Chapter Five

14.5K 622 8
                                    

"BE good to Andy, Ayesha. Maaari ba? He is such a nice guy and I'm sure he'll be good for you."

Pinagtakhan ni Ayesha ang mga pangungusap na binitiwan ni Mr

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pinagtakhan ni Ayesha ang mga pangungusap na binitiwan ni Mr. Frazier nang kausapin siya nito. Dati-rati naman ay wala itong pakialam sa mga admirers niya. Ano at inuutusan siya nito ngayon na pakitunguhan nang maganda si Andy?

Ang lahat ng iyon ang tumatakbo sa isipan ni Ayesha habang tumitipa ang mga daliri sa tiklado ng piano. Nakadaragdag pa sa kalituhan ng damdamin niya si Boris Javier.

A, masyado ba siyang nagpadalus-dalos sa desisyong tanggapin ang tulong nito na ipa-opera ang kanyang mga mata? 

Patas lang naman 'yon dahil may utang na loob siya sa'yo, katwiran ng isang panig ng isipan niya.

Ang pagkakamali niya lang siguro ay kaagad siyang pumayag sa suhestyon ni Luke na sa Polaris na rin siya pansamantalang manirahan. May pakiramdam na nga siya na 'allergic' sa kanya si Boris noong umpisa pa lang ay kung bakit naman parang nais pa rin niyang mapalapit dito.

Naaawa ka lang. Bigo kasi sa pag-ibig kaya gusto mong damayan, muli ay sabi ng isang parte ng isipan niya.

Kung sa isang babae ay masakit ang hindi siputin ng groom sa araw ng kanyang kasal, ay lalong higit marahil para sa isang lalaki. Ga-bundok ang amor propio ng mga ito.

Napabuntong-hininga siya matapos tumugtog. Labag man sa kalooban niya ay mapipilitan siyang harapin si Andy. Naramdaman niya ang paglapit nito. Alam niya sapagkat pamilyar na siya sa amoy ng pabango nito na masangsang sa ilong. At sabihin pa, hindi komportable ang pakiramdam niya kapag nasa malapit lamang ito. Parang umuurong ang balat niya madantayan lamang ng mga daliri nito. He made her sick.

"Flowers for you, sweetie."

Pilit ang ngiting ibinigay niya rito matapos tanggapin ang bungkos ng mga bulaklak.

"Let's have dinner first bago kita ihatid sa bahay mo," hinawakan siya nito sa balakang na dagli niyang ikinapitlag.

"Mag-magbibihis muna ako."

"Wala akong nakikitang masama sa suot mo. In fact, napakaganda mo ngayong gabi. Parang gusto kong maniwala na magbubunga na rin sa wakas ang panunuyo ko sa'yo."

Sa panaginip, ngali-ngaling itugon niya rito. "Ahm, 'yong bag ko kasi..."

"Dinala na ng driver ko sa kotse."

"A-akala ko magdi-dinner tayo?"

"Of course. Sa ibang restaurant nga lamang. Masyadong crowded ang ambience dito. One of these days ay ipapabago ko ang interior design ng Frazier's, masyado ng luma."

"Ano ang ibig mong sabihin?" hindi pa man nito sinasagot ang tanong niya ay parang unti-unti na niyang nauunawaan ang takbo ng mga pangyayari.

"Oh, you didn't know? I own seventy-five percent of Frazier's now, sweetie. I'll go as far as buying a worthless piece of crap such as Frazier's just to have you, Ayesha."

Wari'y biglang nagyelo ang pakiramdam niya sa sinabi nito.

***

"DAMN it!" halos magiba ang pinto ng Volvo nang pabagsak iyong isara ni Boris.

He missed Ayesha by a couple of minutes. Kaaalis-alis lamang daw nito ayon sa waiter na napagtanungan niya. Mabuti na lamang at tanda ng waiter ang plate number ng sasakyan pati na ang eksaktong deskripsyon niyon. Diumano'y kasama nito ang lalaking nagngangalang Orlando Sia.

Muli siyang napamura nang makita niyang bumper to bumper ang traffic sa unahan nila. Hindi siya pasensyosong tao. Kaysa maupo at maghintay kung kelan uusad ang trapiko ay bumaba siya ng sasakyan at sinimulan niyang isa-isahin ang mga sasakyang tumutugma sa deskripsyong ibinigay sa kanya.

***

"IF I were you, I'll be good and be very accommodating, Ayesha. Hindi mo ba naisip ang posibilidad na maaari kitang matulungan upang maipagamot ang mga mata mo?"

Sinikap paglabanan ni Ayesha ang nadaramang takot. Sa kotse pa lamang ay parang ibig na siyang sunggaban ni Andy. At ngayong nakaupo na sila sa loob ng isang restaurant ay hindi siya sigurado kung dapat siyang makampante na nasa isang pampublikong lugar sila o mas dapat siyang matakot sapagkat parang napaka-pribado ng kanilang kinauupuan.

Nang abutin nito ang kanyang kamay ay nais niya iyong hatakin pabalik. He drew little circles in her palm that brought chills in her very core.

"L-lumalalim na ang gabi," nagawa niyang sabihin sa pagitan ng paninigas ng kanyang panga. Kilabot na kilabot siya na ibig na niya itong itulak palayo. "Gusto ko ng umuwi p-para makapagpahinga."

"Haven't you listening, hmn?"

Naramdaman niya ang paypay ng hininga nito malapit sa kanyang punong-tenga. Sa puntong iyon siya biglang parang natauhan at malakas itong itinulak. Subalit hangin lamang ang nahagip niya. Parang nakakaloko itong tumawa.

"Nasabi ko ba sa'yo na mientras mailap at palaban ang babae ay lalo akong nanggigigil?"

"Tulu—hmp!" mabilis nitong tinakpan ng kamay ang bibig niya. Biglang nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Sa labis na takot at kawalang pag-asa ay tahimik na bumukal ang kanyang mga luha.

"Shh, mabait naman ako, eh. Kaya lang depende sa'yo kung paano kita tatratuhin."

"Get your filthy hands off her." 

***

BORIS saw red. Tila nagbalik ang eksena noong araw na matiyempuhan niya si Romero na binubugbog ang kanyang ina.

"Huwag kang makialam dito. Personal na usapan ito."

"Kung hindi mo ako naintindihan ay uulitin ko, bitiwan mo siya," pinipigilan niya lamang ang sarili na pitserahan ito at ihagis sa dingding.

"Aba't sino—"

Mabilis niyang inabot ang isang braso nito at pinilipit iyon sa likuran nito. Nang akmang sisigaw ito ay mabilis niyang tinakpan ng kamay ang bibig nito.

"Stand up, Ayesha. Aalis na tayo."

Bagama't parang ibinabad sa suka ang mukha ni Ayesha ay laking pasasalamat niya nang tuminag ito at sumunod sa utos niya. Nang mapuna niya ang panginginig ng dalaga at ang patuloy na pamamalisbis ng mga luha nito ay pinilipit niya nang husto ang braso ng lalaki. Nang hindi makuntento ay hinawakan niya ang hugpungan ng kamay nito at braso. Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang lumagutok iyon. Halos manlupaypay ito nang bitiwan niya.

Yumuko siya at inilapit ang bibig sa tenga ng lalaki. "Listen to me and listen good, huwag na huwag ka na uling magpapakita kay Ayesha. Sa susunod na malaman kong ginagambala mo pa siya, hindi lang 'yan ang mangyayari sa'yo."

Sunud-sunod na tango ang naging tugon nito.

Boris Javier (Forever and Always)Where stories live. Discover now