5 // Indirect Kiss

267K 5.6K 1.7K
                                    

"One day you will kiss a man you can't breathe without, and find that breath is of little consequence."
— Karen Marie Moning

~ ~ ~

Maybe. . . later?

Define the word. . . ‘later’.

Ang ‘later’ ay puwedeng i-Tagalog as “mamaya” na ang ibig sabihin ay paglipas ng ilang minuto o oras pero ‘di ba, ang later. . . oras lang ang pagitan? Hindi naman kasi sinabing bukas o sa isang linggo o isang buwan o taon.

Later e, mamaya—pero ano ba ang ibig sabihin ng isang Lyle Yuzon sa salitang ‘later’?

Bakit inabot ng isang buong semester and on-going ang ‘later’ niya?

* * *

And once again, napabuntong-hininga ulit si Ces. Ito ay dahil ang last update sa website ni Lyle ay noong nakaraan before mag-semestral break na break na raw ang binata sa girlfriend nitong car racer. It's been two months since their semestral break—again. Walang pinagbago. Siya pa rin ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa college nila.

Ang pinagkaiba lang, wala siyang balita kay Lyle. Simula noong nakasabay niya si Lyle sa kotse ay halos tatlong beses lang niya nakita ang binata sa buong five  months ng semester. Nung una, sa cafeteria na pinapalibutan ng mga alipores nito, ang pangalawa ay 'yung picture ni Lyle kasama ang car racer nitong girlfriend at pangatlo, mukha ni Lyle sa pamaypay ng isang babaeng nakasalubong niya.

Kahit ang website ng binata, walang masyadong balita dito. Nakakapagtaka dahil para bang naging pribado bigla ang buhay ni Lyle na siyang kinadismaya naman ni Ces.

Actually, hindi na rin siya umaasa.

Sino nga ba kasi siya para umasa para sa isang Lyle Yuzon? Does she even exist in his world? Sigurado ba siyang siya lang ang tinatawag ni Lyle ng “Princess” at kung maka-react siya ay para bang nasasaktan sa tuwing may ibang girlfriend si Lyle?

She’s merely a fan girl, after all. . . so bakit parang naghahangad siya ng mas mataas?

“Oy, ano, Ces, alis na kami, ha?” Pag-angat ng ulo ni Ces, nakita niya si Marky na ka-holding hands ang bagong boyfriend nito na kung hindi siya nagkakamali ay Fitz ang pangalan. Ngumiti lang si Ces sa dalawa. Bago pa makaalis ng cake shop, narinig ni Ces ang isang kumento ng new boyfriend ni Marky.

“Pipi ba 'yung kaibigan mo? Bakit hindi nagsasalita?”

Napangiwi siya sa narinig na para bang hindi niya alam kung ano’ng dapat na reaction sa sinabi ni Fitz. Pero ito siya, walang ni-react at nagpatuloy lang sa pagwawalis ng shop.

Ilang minuto ang nakaraan, bumukas naman ang pintuan. Magsasaya na sana siya sa pag-aakalang dumating na ang kanyang kapalit sa shift. Pero si Matthew lang pala ang dumating, ang boy bestfriend ni Marky. Nginitian niya ito

That Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon