat magulang para sa kanilang mga dalagang anak. Siya na nagawang manggamit at magpagamit upang makarating sa kanyang kinalalagyan.

Siya, si Boris Javier Chen. He used to be an insignificant, worthless piece of crap. Subalit ngayon ay meron na siyang puwang sa lipunan. Isa na lamang ang kulang.

Si Princess...

Kinapa niya ang munting kahita sa loob ng kanyang dinner jacket. Mahigpit niya iyong nakuyom. Humugot siya ng isang malalim na paghinga at pagkuwa'y nagsimulang humakbang patungo sa huling kaganapan ng kanyang mga pangarap.

'

A/N:

Here's the prequel of Virgil. I decided to post this para po doon sa mga nagtataka sa ilang characters na lalabas sa mga natitirang kaganapan sa buhay ni Alexis.

Don't worry because this is already completed.

Happy reading.

Bb_Anastacia/Doreen Gabriel

Boris Javier (Forever and Always)Where stories live. Discover now