Chapter Six

14.8K 619 11
                                    

SA pagitan ng panginginig at panlalambot ng mga binti ay pinilit ni Ayesha ang sariling lumakad. Kamuntik na siyang mabangga ng kasalubong niya nang may banayad na humigit sa kanya at igiya siya sa tamang direksyon. Nakagat niya ang ibabang labi upang awatin ang sariling mapahikbi. Higit kailanman ay ngayon niya naramdaman kung gaano siya ka-inutil.

"Hey," dalawang matitipunong bisig ang humapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

Boris.

Minsan kahit hindi natin gusto ay itinutulak nating palayo ang ibang tao hindi dahil galit tayo sa kanila, kundi dahil tayo'y natatakot. Natatakot na muling magtiwala at masaktan. Iyon ang sabi sa kanya ni Luke nang walang paalam na lumabas sa silid niya kanina si Boris. At sa totoo lang ay nasaktan siya sa malamig nitong pagtrato sa kanya. Ngunit ngayong mahigpit siyang nakabilanggo sa mga bisig nito ay parang walang anumang pinahid ang alaala ng pangyayaring iyon.

"Shh, I'll take good care of you. Hush now," ikinulong nito sa dalawang palad ang kanyang mukha at pinalis ng thumb finger ang mga bakas ng luha sa magkabila niyang pisngi. "Halika na. Umuwi na tayo."

Ginagap nito ang isa niyang kamay at inalalayan siyang lumakad.

"'Yong gamit ko," bigla niyang naalala ang kanyang bag na pinilit ipaiwan ni Andy sa sasakyan nito. Katwiran ng lalaki ay hindi naman sila magtatagal.

"Naiwan mo ba sa loob?"

"Nasa kotse ni—"

"Nakuha ko na ho, Sir."

"Thanks, Pil. Here."

Napangiti siya at nagpasalamat.

"Ano ba ang napaka-importanteng laman niyan at parang takot na takot kang maiwan?" out of curiousity marahil ay naitanong ni Boris nang tumatakbo na ang sasakyan.

"Naririto ang cellphone ko, pitaka, foldable walking stick, 'yong key card ng suite atsaka..." napayuko siya at mahigpit na hinawakan ang nakapang maliit na botelya sa loob ng bag. Iyon ang ointment na ipinahid ni Boris sa hinlalaki niya nang aksidenteng mahulugan niya ng paper weight. Corny marahil para sa iba, ngunit sentimental siyang tao pagdating sa mga importanteng tao sa buhay niya.

Natigilan siya.

"Bakit? May nawawala ba sa gamit mo?"

"W-wala," mabilis niyang isinarado ang kanyang bag at mahigpit na kinipit sa kanyang kandungan.

"Sinaktan ka ba niya?"

Kaagad siyang umiling. "Salamat at dumating ka kaagad."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.

"Next time huwag kang bastang aalis nang walang kasama."

Tumango lang siya.

"Akina ang kamay mo."

Naguguluhan man ay sinunod niya ito. Hindi niya tiyak kung ano ang ginagawa nito. Ngunit pakiramdam niya ay ini-examine nito bawat sentimetro ng kanyang kamay at braso.

"Sa kabila."

Ganoon din ang ginawa nito. Nahahati ang damdamin niya sa amusement at pagtataka. Nang makuntento ay saka lamang nito binitiwan ang kamay niya. Biglang kumalam ang sikmura niya. Napangiwi siya at mabilis na nag-init ang mukha sa nilikha niyong ingay.

"Nagugutom ka na?"

Sunud-sunod na tango ang naging sagot niya. Niyaya siyang maghapunan ni Andy ngunit mukhang siya ang balak nitong kainin kanina. Inutusan ni Boris ang driver na idaan sila nito sa isang restaurant. Hindi naman naglipat-saglit at tumigil ang kanilang sinasakyan. Naunang umibis si Boris at ipinagbukas siya ng pinto. Nang makababa siya ay inabot nito ang isa niyang kamay at ikinawit sa braso nito.

Boris Javier (Forever and Always)Where stories live. Discover now