17 // She Almost Died

191K 3.5K 647
                                    

"Unbeing dead isn't being alive."
— E.E. Cummings 

~ ~ ~

“Let’s partehhhh!”

Nagsasaya ang buong paligid at rinig na rinig ni Ces ang mga sigawan, pagkukuwentuhan at mga tawanan ng mga tao. After all, ito naman talaga ang point sa pagpunta ng bar: ang magsaya. Everyone's happy, everyone's enjoying the night. 

Except her.

“Never look at them,” rinig niyang bulong ng lalaking nasa likod niya.

Ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. It was so unhealthy dahil sa sobrang bilis nito, nahihirapan na siyang huminga. She opened her mouth, gasping for air. . . She needed it. She really needed it. Hindi na niya kaya.

Nakatakip pa rin sa mga mata niya ang kamay ng binatang nasa likuran niya. Kahit pakiramdam niya ay inilalayo siya ng lalaki sa senaryong iyon, hindi pa rin siya mapakali. Naglakad sila paatras, para lumayo. Ang daming nagsisigawan sa loob ng bar pero mas rinig ni Ces ang pagsigaw ng kanyang puso.

Ang sakit. . . sobrang sakit.

Nang tumigil sila sa paglalakad, umatras si Ces na ikinabigla ng binatang nasa likuran niya. “T-teka—”

Umtras lang siya nang umatras dahil pakiramdam niya ay makikita pa rin niya 'yun. She needed to go. Gusto niyang lumayo. Lalayo siya. Lalayo siya nang sobra. Sa sobrang pag-atras niya ay na-out of balance ang binatang nasa likuran niya at nawala ang takip sa kanyang mga mata. Dahil sa takot, pumikit siya at tumakbo palabas ng bar.

Hindi. . .hindi ito totoo.

Walang katotohanan ang lahat—ito ang pinipilit niya sa kanyang sarili.

Nanghihina ang buong katawan ng dalaga nang makalabas siya. Humugot siya ng hangin dahil pakiramdam niya ay pinagdadamutan na siya ng paghinga. “Ces!”

Nataranta siya sa pagtawag sa kanya kaya't dumiretso siya sa pagtakbo, hindi lumilingon sa tumawag. Hindi niya iniinda ang panghihina ng kanyang katawan. Tumakbo lang siya. Not minding other people Not minding the curse she gets dahil sa mga nabubunggo niya. Hindi niya pinapansin ang paligid. . . Wala siyang pinapansing iba.

Wala siyang pakialam sa ib—

Beep!

“C-Ces!” Napatigil si Ces sa pagtakbo at bago pa siya makasama sa pagharurot ng sasakyan, may humatak sa kanya pabalik.

Huminto ang kotseng muntikan nang matamaan si Ces. Rinig na rinig ang musika sa loob nito dahil nakabukas ang mga bintana. Ibinaba ng driver ang kanyang shades kahit madaling araw na noon at ipinakita ang naiiritang mukha. Hinithit nito ang sigarilyong hawak at marahas na itinapon sa harapan nina Ces.

“PUTANGINA KANG BABAE KA! Gusto mo bang mamatay?!” Nagulat sila pati na ang ibang taong nakapaligid sa pagsigaw ng driver at biglang nagpaharurot ng kotse.

That Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon