Chapter One

22.6K 718 11
                                    


MAINGAT na binaybay ni Ayesha ang likurang eskinita ng pinanggalingang bar slash restaurant. Hindi niya alintana ang dilim at baho ng nilalakaran. 

She is partially blind anyway

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

She is partially blind anyway. Unti-unti na rin niyang sinasanay ang sarili na gamitin ang iba pa niyang pandama sapagkat posibleng isa sa mga araw na darating ay tuluyan na siyang mawalan ng paningin.

Naaksidente siya mag-iisang taon na ang nakakaraan. Aksidente sa sasakyan na siya ring ikinasawi ng kanyang mga magulang. Dead on the spot ang mga ito habang siya ay malubhang nasugatan at matagal na nanatili sa hospital. Nang araw na ma-discharge siya ay sa puntod na ng mga ito siya tumuloy. Ni hindi na siya nabigyan ng pagkakataong maihatid ang kanyang mga magulang hanggang sa huling hantungan.

Nag-iisang anak lamang si Ayesha. Maliban sa matalik na kaibigang si Mayette ay wala na siyang ibang taong maaasahan sapagkat pawang malalayo na ang kanyang mga kamag-anakan. Dati siyang office clerk sa isang shipping line. Subalit nang unti-unting lumitaw ang diprensya sa kanyang mga mata—na resulta pa rin ng nangyari sa kanyang aksidente dangan at huli na nang makita ng mga doktor—ay napilitan siyang mag-resign. Sa kasalukuyan ay heto siya, tumutugtog ng piano sa isang kilalang bar.

Maayos naman sana ang kalagayan niya sa Frazier's—ang bar na kanyang tinutugtugan. Hanggang sa makilala niya si Orlando Sia. Nabighani ito diumano sa kanyang kagandahan at nais siyang gawing ikatlong asawa.

Muntik na siyang mapahumindig nang tahasan iyong ipahayag ni Orlando Sia—na mas gustong tawaging 'Andy' kaysa buo nitong pangalan. Mabuti na lamang at naagapan niya ang sarili at sinikap magpakahinahon. Nauunawaan niyang sa nature ng bago niyang trabaho ay darating talaga ang mga ganoong pagkakataon. Hindi man kabastos-bastos ang kanyang gawain ay may makakausap talaga siya na isang kaparis ni Andy na ang tingin sa mga performers ay mga paninda sa eskaparate na maaaring mabili.

Gayunma'y madiplomasya niya itong tinanggihan at sinabing hindi siya interesado sa 'posisyong' iniaalok nito. Akala niya ay naipa-unawa na niya iyon nang maayos sa lalaki. Subalit sa halip ay tila higit itong naging pursigido. Umakyat pa ito ng ligaw. At sa mga gabing may tugtog siya sa Frazier's, kulang na lang ay maglagay ito ng barikada upang siya'y masolo.

Sa tuwing uulitin niya ang sinabi rito na wala itong maaasahan sa kanya ay pabalewalang iwinawasiwas lamang nito ang kamay na para bang walang kaso anuman ang sabihin niya. Susuko at susuko rin daw siya rito. Bagay na naghatid sa kanya ng pangamba.

May-hitsura sana ito, ayon sa kaibigan niyang si Mayette. Matangkad at medyo nahahawig kay Jay Manalo. Mayaman din. Kaso mahigpit ang panuntunan niya sa buhay para pumatol sa isang may-asawa. Kahit pa siguro ito ang pinakaguwapo at pinakamayamang lalaki sa Pilipinas ay hindi pa rin niya ito papatulan.

Subalit ang patuloy na pag-iwas at pagtanggi ni Ayesha kay Andy ay tila lalo lamang nagpasidhi sa hangarin ng mayamang negosyante na makuha siya, by hook or by crook. Kaya naman heto siya sa kasalukuyan, binabaybay ang madilim at mabahong eskinitang iyon upang makaiwas lamang dito. Sa tulong ng nobyo ni Mayette na si Sammy ay patalilis siya nitong iginiya sa back door entrance ng restaurant. Waiter doon ang lalaki at agad siyang natimbrehan na inaabangan na siya ni Mr. Sia. Naitawag na rin siya nito ng taxi na naghihintay na sa kanya paglabas niya sa makipot na eskinitang iyon.

Boris Javier (Forever and Always)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon